vlog content 25 | True Family

761 144 1
                                    

True Family

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

True Family

ATE Arriane left me more several questions right after she ended the call. Hindi ko mawari ang boses niya kung nalulungkot ba ito o masaya. When she told me she's okay, I don't know if it gives me a feeling of relief or it will give me more distress.

Sa kabila nang ilan pang attempt na aking ginawa sa pagbabakasakaling makakalakip pa ako ng maraming impormasyon tungkol sa The Sculpritz, para bang natauhan ako't natagpuan na lamang ang sariling humiga sa kama sa kwartong inilaan para sa akin dito kina Kuya Johann. Hindi pa rin kami nag-uusap mula pa kanina at kahit ang mga pinsan ko'y para bang nawalan din ng amor na kausapin ako.

Kung alam lang nila, I'm doing this for our family. I did what I had to for the sake of the family's justice. Someday, maiintindihan din nila ako.

Ang daming tumatakbo sa isipan ko ngayon. Gusto ko na lang mamahinga. Magmula sa mga San Juan, kay Ate Arriane at sa The Sculpritz organization, sa gumagaya sa akin, sa kaso ng nawawalang si Wenny San Juan daw. I think I'm about to throw up. I just want peace of mind right now.

Ipinikit ko na lamang ang mga mata ko. Even if it's hard, I found myself drowning in peace.

"Pamilya tayo rito at kahit hindi ka nagsasabi, alam kong nahihirapan ka. Hindi mo basta maitatago sa sarili mo 'yan, Dily. Nanay mo ako, nandito ako para sa 'yo."

Her words give so much relief to me as I glance at my Mathematics Book. Siguro kung wala si Mommy, hindi ko matutunan ang tamang pagsagot ng mga equations at mathematical problems. Magaling ang guro ko, that's a fact, but it's just, some things are really not effective as they were supposed to be.

Makaraan ang ilang sandali ay natagpuan ko ang sarili ko sa hapagkainan. Hindi ako nag-iisa dahil nandito silang lahatsi Daddy, si Mommy at ang kapatid kong si Sharia. Masayang-masaya kami habang kumakain ng hapunan.

Gaya ng nakagawian, pinangunahan ni Daddy ang hapunan sa pamamagitan ng pagdadasal. Masaya kaming kumain nang sandaling iyon.

Hanggang sa lumipas ang ilang mga oras at namalayan ko na lamang na oras na pala ng pagtulog. Kahit na malaki na ako'y hindi pa rin nagbabago ang nakasanayan ko tuwing gabi. Hindi ko pa rin magawang matulog nang hindi ako binibisita ni Mommy sa kwarto ko upang halikan sa noo. Hindi ko alam kung bakit, pero parang iyon ang dahilan kung bakit nagagawa kong matulog nang mahimbing tuwing gabi.

Sa kabila ng malalim at mahimbing na pagtulog, humahangos akong iminulat ang mata at sumalubong sa akin ang kadiliman nang makarinig ako ng mga palahaw mula sa kabilang kwarto.

Natagpuan ko ang isang estrangherong lalaking hindi ko kilala. Hindi ko alam kung ano ang ginagawa niya rito sa pamamahay namin subalit nasisiguro kong hindi siya mabutihindi siya mabuti dahil binaboy niya ako, binaboy niya kaming lahat. Pinatay niya ang mga magulang at kapatid ko.

A Vlogger's Wrath [TO BE PUBLISHED UNDER DOUBLE R" PUBLICATIONS]Where stories live. Discover now