vlog content 26 | A Celebration

754 144 3
                                    

A Celebration

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

A Celebration

"MISS Shendily, mayroon pa bang ibang nakakaalam ng address ng condo unit mo? May naging bisita ka ba noon na maari ring may galit pala sa 'yo kaya niya pinagtangkaan ang buhay mo?" I sighed as I stared at the ceiling trying to remember who visited me on my unit. Kuya Johann's the only one I know who knows my condo's address.

Tumingin ako kay Kuya na siyang nakatitig na pala sa akin mula kanina. Walang emosyon akong makita sa kaniyang mukha na para bang nakikinig lamang siya sa usapan namin ni Chief Inspector Delegado. Si Ate Arriane naman, kanina pa nag-aalala at halos maiyak-iyak na rin nang ikwento ko sa kaniya ang sinapit ko.

"W-Wala po," pagsisinungaling ko. Hindi sa ayokong pagsuspetsahan niya pati ang mismong pinsan ko pero ayoko nang palakihin pa ang gulo. Alam ko rin naman na hindi iyon magagawa ni Kuya sa akin. Sa kabila ng lahat, pamilya pa rin kami.

"Sigurado ka ba? Kasi kung wala, posibleng may matagal nang nagmamanman sa 'yo at sinusundan ka sa tinitirahan mo," wika pa ng pulis kaya't bahagya akong napalunok sa naisip.

Pakiramdam ko, hindi pa rin ako tinitigilan ng kumakalaban sa akin at hindi ko maiwasang matakot sa katotohanang maaring matagal na niya akong minamataan ngunit wala pa rin akong kamalay-malay.

Hindi ako sumagot kaya naman tumikhim ang pulis at ibinaba ang kapit niyang mga envelope. Naglalaman ito ng mga litratong kinuhanan mula sa magulo kong unit. Kung ano ang itsura ng bago ko ito iwanan ay lubhang mas magulo ang nakita ko sa mga litrato na nagpapakita ng iba't ibang sulok at anggulo ng unit ko.

"Hindi kaya, may gustong nakawin sa 'yo ang salarin at kaya hinalughog niya ang tinitirahan mo ay upang hanapin ito?" Isa-isa niyang itinuro ang bawat litrato. Wala ng bakas ng salarin sa bawat picture pero para nga itong dinaanan ng malagim na trahedya.

"A-Ano po ito?" naguguluhan kong sambit at itinuro ang isang larawang nakalatag. Parang kuha ito sa sahig sa gilid ng kama ko.

"Hindi pa namin nasisiguro sa ngayon, iha. Pero sa tingin namin, may matinding hilig ang gumawa sa 'yo nito sa mga candies. Nagkalat ang mga balat ng candy sa sahig. Imposible naman siguro na mag-iiwan ka ng mga balat ng candy sa sahig mo, 'di ba?" paliwanag ng pulis. Agad naman akong tumango-tango bilang sagot.

Now it all made sense. Kaya nakakita rin ako ng balat ng candy noon sa labas ng dating unit ko noong isang beses na lumabas ako, at kaya may nakita rin ako sa labas ng bagong unit ko noong mismong gabi na sinalakay ako ng salarin. But of all things possible, bakit candies ang kinaaadikan niya?

Parang bigla akong nagsimula na magduda tungkol sa paghihinala ko kay Beverly. Paano kung hindi pala talaga siya ang salarin? Papaano kung hindi naman siya mahilig sa candies?

"May hinala ka ba sa maaring gumawa nito sa 'yo?" tanong niya na siyang bumasag sa pagtulala ko sa kawalan.

Gusto ko sanang sabihin sa kaniya na mayroon akong pinaghihinalaan subalit ayoko munang masyadong magtiwala sa pulis na ito. Masyadong makapangyarihan ang mga San Juan at kahit siguro ang batas ay maari rin nilang manipulahin kung gugustuhin nila.

A Vlogger's Wrath [TO BE PUBLISHED UNDER DOUBLE R" PUBLICATIONS]Where stories live. Discover now