vlog content 01 | Prank Call

3.2K 279 55
                                    

Prank Call

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Prank Call.



ISANG masaganang araw na naman ang naghihintay sa aking camera. Alam kong marami rin ang naghihintay sa bago kong upload. It really feels good someone is enjoying habang pinapanadanak mo ang dugo sa harap ng camera.

Bago pumasok sa paaralan ay tiningnan ko muli ang bilang ng dumarami kong subscribers sa NewTube. Napangiti ako. The number of my followers is increasing and it gives me more excitement to upload a new episode.

Isinilid ko na ang camera at ilan pang vlog equipments sa aking bag. Wala na akong panahon pa para mag-ayos ng sarili o hindi naman kaya'y kumain ng umagahan. Napuyat ako sa pag-iisip ng panibagong content kagabi kaya naman medyo na-late ako nang gising ngayong umaga.

Mahirap pa namang mahuli sa klase ng professor ko sa first subject. Nagbibigay siya ng punishment. And I don't like it dahil masama akong gumanti at baka siya lang ang maparusahan ko.

▬▬▬

AMINADO ako sa sarili ko na plastik akong tao. Well, I'm not a fan of that stupid showing your true colors. Mabait ako sa harap ng publiko, in fact, I even have lots of friends. That's why kung gaano karami ang subscribers ko sa NewTube ay siya ring dami ng followers ko sa iba ko pang social media accounts.

Because they didn't know what I am capable of. Hindi nila alam na ang labis nilang hinahangaan ay ang tao rin pala sa likod ng maskara ni RiriTheKiller. Hindi nila alam na ang babaeng akala nila'y mabait at mapagkakatiwalaan, at ang kinakatakutan ng karamihan na si Riri mula sa NewTube, ay iisa. And that's me. I'm just so proud of myself for being a great pretender all this time.

Pagkababa ko ng bus ay kaagad akong ngumiti; ngiting inosente at peke. Kailangan ko na muling magkubli. After all, this is my talent and there's nothing to be ashamed of.

Sa paglalakad ko sa hallway ay iba't ibang mga estudyante ang bumabati sa akin. Ngingitian ko lang sila pabalik. Akala naman nila, totoo ang ipinapakita ko sa kanila.

"Uy, Shendily! I'm so sorry kagabi ko lang nai-send sa 'yo 'yung soft copy ng ipapasa natin. Nagawa mo ba?" And here goes the voice of my annoying group mate. She's our group leader sa isang task na paperwork but I don't think she deserves the spot. She's an irresponsible asshole, actually; pure trash of a kind person.

"Here!" wika ko nang nakangiti sabay abot sa kaniya ng isang envelope na naglalaman ng printed papers ng Literature Review. Tila ba sa isang iglap, nagbago ang ekspresyon sa mukha niya.

All I can see from her face was nothing but disappointment. Alam mo 'yun? 'Yung tipong dapat masaya siya dahil nagawa ko agad 'yung pinapagawa niya within a short span of time dahil sa kawalang kwentahan niyang leadership but still, she's disappointed? And of course, insecure lang ang babaeng 'to dahil hindi niya in-expect na kaya kong gawin agad.

"Wow, really? You're so great talaga, Shendily! I'm so thankful na naging kagroup ka namin." What a faking idiot.

Thankful, my ass. Of course, they should be. Those people are just a bunch of bastards and sluts at kung wala ako, for sure wala silang magagawa.

A Vlogger's Wrath [TO BE PUBLISHED UNDER DOUBLE R" PUBLICATIONS]Where stories live. Discover now