vlog content 02 | Try not to get drunk (fail)

2.1K 231 21
                                    

Try not to get drunk (fail)

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Try not to get drunk (fail)


PAGPASOK ko kaninang umaga sa school ay tila ba mabibilang mo lang sa kamay ang dami ng estudyante na pumasok ngayong araw. What's new? After kong i-release ang content ko kagabi ay kaagad kumalat sa campus ang balita at ang lahat ay nabahala na naman. Ang tanga rin naman kasi ng administration nitong paaralan. They didn't know na ang pumapatay sa mga students nila ay ako, na mismong estudyante rin nila. They thought na isang serial killer outside the school ang gumagawa ng mga killings. Well, that's a stupid idea.

Umakto ako nang naaayon sa normal. Syempre kunwari, natatakot din ako sa mga nangyayari at isa pa, Wenny's my best friend so I think it's just normal na magkunwari akong malungkot na malungkot. And what's more stupid? People around me grabbed the opportunity na mapalapit sa akin after knowing na nawalan ako ng best friend. How pathetic, right? Pinagsisiksikan lang nila ang sarili nila.

Habang nagkaklase ay hindi ko mapigilang mapangiti. Naalala ko lang naman kung paano ko pinatay ang best friend ko. At nakakatawang isipin na hindi ako pumapalya ever since na pumasok ako sa paaralang ito. Everything's going according to the plan. At sinadya ko talaga na mapalapit kay Wenny para mas mapadali ang trabaho ko. Buti na lang at madali kong nakuha ang tiwala niya.

As I look around the classroom, everyone has this fear on their faces. Some are just over-dramatic na para bang napakalaking kawalan ni Wenny sa kanila, well, her boyfriend on the other hand ay tulala lang buong araw. Masyado siyang pakitang tao. Ako lang dapat ang gano'n. Alam ko naman na hindi masyadong masakit para sa kaniya ang nangyari.

"Hey. May I sit with you?" mahinahon kong sambit kay Cyrus na para bang mababakas niya ang sympathy sa boses ko. Mukhang kailangan ng comfort ng damuho at ibibigay ko 'yon sa kaniya.

"You see, we both had a loss. You lost your girlfriend while I lost my only best friend. It freaking hurts like hell pero hindi natatapos ang buhay natin. There's always hope." I may look like a slutty desperate girl pero kailangan ko rin makuha ang loob niya. This guy and Wenny have to pay at ngayon, siya naman ang kailangan kong mapaikot.

"Bakit siya pa? Ang dami namang tanga sa mundo na mas deserving na patayin no'ng hayop na vlogger na 'yon, pero bakit si Wenny pa?" nakatulala niyang sambit sa hangin.

"Kahit ako, tanong ko rin 'yan pero wala na tayong magagawa. All we have to do now is to keep ourselves safe dahil hindi natin alam kung ano ang tumatakbo sa isipan ngayon ng killer. Maybe today ay may binabalak na naman siya na kung ano pero sa ngayon, kailangan nating mas mag-ingat para hindi niya tayo magalaw," paliwanag ko sa kaniya. Napabalikwas si Cyrus at tumingin sa akin.

"I want to find that killer. Kung sino man siya, babawian ko siya sa ginawa niya!" nanggagalaiti niyang sambit. Oh, I like his bravery. Pero magiging matapang pa kaya siya kung makakarap niya si Riri?

"Whoever that killer is, magbabayad siya sa ginawa niya. But for now, siguro mas mabuting 'wag na muna dahil kamamatay lang ni Wenny. What if, magpalamig ka muna? You need to cool down para mas makapag-isip nang mabuti."

A Vlogger's Wrath [TO BE PUBLISHED UNDER DOUBLE R" PUBLICATIONS]Where stories live. Discover now