vlog content 05 | Picture Frame

1.4K 195 6
                                    

Picture Frame

¡Ay! Esta imagen no sigue nuestras pautas de contenido. Para continuar la publicación, intente quitarla o subir otra.

Picture Frame

HALOS malagutan na ako ng hininga sa sobrang pagpipigil ko. I thought this would be my last day nang makita ko kung papaanong sinusubukang buksan ng isang barangay tanod ang gate ng bahay namin. Hindi ko alam kung anong naisipan niya kung bakit niya iyon binalak. Kinabahan tuloy ako na baka may nakakita sa akin habang dinadala ko rito ang bwisit na si Barletta.

Nang masiguro kong hindi na babalik pa ang tanod ay muli kong binalikan si Barletta. Gaya nang inaasahan ko'y nakasubsob pa rin siya sa drum ng tubig at tila ba wala nang malay. Just to make sure that she won't going to make it up again, pinulsuhan ko siya hanggang sa makumpirma kong wala na siyang pag-asa pa.

I ended up the video at nagtanggal ng maskara. Para akong nawalan ng gana bigla dahil sa nangyari. Minadali ko na lamang ang pag-aayos ng mga gamit at kaagad isinilid sa sako ang bangkay ni Barletta. Para bang lumulutang ang isip ko habang inaayos ang mga kagamitan at magpahanggang ngayo'y may epekto pa rin sa akin ang katotohanang muntik na akong mahuli.

Mabilis kong naidispatsa ang katawan at nagbalik sa unit. It's already 1 am at wala na ring halos sasakyan sa paligid nang makauwi ako. Mabuti na lamang talaga at wala akong klase bukas. For sure, male-late ako niyan kung sakali dahil napuyat ako.

Tahimik akong naglakad papasok sa unit. I was about to put the key on the doorknob ngunit nang pihitin ko iyo'y mabilis itong nagbukas. Napalunok ako. Papaano 'to nabuksan? Nakalimutan ko bang mag-lock ng pinto kanina?

Tinatagan ko ang loob ko't hindi na nag-atubiling pang pumasok. Nothing will happen if I'll just stay outside. Isa pa, I'm not afraid of anything maliban na lang kung may makahuli sa mga ginagawa ko.

As I turned on the lights inside my unit, wala naman akong nakitang kakaiba sa loob. Everything's still on their designated places. Mukhang nakalimutan ko nga lang sigurong magsarado. Sino ba naman ang magtatangkang magnakaw o pumasok dito nang walang paalam 'di ba? This unit is highly secured dahil pag-aari 'to ng isang sikat na kumpanya.

I was supposed to change my clothes until I notice something on my bed. It was a red envelope. Sa pagkakaalala ko, hindi naman ako nag-audition sa The Voice Philippines so bakit ako makakatanggap nito?

Out of curiosity, hindi na muna ako nagpalit ng damit at piniling kuhanin ang envelope. It just bothered me more lalo pa't baka ito ang dahilan kung bakit bukas ang unit ko. Maybe someone entered here para maipadala sa 'kin ito.

I opened the envelope and I found out that it was a letter.

To Shendily:

Please stop doing these shits. You're messing up with the wrong group. End your vlogs or we will end you. Good night. We hope you're doing good today.

Sincerely,

The Sculpritz

Napalunok ako sa kaba matapos basahin ang sulat. I looked around para i-check kung may mga cameras ba sa paligid. Masama ang kutob ko. I feel like someone is watching me at alam na alam niya lahat ng kinikilos ko.

A Vlogger's Wrath [TO BE PUBLISHED UNDER DOUBLE R" PUBLICATIONS]Donde viven las historias. Descúbrelo ahora