vlog content 03 | Mukbang Challenge

1.7K 227 37
                                    

Mukbang Challenge

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Mukbang Challenge


MULA sa camera'y nakita ko ang unti-unting pagbukas ng mga talukap ng mata ni Cyrus. He's getting conscious already and that gives me a smirk on my face. Finally, the show will about to start.

"Nasa'n ako?" bulong niya. Dahan-dahang bumangon si Cyrus mula sa pagkakayuko niya sa isang lamesang nasa harapan niya at kukurap-kurap na lumingon sa paligid. "Bakit ang dilim?" pagtataka niya pang sambit.

Napansin niya ang mga kadenang nakapulupot sa dalawang kamay niya at naramdaman din niya ang mga ito sa dalawang paa niya. Ngayo'y marahas na siyang nagpumiglas.

"Hello, lover boy!" bati ko sa kaniya. Muli akong nagpakita sa camera suot-suot pa rin ang paborito kong maskara.

Pinagmasdan ko ang mukha ni Cyrus. Unti-unting nagbabago ang ekspresyon niya at nahahalata kong namumuo na ang galit sa mukha niya. For sure he's aware na kaharap na niya ang taong pumatay sa girlfriend niya. And that's me, Riri.

"Hayop ka, pakawalan mo 'ko rito!" nanggagalaiti niyang sambit habang sinusubukan pa ring kumawala sa pagkakatali. Tangang nilalang. Anong akala niya? Ganoon lang kadaling makawala sa ginawa kong pagkakakadena sa kaniya?

"Alam mo, Cyrus, nag-aaksaya ka lang ng pagod mo," pabulong kong sambit. Kung nakikita lang siguro niya ang ngisi ko ngayon, malamang ay mas lalo pa siyang nainis.

"Pinatay mo si Wenny, hayop ka. Pakawalan mo ko rito. 'Wag kang duwag!" pamimilit pa niya. Gusto ko siyang tawanan nang tawanan pero nasasabik ako sa mangyayari sa vlog ko ngayon—kung saan siya ang bida.

"Whatever, Cy. Prepare yourself dahil gagawa tayo ng vlog content ngayon." Pumwesto ako sa likuran niya upang mas maayos kaming makita sa camera.

Mayamaya pa'y napagpasyahan ko nang ihain sa kaniya ang mga gagamitin namin ngayon para sa content na ito. Narinig ko ang pagbubuntong-hininga niya nang tila ba unti-unting nagiging malinaw sa kaniya ang silbi ng mga bagay na inilagay ko sa lamesang nasa harapan niya.

"We will be doing a Mukbang Challenge for today. At ikaw ang guest ko," sambit ko sa kaniya. "Guys for today's Mukbang, ang kakainin ni Cyrus ay walang iba kung hindi ang laman loob ng pinakamamahal niyang si Wenny." Muli akong tumingin sa camera at ipinakita nang maayos ang inihain kong pagkain.

Alam kong nakakasuka at nakakapanlambot kung iisipin mo pa lang. But, who cares? Besides, hindi naman ako ang kakain sa mga 'to. Goodluck na lang sa kaniya at sana'y kayanin ng sikmura niya ang ipagagawa ko sa kaniya.

"What the hell? What kind of monster are you?" hindi makapaniwala niyang sambit. Tinitigan niya ang mga laman loob na nasa harapan na para bang diring-diri. Sino ba namang matinong tao ang kakain ng human organs 'di ba?

"First of all, I'm not the one who will gonna eat human organs so basically I'm not the monster here. At isa pa, wala ka namang choice kung hindi kainin 'yan dahil kung hindi mo susundin ang gusto ko, your family will also experience what Wenny had been," pananakot ko sa kaniya. Doo'y nanlaki ang mga mata ni Cyrus at mas lalong ipinakita ang pagkagigil niya sa akin.

A Vlogger's Wrath [TO BE PUBLISHED UNDER DOUBLE R" PUBLICATIONS]Where stories live. Discover now