vlog content 30 | Unmasked

1K 152 15
                                    


Chapter theme: Bring me the horizon - Follow you

Chapter theme: Bring me the horizon - Follow you

اوووه! هذه الصورة لا تتبع إرشادات المحتوى الخاصة بنا. لمتابعة النشر، يرجى إزالتها أو تحميل صورة أخرى.


Unmasked


WHO would have thought that the least expected person was the one behind the precious mask? I was literally left dumbfounded as I shut the door closed, loud enough to capture their attention.

"So, you're the mischievous alliance all along?" Napangiti ako nang tinapunan siya ng tingin habang nakaluhod sa harapan ng nakaupo sa kamang si Alfredo. May paungol-ungol pa ang matanda subalit agad napalitan ito ng sigaw nang ibalibag ko ang pinto.

Gusto kong tawanan ang posisyon nila. Alfredo enjoys the pleasure given by my impostor. Nakasuot siya ng wig na katulad ng nakita ni Ate Arriane sa mga gamit ko at ngayon, alam ko na ang dahilan kung bakit. Tama nga ako ng hinala. Pag-aari ng salarin ang wig na iyon at naiwan niya ito nang mismong sinalakay niya ako sa condo unit ko.

Nakakatawang pagmasdan ang gulat na gulat nilang mga mukha. Nagmadali pang iniangat ni Alfredo ang brief at pantalon niya. Well, huli na ang lahat para sa kanila. They were caught off guard.

"Anong ginagawa mo rito?" may pagbabantang tanong ni Alfredo habang pareho na silang nakatayo sa gilid ng kama.

Hindi ko magawang maialis ang tingin ko sa kaniya. Ni hindi ko man lang magawang matakot kahit pa kaharap ko na ngayon ang dalawang taong sumira sa buhay ko. All I want now is payback for what they have done to me.

Pinahid ng salarin ang likod ng palad niya sa kaniyang labi. Para bang hiyang-hiya pa siya nang makita ko sila sa ganoong posisyon. Nakakadiri. Hindi ko inakalang magagawa niya iyon.

I suddenly want to pray for his lost dignity. And yes, the one behind it all is he.

"Ibaba mo 'yan! 'Wag kang lalapit kung ayaw mong tumawag ako ng pulis," utos ni Alfredo habang itinuro-turo pa ang hawak kong patalim. Mas lalong lumapad ang ngiti ko nang bumukas ang takot sa mukha niya.

"For a murderer who killed my family, you're such a coward!" I uttered calmly while giving him a menacingly sweet look.

"Shendily, itigil mo ito! If you want to avenge for your family's death, then this is not—"

"Shut up, ugly dude!" bago pa man matapos ng salarin ang kaniyang sasabihin ay kaagad na akong sumigaw dahilan upang matigilan silang pareho.

I want them both to suffer. I want them to pay back.

Bumuntong-hininga ako at saka taas-noong kinuha ang phone ko mula sa bulsa. I opened my social media account and without hesitations, pinindot ko ang live broadcast dahilan upang sumalubong sa akin ang sarili kong mukha sa harap ng camera. I think this is the best way to spill out the tea. After all, I am a vlogger, at ako lang ang authentic vlogger sa aming tatlong naririto sa loob ng kwarto. Not even Alfredo, not even this fake trying hard vlogger.

A Vlogger's Wrath [TO BE PUBLISHED UNDER DOUBLE R" PUBLICATIONS]حيث تعيش القصص. اكتشف الآن