vlog content 13 | Tea spilled

951 161 1
                                    

Tea spilled

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Tea spilled

HUMAHANGOS kong ibinaba ang shot glass matapos diretsong inumin ang ibinigay na tagay sa akin ng pinsan ko. Almost everyone's drunk already habang ako, heto't patuloy pa ring nilalabanan ang kalasingan. This sudden reunion gives me chills at sa totoo lang, medyo nakalimutan ko ang mga problema at mga ikinakabahala ko dahil sa kanila. Well, we are the Laras after all. Wala man silang alam sa pinaggagagawa ko, I'll still do everything for the justice of our family.

Sa totoo lang, medyo may hinanakita pa rin ako sa iba kong mga kapamilya dahil sa wala man lang silang ginawa noon para sa kaso ng pamilya namin. But I'm okay now. Besides, I can handle it on my own.

Halos hindi na rin kami magkarinigan dahil sa lakas ng musikang bumabalot sa loob ng club. It's been months since the last time we did this and yet, the genuine happiness with my cousins and relatives is still there.

"Kaya pa?" Kuya Johann asked. Sa aming lahat, siya ang pinakamatanda kaya siya rin halos ang gumagabay sa amin although minsan, kailangan niya rin magpaka-KJ para naman sa ikabubuti namin.

Magkatabi kami sa table kaya naririnig ko ang bawat bulong at pang-aasar niya sa akin mula pa kanina. Somehow I realized, I still have a family after all. Akala ko mula nang minassacre kami ng mga San Juan ay tuluyan na akong naging ulila.

"Of course, I'm Shendily. Strong 'ata ako," sagot ko sabay pakita pa ng braso na para bang may ipinagmamalaking muscles.

Kuya Johann has always been my shoulder to lean on even before. Alam niya lahat ng pinagdaanan ko, ang sakit na kinimkim ko at syempre, ang bawat pag-iyak ko sa tuwing nangungulila sa pamilya ko. I know I could always count on him. Among the Lara cousins, he's the most trustworthy person I know.

"Sure ka, ha? Baka mamaya humahagulgol ka na naman diyan," pang-aasar pa niya. Sinamaan ko siya ng tingin dahilan upang tawanan niya ako. Nakakainis. Kanina pa siya asar nang asar sa akin lalo pa't kulay lumot daw ang buhok ko.

"Akala mo naman siya hindi umiyak nung iniwan ni Jessica," pang-aasar ko. Actually, parang kaming dalawa na lang ang nagkakaintindihan ngayon dahil 'yung iba naming kasamahan, parang wala na sa wisyo at kung ano-ano na lamang ang pinagkakatuwaan.

Napawi ang ngiti sa mukha ni Kuya Johann. Sa wakas, nakabawi rin. Alam kong ayaw na ayaw niya kapag binabanggit ko ang tungkol sa ex niyang nang-iwan sa kaniya.

Well, that stupid bitch. Hindi deserve ni Kuya ang masaktan at mas lalong hindi deserve ng Jessica na 'yon si Kuya Johann. Kung tapos na talaga sana ako sa plano ko sa mga San Juan, isinunod ko na 'yang Jessica na 'yan, eh. Mukha pa namang maganda siyang maging bida sa content ko.

"Ay, gano'n? Sino kaya 'tong hindi pa nagkakajowa?" wika naman niya pabalik. Ngumisi na lamang ako. Hindi naman ako affected sa pang-aasar niya dahil wala pa naman talaga akong plano sa pag-jojowa.

"For your information, mataas ang standards ko kaya hindi pa ako nagkakajowa. Marami nang nagtangkang manligaw pero wala man lang ni-isa ang pumasa," taas-noo kong sambit dahilan upang matawa na naman ang damuho.

A Vlogger's Wrath [TO BE PUBLISHED UNDER DOUBLE R" PUBLICATIONS]Where stories live. Discover now