vlog content 16 | Unplugged

872 154 3
                                    

Unplugged

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Unplugged

"MGA kaibigan po kami ni Derrick!" buong tapang na sagot ni Rainbow sa isang babaeng nakatayo sa harap ng pinto sa isang kwarto sa hospital na kinaroroonan namin. She seems like she's in the late forties, probably Derrick's mom.

Nakangiti man itong sumalubong sa amin, bakas pa rin sa mga mata niya ang pagkalungkot. I don't know why but I feel like I want to give up all of a sudden. I thought, I already managed my emotions when it comes to situations like this pero hindi pa rin pala. Naiisip ko pa lang na pinagtangkaan ko ang buhay ng anak niya, para na akong nakukunsensya.

"Sige mga iha't iho, pasok na kayo. May bibilhin lang ako sa labas kayo muna ang bahala rito," aniya at pinagbuksan pa kami ng pinto.

I don't know if it's okay to visit a patient while he's in a coma but this is a perfect moment for me to finally accomplish my job. Lalo pa't he's not fully recovering at raw pa ang condition niya. Hindi ako nagtagumpay sa pagpatay sa kaniya noon kaya kinailangan ko pang harapin ang pagsubok na ito upang hindi na siya makapagsalita pa.

Pagpasok namin sa kwarto ay kaagad sumalubong sa amin ang nakaratay na katawan ni Derrick habang napapalibutan siya ng mga makina at kung ano-ano pang hospital equipments na siyang bumubuhay sa kaniya.

Poor boy, he shouldn't be suffering today kung hindi lang dahil sa kapalpakan ko. Sayang lang talaga at hindi ko pala masyadong nalakasan ang pag-uumpog sa kaniya. Hindi na sana siya naghihirap ngayon at nagluluksa na lang sana ang pamilya niya.

"Grabe talaga, I never thought na pati sa Zanteris University, may ibibiktima si Riri," pambabasag ni Rainbow sa katahimikan habang nakatingin din sa kaawa-awang katawan ni Derrick.

Kasama namin ang buong squad ni Rainbow dahil gusto rin nilang makichismis. For sure bukas o hindi naman kaya'y mayamaya lamang ay kalat na kaagad sa social media ang mga pictures ni Derrick habang naka-confine.

"Derrick didn't deserve this, napakabait niya!" bulalas naman ni Yesha na schoolmate ni Derrick. Maiyak-iyak siya habang nakatingin sa lalaki. Well, baka isa siya sa mga nakaflirt ng lalaking 'to.

Hindi ko pa man masyadong kilala si Derrick, I know he's got a lot of friends and that made him famous sa Zanteris University.

But it doesn't even matter. Kung magbibilangan ng followers, siguradong mas lamang pa rin ako. Kahit pa hindi isama ang followers ko bilang si Riri, hamak na mas marami pa rin ang umiidolo sa akin kaysa sa kaniya.

He's actually one of the rising gems of San Juan. Although I heard before that Alfredo, her grandfather, disapproves some of his decisions in life dahil ang gusto 'atang tahakin sa buhay ni Derrick ay ang Music while Alfredo wants him to pursue business para siguro sa maintenance ng kanilang kumpanya.

Nagkukwentuhan silang lahat tungkol kay Derrick. Habang ako naman, nananahimik sa isang gilid at pinag-iisipan pa ring mabuti kung papaano ang gagawin ko upang mawala na siya sa mundo at sa buhay ko. Para akong nagsisi bigla na inaya ko pa silang lahat dito dahil tila ba mas lalo akong hindi makagagalaw nang maayos.

A Vlogger's Wrath [TO BE PUBLISHED UNDER DOUBLE R" PUBLICATIONS]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon