vlog content 08 | Run Away

1K 175 5
                                    

Run Away

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Run Away


I almost curse and scream at the top of my lungs the moment the screen turned into like a PowerPoint slide. Gusto kong magmura dahil isang mathematical problem lang naman ang binigay niya sa akin na gusto niyang pasagutan. I thought I was just going to enjoy this party at gawin ang mga hakbang para sa katuparan ng mga plano ko but I didn't expect that I'm going to face this kind of problem na pati utak ko, guguluhin niya.

Everyone's still here na para bang nanonood lang ng isang scenario sa isang teleserye. They should do something para matapos ang kalokohang ito but instead, they just keep on watching me trying to solve the problem. May isang lalaking lumapit sa akin na nag-abot ng piece of paper at isang pen at hindi ko naman ito tinanggihan.

"5 minutes, Shendily!" she reminded. Actually its kinda weird to address that idiot as she since pinababa niya lang naman ang pitch ng boses niya upang hindi ito makilala.

Bakit ba kasi kailangan niya akong ilagay sa ganitong sitwasyon? Bakit hindi na lang kaming dalawa ang magharap and let's see kung uubra ba sa akin ang katapangan niya.

I kept solving the equation at nakakailang attempt na rin ako. I always ended up to a wrong answer. I somehow think na mali ang binigay niya pero may parte sa isip ko na baka mas lalong lumala ang sitwasyon kung magpoprotesta ako.

Gusto kong humingi ng tulong sa mga taong naririto ngunit ayoko silang idamay. Marunong akong tumupad sa usapan at kung ang gusto niya ay ako ang sasagot, papatunayan ko sa kaniya na nagkamali siya ng hinamon.

"Mukhang wala namang kayang patunayan itong iniidolo niyo kung hindi puro ganda lang. Sabagay, gano'n naman talaga ang mga sikat ngayon. Walang mga utak!" she blasted. Mas lalo akong nanggigil na matapos ang sinasagutan ko at isampal sa kaniyang nagkakamali siya.

Two minutes na lang ang remaining time ngunit umulit muli ako sa pagsasagot. Nararamdaman ko na ring tumutulo na ang pawis ko at nanginginig na rin ang mga kamay ko habang nagsasagot.

Bakit ba walang nagbigay sa akin ng calculator para mapadali 'tong problema ko?

"Go Shendily, I know you can do it!" I heard it was from Alice. She's also a friend of Rainbow ngunit dinedma ko na lamang siya. Sa ganitong sitwasyon, hindi nakakatulong sa akin ang ganitong motivation.

"10 seconds to give your final answer!" she reminded once again. Gulat akong napatingin sa screen at tama nga siya. Gusto ko na sanang sumuko nang sandaling iyon nang may mapansin akong mali sa ginagawa ko. Fuck, that's it.

With my last remaining seconds, I tried my best and determined to answer the problem until the beep of the timer invades the whole area.

"Times up!"

"The answer is 0," buong-tapang kong sambit. Halos nagpipigil na ako ng hininga dahil sa kaganapan. I never thought that I am going to face this. Ako dapat ang gumagawa no'n kay Rainbow pero ngayon, ako 'tong namumroblema para iligtas siya.

A Vlogger's Wrath [TO BE PUBLISHED UNDER DOUBLE R" PUBLICATIONS]Where stories live. Discover now