vlog content 18 | Glimpse from the past

883 155 8
                                    

Glimpse from the past

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Glimpse from the past


NAGISING ako dahil sa malalakas na sigaw na tila ba nanggagaling sa kabilang kwarto. Ramdam ko pa ang pagod sa katawan ko at ayokong maabala sa pagtulog ngunit may nagtutulak sa akin na tumayo at usisain ang kung ano mang nangyayari sa kabila. Napansin ko na bago pa lamang nagkakaroon ng ulirat ay nagtatayuan na ang mga balahibo sa mga kamay at binti ko.

Kinakabahan man, tinatagan ko ang loob ko at iminulat ang mga mata habang dahan-dahang tumatayo. Madilim man ang kapaligiran ngunit sapat na ang kaunting liwanag upang maaninag ko kung nasaan akosa dati kong kwarto.

Rinig na rinig ko pa rin ang mga tila ba impit na sigaw at pagmamakaawa at nasisiguro kong ito'y nasa kabilang kwarto na katabi ng kinaroroonan ko. Akmang papasok na lamang basta ako sa kwartong iyon nang mapansin ang isang lalaking nagpagimbal sa pagkatao ko.

Hindi ko siya kilala at alam kong isang estranghero lamang siya kahit pa hindi pa siya lumilingon sa kinaroroonan ko. Nakatalikod siya habang nakadapa at hubo't hubad na nakapatong sa nanay ko.

Hindi ko alam kung bakit ngunit naramdaman ko na lamang na nagngingilid ang luha ko habang kitang-kita ko kung papaano niya pinagsasamantalahan ang nanay ko. Tinakpan ko ang bibig ko at pinigilang sumigaw.

Subalit dahil sa takot na nadarama ay pinili kong tumakbo pabalik sa kwarto ko. Nagtakip ako ng unan sa mukha ko at doo'y rumagasa na ang mga luhang pilit kong pinipigilan. Nasaan ba si Daddy?

Umiyak ako nang umiyak hanggang sa maramdaman kong may umangat sa unang ginagamit ko bilang pantakip sa mukha ko. Dala ng labis na takot ay mas lalo akong napahagulgol lalo pa nang masilayan ko ang isang hindi pamilyar na lalaki na siyang nasa harapan ko na.

Gaya nang kung paano ko siya nakita kanina'y hubo't hubad pa rin itong humarap sa akin. Madilim man ay kitang-kita ko pa rin ang nakakalokong ngisi mula sa kaniyang mukha na siyang nakapagpadagdag ng kilabot sa sistema ko.

"Lumayas ka rito!" pagmamakaawa ko ngunit imbis na makinig ay inilapit niya ang ulo niya sa akin at naramdaman ko na lamang na sinusupsop na niya ang leeg ko. Kinilabutan ako sa nangyari at mas lalong umiyak.

"Mommy! Tulong!" sumigaw ako nang sumigaw ngunit patuloy pa rin ang lalaki sa kaniyang ginagawa. Ilang sandali pa'y tumigil na siya kaya't bahagyang nawala ang takot at unti-unting bumabagal ang tibok ng dibdib ko ngunit hindi pa rin ako nakasisiguro.

"Ang cute mo namang bata ka. Kaya lang, mas cute 'yung kapatid mong bangkay na!" bigkas niya dahilan upang muli na namang bumilis ang paghinga ko. Hindi ko maintindihan ang sinasabi niya pero parang kumirot bigla ang puso ko sa narinig.

Nakita kong hinawakan niya ang pagkalalaki niya at nakangisi itong tumingin sa akin. Hindi ko alam kung anong binabalak niya ngunit natagpuan ko na lamang ang sarili kong kinuha ang isang unan at ibinato sa kaniya.

A Vlogger's Wrath [TO BE PUBLISHED UNDER DOUBLE R" PUBLICATIONS]Where stories live. Discover now