vlog content 20 | The Vlogger's Fall

817 149 0
                                    

The Vlogger's fall

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

The Vlogger's fall


KALMADO akong naglakad papunta sa gitna ng gymnasium. Ang kaninang basketball court na siyang pinaglalaruan at pinagkakasiyahan ng mga players ay naging bakante. All of a sudden, ako na naman ang naging bida. Maraming estudyante at mga guro ang ngayo'y nakatingin sa akin at alam kong lahat sila'y inaasahan na magtatagumpay ako sa kung ano na naman ang hamon ng babaeng ito.

"Ano bang gagawin ko?" I think this is the first time na nagpakita ako sa publiko ng totoong attitude ko.

This AntiRiri bitch deserves to be treated like this. Kahit sino naman sigurong nilalang na paulit-ulit pagtripan sa harapan ng maraming tao ay magagawang magtaas ng boses lalo pa't naiinis na.

Ang buong lugar ay muling nabalot ng sigawan. Mabuti sana kung tungkol na lang ulit sa basketball ang dahilan kung bakit sila nagchi-cheer subalit heto't ako ang pinagkakaguluhan. Bwisit talaga.

Hindi ko alam kung dahil lang ba sa ingay o sa atensyong ibinibigay sa akin ng lahat ay nakaramdam ako ng tila ba paglabo sa paningin ko. Pilit ko itong nilalabanan dahil ayokong mapahiya sa gitna ng lahat ngunit tila ba palala na ito nang palala at sinasabayan na rin ng pagkahilo.

"Shendily!" I can hear someone's voice calling my name but I couldn't identify who owns it. Pinilit ko pa ring lumingon-lingon sa paligid upang hanapin kung sino ang tumatawag sa akin hanggang sa makita ko si Rainbow na tumatakbo papalapit sa akin.

That's the last thing I can remember until everything fades black.

▬▬▬

NAALIMPUNGATAN ako't napansing nakahiga na sa malambot na kama. The cold atmosphere brushes my skin. Nanlalabo pa rin ang paningin ko nang imulat ko ang mata ko ngunit sa pagkakataong ito'y unti-unti na rin namang nagiging malinaw sa akin ang paligid.

Naaninag kong may lalaking nakatayo sa harapan ko na para bang tinitingnan ang kalagayan ko. I closed my eyes and tried to gasp until I can clearly see Kuya Johann in front of me. He seemed so concern about me.

"Mabuti naman at nagising ka na." Sinikap kong umupo mula sa pagkakahiga hanggang sa mapansin ko kung nasaan ko.

This is the first time I visited the school's clinic. Malawak ito at malamig dahil sa air conditioner. Hindi ko alam kung papaano na-contact ng school si Kuya Johann lalo pa't nakasisiguro naman akong wala silang pwedeng makita mula sa akin na makakapag-contact sa kaniya.

"Papaano ka—"

"Don't mind it. Ang mahalaga, okay ka na at hindi ka napahamak," wika niya na animo'y alam na kung anong itatanong ko sa kaniya.

That's when I realized how powerful social media is. Malamang, pinagpipyestahan na naman ako sa social media ngayon dahil sa nangyari. Pero, teka. The last thing I remember, I was in the center of the crowd trying to be a heroine once again.

A Vlogger's Wrath [TO BE PUBLISHED UNDER DOUBLE R" PUBLICATIONS]Where stories live. Discover now