vlog content 21 | Imitation

788 144 4
                                    

Imitation

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Imitation


HALOS pabali-baliktad na ako sa kama ko kaiisip kung ano ang pwede kong gawin. Alam ko ang kayang gawin ng mga San Juan at kung gugustuhin nila na mahuli ako'y magagawa nila. Subalit habang hindi pa nila nalalaman ang katotohanan tungkol sa akin ay mas kinakailangan kong mag-ingat, at bilisan ang mga pakay ko. Kailangan kong magmadali para sa susunod kong biktima—si Beverly.

It's already 2 am and here I found myself stalking her on all the possible platforms that I might get a lot of information about her. Right now, I admit that it's not 100% sure that she's behind the AntiRiri101 but she has the capability to do so.

Hindi ko alam kung papaano ang gagawin ko para mapatay siya. Kung kakaibiganin ko naman siya, alam kong hindi magiging madali kung makikipaglaro ako sa kaniya dahil alam kong magiging tuso lamang siya at baka sa huli, ako pa ang umuwing talo sa aming dalawa.

Napakaraming bagay ang bumabahala sa akin dahil sa mga nagaganap lately. Habang sinusubukan kong mag-conduct ng deeper research para sa mga San Juan ay nalaman ko ang pag-iimbestigang ginagawa nila upang mahuli si Riri. Sa totoo lang, natatakot ako na mahuli hindi dahil sa natatakot akong makulong, kung hindi dahil natatakot ako na baka sa ikalawang pagkakataon, hindi ko na naman makamit ang hustisya at manaig na naman ang kasakiman ng mga San Juan na 'yan.

Kung may paraan lamang sana upang hindi ako paghinalaan ng mga 'yan..

"Tama!" Napatayo ako mula sa pagkakahiga nang biglang may pumasok sa isipan ko. I think I already found the solution upang hindi na nila ako pagsuspetsahan dahil baka makakuha pa sila sa akin ng mga ebidensya.

Kinuha kong muli ang phone ko at agad na hinanap sa phone book ang contact number ni Kuya Johann. I know he's the one who could help me with this. We are the Laras and I am still a Lara no matter what happens.

After several rings, he already picked up the call at bumungad sa akin ang boses niya na para bang kagigising lamang.

"Bakit ka napatawag? Alas dos na ng madaling-araw, ah?" tanong ng tila ba naalimpungatan na si Kuya Johann. Palibhasa wala siyang pinoproblema gaya ng pinoproblema ko, nagagawa niyang makatulong nang mahimbing.

I giggled as I walk to the balcony. I found myself staring at the empty 2 am streets.

"I need your help—no. I need the Laras' help," I said as I continued staring at my view.

"Seriously, Shendily? You freaking call me in the middle of the night para humingi ng tulong? What kind of demon are you? Pinagkait mo pa sa akin ang mapayapang tulog!" he answered. Mas lalo akong natawa sa naging reaksyon niya.

"Yes, because I badly need it now. Kung hindi ngayon, baka bukas o makalawa, makita mo na lang ang sarili mong pinsan na nakakulong na," wika ko naman. I tried to sound like I was just spilling some jokes kaya lang, may katotohanan din naman sa sinasabi ko. I heard his gasp from the other line.

A Vlogger's Wrath [TO BE PUBLISHED UNDER DOUBLE R" PUBLICATIONS]Where stories live. Discover now