vlog content 23 | Back-up

751 144 9
                                    

Back-up

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Back-up


HINDI ako pinalalabas ng mga pulis sa police station kahit pa nasagot ko na ang lahat ng kanilang katanungan dahil delikado pa raw lalo pa't may nagtatangka sa buhay ko. Gusto ko na agad gumawa ng hakbang dahil sa nalaman ko sa kanila ngunit hindi ko magawa dahil kailangan ko raw munang manatili rito hanggang iniimbistegahan pa ang unit ko at isa pa'y mas mabuti na ipagpabukas ko na lang ang pag-uwi.

Ayokong magmukhang baliw at pagpiyestahan na naman sa social media due to my crazy antics but I am really determined to take a step ahead of my plans kaya naman gumawa ako ng eskandalo sa loob ng istasyon upang paalisin nila ako. Sinunod din nila ang gusto ko at inihatid pa ako sa bahay nina Kuya Johann na siyang sinabi kong guardian ko.

"Salamat!" tipid kong sambit nang makababa sa patrol car. Hindi ko magawang makampante dahil kanina pa bumabagabag sa isipan ko ang nabanggit ng isang pulis tungkol sa paghahanap sa sinasabi nilang Wenny.

I'm really sure that Wenny was buried properly. There's no reason for San Juans to find her since I already killed her. Sa ngayon, wala pa akong nakikitang rason kung bakit nila hinahanap ang taong patay na subalit naniniwala akong may dapat akong malaman tungkol dito.

Tatlong katok ang pinakawalan ko sa pinto ng apartment na pinaghatiran sa akin ng patrol car. Ngumiti ako nang masiguradong nakaalis na ang mga pulis. Ilang saglit pa'y sumalubong sa akin ang taong inaasahan kong magbubukas ng pinto.

Alam kong gulong-gulo siya at wala rin siyang kamalay-malay na dito ako nagpahatid. Nagsinungaling pa talaga ako sa mga pulis upang pagkatiwalaan nila ako.

Kunot-noo niya akong tiningnan na para bang gulong-gulo siya kung bakit ako sumugod sa tinutuluyan niya nang ganitong oras. "Rainbow, I need your help!"

▬▬▬

RAINBOW was shocked the moment she saw me standing in front of her door. She actually thinks that I'm an apparition but I snapped her out of her reverie and explained that I survived death from Riri's hand and with there, I am now hiding from her.

Naniwala naman siya kaagad sa sinabi ko. Naawa rin naman siya sa akin dahil kinailangan ko pa raw magtago ngayon dahil lamang pinoprotektahan ko ang sarili ko.

Hindi ko na binanggit sa kaniya ang dinanas ko ngayong gabi bago makarating sa apartment niya dahil baka matakot ito at hindi pa ako patuluyin sa loob.

"What? Seryoso ka ba sa gagawin mong 'to?" Humigop ako ng kape at saka tumango-tango. Ito na lang ang naiisip kong paraan para mapahinto ko ang mga San Juan, para mapahinto ko siya.

"Your squad is the most influential girl group sa Quaranton College. Kayo lang ang tanging makagagawa nito," pangungumbinsi ko pang muli.

Hindi madali para sa akin na lunukin ang pride ko at humingi ng tulong sa kaniya. Subalit wala na akong pwede pang gawin kung hindi magpakalat ng issue.

A Vlogger's Wrath [TO BE PUBLISHED UNDER DOUBLE R" PUBLICATIONS]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon