vlog content 19 | Twisted game

871 148 1
                                    

Twisted game

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Twisted game


ANOTHER gathering was conducted today. Everybody's cheering for their teams, and the whole area is invaded by the loud crowd's noise. I'm not really a fan of sports fest. Though, I have no choice but to attend the event not to watch and enjoy the games, but for the sake of my attendance.

Magkakatabi kami nina Rainbow and the gang sa bleachers. Kaninang-kanina pa rin ako nagtitiis na makasama sila dahil maging ang mga babaeng 'to ay fan na fan ng basketball. Idagdag pa ang katotohanang maraming good-looking guys na bahagi ng laro.

I don't know why but part of me saying, this event is really not enjoying. Sa totoo lang, kanina pa rin palibot-libot ang paningin ko at hinahanap ko ang bagong student council chairwoman dahil kailangan kong makahanap ng ebidensya laban sa kaniya. Hindi ko alam kung ano ang nagtulak sa akin na kalkalin ang lahat ng impormasyon tungkol sa kaniya.

As we were talking about her a few nights ago, nag-conduct na rin ako ng research tungkol sa kaniya. And I'm right, she has San Juan blood. Katulad ng mga nauna kong biktima ay apo sila ni Alfredo ngunit hindi sila pare-parehong magpipinsan talaga.

Hindi ko pa siya nakikita buong araw dahil mukhang napaka-busy niya at napakailap niya. Nakakapanibago lang dahil noong si Kylo pa ang head ng council, siya mismo ang lumalapit at nag-aapproach sa akin samantalang 'tong Beverly na 'to, I can sense that she want's to be close to me kaya lang, iniiwasan niyang mapalapit nang sobra sa akin. Which made me suspecting her more.

"Oh cheesecake, natatambakan na tayo!" bulalas ni Sammy sabay turo sa LED screen na siyang nasa taas ng arena. Doo'y makikita ang scores mula sa team ng batch namin laban sa opponent team.

Nagpatuloy ang laro at unti-unti namang nakakahabol ang team namin. Wala naman akong pakialam sa nangyayari ngunit napapatingin-tingin na rin ako sa screen dahil napapagaya ako kina Rainbow.

"Finally, nakahabol din!" tuwang-tuwang sambit naman ni Jessie kaya't napatingin akong muli sa screen kung saan nakita kong both 64 na ang scores. Hindi ko pa man tuluyang naiaalis ang paningin ko sa LED screen ay bigla itong nagblack-out dahilan upang magsigawan ang lahat ng tao at kaagad na nagreklamo.

Out of a sudden, nakaramdam ako ng strange déjà vu feeling. I suddenly thought that this seems like the signature style of AntiRiri. I don't know.

I'm not yet sure until the moment that my video killing Barletta was flashed on the screen. The game calls for an unexpected time-out.

"Oh my God! Our Barletta," rinig kong sambit ni Rainbow. Hindi ako tumitingin sa direksyon nila bagkus nanatili akong nakatitig sa screen. Hindi ko alam kung bakit bigla na lamang itong nag-play dito dahil ang una kong inaakala ay isang panibagong inosente na naman ang malalagay sa peligro.

I really hate LED screens. Bakit hindi ko kaagad naisip 'yon?

Muling nabalot ng ingay ang buong paligid ngunit sa pagkakataong ito'y iba na ang sanhi ng mga sigawan sa loob ng gymnasium. May pailan-ilan nang tumatayo mula sa kanilang kinauupuan ngunit mas marami ang nanatili't tila ba naghihintay ng mga nangyayari at mayroon ding tila ba nag-eenjoy pa sa nasasaksihan.

A Vlogger's Wrath [TO BE PUBLISHED UNDER DOUBLE R" PUBLICATIONS]Where stories live. Discover now