vlog content 17 | Messed up

812 148 3
                                    

Messed up

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Messed up

"WHAT happened? 'Di ba kayo ang natira ni Rainbow sa kwarto? Papaanong hindi niyo man lang nalaman ang nangyari?" Ramdam ko ang tensyon sa boses ni Kylo habang nagdadrive. Tiningnan ko si Rainbow at ngayo'y patuloy pa rin siya sa pag-iyak. Sinisisi niya pa rin siguro ang sarili niya.

Nanatili lamang kaming tahimik sa loob ng van habang si Kylo ay tuloy-tuloy lamang sa pagsasalita. Para bang gusto niyang palabasin na kasalanan naming dalawa ni Rainbow kaya napabayaan namin si Derrick. Little did he know, I'm the true reason why that asshole has ended his precious life today.

"It's not our fault, okay? Sumakit ang t'yan ni Rainbow kaya nagpasama siya sa akin sa toilet room. We're friends kaya hindi ko siya iniwan. I thought Derrick's room is secured enough para iwanan namin siya sandali," paliwanag ko nang sandaling wala nang nagsalita pa mula sa amin.

Nanatiling nakatingin nang diretso si Kylo sa daan habang patuloy sa pagmamaneho. Takot na takot naman ang iba pa naming kasamahan ngayon dahil sa nangyari. Bigla kaming inimbistigahan sa hospital kanina at mabuti na lamang ay hindi ako nakilala ni Alfredo. I know it's weird but I guess, this green-colored hair of mine helps me a lot.

Siguro kung may panahon pa ako para magpalit ng damit at mag-disguise as Riri, ginawa ko para nai-video ko rin ang mismong pagpatay kay Derrick at upang magawa ko iyon as part 2 ng pagpatay ko sa kaniya, kaya lang, kinailangan ko na talagang magmadali dahil sinasamantala ko lang naman ang pagkakataon.

"Sorry na! Natatakot lang kasi talaga ako mag-isa sa CR dahil baka may multo o hindi naman kaya'y may masamang loob ang sumalakay sa 'kin, eh." Sumingit na si Rainbow sa usapan dahil mukhang hindi na niya matiis pa ang pagsasagutan namin ni Kylo mula pa kanina.

Siguro kung nasa kalagayan din naman ako ni Kylo, sisisihin ko talaga 'tong si Rainbow dahil ang kaduwagan niya ang nagtulak upang mawalan ng bantay si Derrick. Kaya lang, paano ko sisisihin si Rainbow kung siya mismo ang nagbigay sa akin ng chance para isagawa ang balak ko?

Hindi na nagsalita pa si Kylo mula nang magpaliwanag si Rainbow. Ilang sandali pa'y narinig kong may para bang tumutunog at nang igala ko ang paningin ko'y nakita ko si Rainbow na may hawak na isang balot ng chichirya, candies at gums. Binuksan niya ito't kumuha ng ilang piraso at iniabot kay Kylo.

"'Wag ka nang magalit," sambit ni Rainbow habang iniaabot ang candies kay Kylo. Makaraan ang ilang saglit ay tahimik itong kinuha ng lalaki at inilagay lamang sa dashboard ng sasakyan. Dali-dali namang kumuha ng mga chichirya at candies ang iba pa naming kasamahan sa sasakyan.

Pinagmasdan kong mabuti ang dalawa. Parang kailan lang ay nahuli ko pa silang may ginagawang milagro sa loob ng classroom ngunit ngayo'y heto, silang dalawa pa mismo ang nagkakainitan ng ulo dahil sa Derrick na 'yon. Talagang bwisit 'tong mga San Juan na 'to.

"Good peace offering," bulalas ni Kylo na ngayo'y ngumunguya na pala ng candy na ibinigay ni Rainbow. Bigla akong napangiwi sa nasaksihan.

▬▬▬

A Vlogger's Wrath [TO BE PUBLISHED UNDER DOUBLE R" PUBLICATIONS]Where stories live. Discover now