vlog content 04 | Soaked

1.5K 205 5
                                    

Soaked

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Soaked


SO it's obvious that someone has interfered with my job. Kung sino man ang gumagaya sa akin ay tiyak na wala siyang originality at gustong magpasikat. Nakakainis. That's my signature content, bakit kailangang gano'n din ang gawin niya? At isa pa, people claim that Riri was the one who killed Mr. Valencio when in fact, wala akong ginagawang masama sa kaniya. He's not in the line, that's the fact.

I quickly clicked the dislike button from the video at nag-iwan ng comment. This bullshit content creator named AntiRiri101 made me so annoyed. 'Wag ko lang malalaman kung sino ang gumagawa nito dahil mas masahol ang gagawin ko sa kaniya. Even though she's not in the plan.

Lumabas ako ng unit ko upang magpahangin. Tahimik ang kapaligiran dahil alas-siete na rin naman ng gabi. I am so irritated at that moment lalo pa nang makakita ng ilang candy wrappers sa labas. Bwisit na mga bata. Kaya hindi umuunlad ang bansang ito, eh. Everybody's lacked the discipline tapos magtataka pa kung bakit patuloy pa ring naghihirap ang bansa.

Pinagpupulot ko na lamang ang mga nakita kong basura at balat ng candy mula sa tapat ng unit. Ayoko rin naman ng makalat dahil maging sa mga pinapatay ko, malinis akong trumabaho.

Gusto ko sanang gumawa ng panibagong content ngayong araw kaya lang naisipan kong magpahinga muna. Hindi ako natutuwa sa mga kaganapan lately lalo na do'n sa mga pakana ng AntiRiri101 na 'yon. Whoever that idiot is, sisiguraduhin kong gaganti ako sa kaniya.

▬▬▬

BUMABAHANG notifications ang sumalubong sa akin kinaumagahan. Hindi ko alam kung bakit para na naman akong naging instant celebrity sa real account ko dahil wala naman akong natatandaang latest post ko.

Tiningnan ko ang pinagkakaguluhan ngayon sa social media tungkol sa 'kin at nakita ang dalawang stolen shot photos ko habang nagpupulot ng mga kalat sa labas. The post has this caption "Let's adore the beautiful inside and out, Shendily Crizelle Lara for her community concern actions. This girl deserves the recognition she gets recently."

I simply liked the post and ignored it. Kaya pala sandamakmak na naman ang followers ko. At isa pa, kalat na kalat na agad ito sa buong school namin dahil maging ang student council ay shinare ang post na ito.

Hinayaan ko na lamang ang post at piniling mag-ayos na nang sarili para sa klase ko ngayong araw. For sure today will just be a plain and a boring day except the fact na usap-usapan ako ngayon sa buong paaralan at syempre, ang pagkamatay ni Mr. Valencio.

Habang nasa byahe ay kinuha ko ang phone ko upang i-check ang death list sa notes ko. There are only five persons left at lahat sila'y hindi ako kilala. Even though they didn't know who I am, kilalang-kilala ko ang bawat isa sa kanila because I've done a lot of research on their lives. That made me easier to know how am I going to kill them.

Pagkababa ng bus ay kaagad akong pumunta sa PE room kung saan ang klase ko. Good thing I am wearing a rubber shoes now kaya mabilis akong makakatakbo. It's almost 9 am at ayoko ring malate dahil physical related ang punishment sa PE.

A Vlogger's Wrath [TO BE PUBLISHED UNDER DOUBLE R" PUBLICATIONS]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon