vlog content 14 | Power to influence

910 151 7
                                    

Power to influence

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Power to influence

AFTER knowing that Derrick is in coma and there's a possibility that he would wake up and tell everyone about everything, para bang nanggigil ako bigla na pumunta sa kung saan man siya naka-admit ngayon at tuluyan na siyang patayin para hindi siya makapagsalita.

I don't want to be behind bars. Kahit sino naman sigurong kriminal, hindi ginustong makulong. Pero kung may magagawa pa ako para pigilan ang lalaking 'yon, gagawin ko, kahit pa delikado.

It's almost 8 in the morning nang makarating ako sa paaralan. Magko-conduct pala mayamaya ng mass para sa mga nasawing studyante ng Quaranton College. And since magtitipon-tipon ang lahat ng students para sa mass gathering na ito, I might get the chance para kausapin si Kylo at i-encourage siya na dumalaw kami kay Derrick. Even though he's not the student council chairman anymore, nasa list of popular students pa rin siya ng campus na ito at 'yon ang gagawin naming dahilan para dumalaw kay Derrick.

"Uy, idol!" Natigil ako sa paglalakad nang may magsalita mula sa likuran ko. If I'm not mistaken, siya 'yung nadaanan kong babae na nakatambay sa isang bench sa ilalim ng puno habang nagbabasa.

Wala naman akong ibang nakikitang tao sa harapan ko unless may nakikita siyang hindi ko nakikita. So I guess, she's pertaining to me?

"Nice hair, idol! Kaya lang 'di ba, candidate for modeling ka para sa school magazine? Ikaw 'yung magpo-portray sa famous online sensation ngayon na si RiriTheKiller 'di ba?" dire-diretso niyang sambit sa akin.

I admire her confidence to talk to me like that. We're not even close and I don't even know her but the way she approaches me seemed like we're friends already. Just wow.

"Wait, candidate for modeling? Hindi pa ako uma-agree doon and maybe ipasa ko na lang sa iba," sagot ko naman. Para bang bigla siya nadismaya sa sinambit ko dahil ang kaninang masigla niyang mukha ay napawi.

Everyone's expecting that I'll grab the role kaya lang, masyadong delikado talaga at baka imbestigahan pa ako ng mga San Juan kapag nakarating ito sa kanila. Isa pa'y kaya nga ako nag-disguise at pinilit ibahin ang itsura ko ay upang hindi na nila ako makilala pa bilang si Riri ngunit kung tatanggapin ko ang offer ng CAS ay para ko na ring isinuko ang sarili ko at ipinakilala si Riri sa madla.

"Gano'n ba? Sayang naman idol. Malaking opportunity 'yon para sa 'yo at para sa school dahil kapag ikaw ang nag-portray bilang si Riri, malamang na after ma-release ng school magazine at maibenta 'yon ay kaagad itong maso-sold-out. Ang lakas kasi ng influence mo sa public, eh," she said like she's still trying to convince me.

Her words actually made me think of something. How can she even say that I have the power to influence when in fact, I find popularity as a boring concept and being idolized seemed like everybody's invading your privacy?

Pero hindi nga, kung malakas nga ang impluwensya ko sa publiko gaya ng sinabi niya, siguro maaring..

"Thank you for convincing me, then. Though, I still can't decide right now if I would grab the opportunity." I smiled as I walked away.

A Vlogger's Wrath [TO BE PUBLISHED UNDER DOUBLE R" PUBLICATIONS]Where stories live. Discover now