vlog content 12 | Lost in the woods

946 156 5
                                    

Lost in the woods

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Lost in the woods

I cleared my throat even though I feel like my hands are trembling. Miski ang dalawang gumagawa ng live scene dito sa loob ng kubo ay natigil sa kanilang ginagawa at gulat na gulat nang buksan ko ang pinto at sumalubong sa amin ang mga tauhan ni Alfredo.

"Ano pong kailangan niyo?" pinilit kong magsalita na para bang naguguluhan kung bakit sila naririto. Hindi nila pwedeng maramdaman na nagpa-panic ako dahil baka mabisto nila ang pagpapanggap ko. Sayang naman ang pag-change outfit ko kanina.

"Mawalang-galang na po pero baka po pwedeng pumasok kami rito sa kubo niyo. Iche-check lang sana namin kung may nakapasok na estranghero," diretsong sambit ng lalaking nasa gitna na tila ba'y siya ang nangunguna sa kanila.

Sa tingin ko'y nasa late 30's silang mga humahabol sa akin. Marahil ay nagtatrabaho talaga sila para kay Alfredo.

Mukha namang hindi nila ako mahuhuli at hindi nila mahahalatang ako ang hinahanap nila. But I feel sorry for the real owner of this rest house, specially for being used as alternative motel by these ruttish individuals.

"Bakit? Wala ho kaming pinapapasok na kung sino man dito," sagot ko gamit ang pabalang na tono.

I forced myself to act normal. Well, kung ako naman talaga ang may-ari ng kubo na ito at bigla na lamang may susugod na kung sino mang enforcer kuno at sasabihing lulusubin nila ang kinaroroonan ko ay magagalit ako.

"Kailangan po namin itong gawin, Miss. Buhay ng tao ang nakasalalay rito at pinoprotektahan lang din po namin kayo." Sumabat ang isa pang chaser. I wonder how did he manage to run fast sa laki ng bilbil niya sa tyan. I don't want to sound shady at parang nang-iinsulto pero deserve naman nila 'yon.

Napakamot na lamang ako sa ulo. Mukha namang umaayon ang lahat sa sarili kong script. Tiningnan ko naman ang dalawang nasa papag at para bang pinipilit nila ako na 'wag papasukin ang mga lalaki. Pero anong magagawa ko? Baka mas lalo pa akong mahuli kung magpupumilit akong pigilan sila.

"Sige pumasok kayo. Pero 'wag kayong gagawa ng gulo, ha! Tsaka 'wag na 'wag niyong papakialaman kung ano man ang madadatnan niyo rito. Hayaan niyo lang," I said, pertaining to those two idiots inside.

Gusto ko sanang magtago sila ngunit alam kong huli na at isa pa, baka mapagbintangan pa ang mga kawawang ito kaya 'wag na lang.

"Sige, Miss. Salamat," ani ng tumatayong lider nila.

"Bigyan ko kayo ng hanggang limang minuto para hanapin 'yung sinasabi niyong estranghero, ha? Kapag hindi niyo nahanap, pasapak ako sa inyong tatlo," dagdag ko pa dahilan upang isa-isa silang sumimangot at magkatinginan. "Sige na, pumasok na kayo," sambit ko pa.

Nang pumasok na sila'y humanap kaagad ako ng tyempo upang lumabas. Subalit mukhang mahahalata nila lalo kung basta-basta na lamang ako aalis kaya naman tumikhim ako bago muling nagsalita.

A Vlogger's Wrath [TO BE PUBLISHED UNDER DOUBLE R" PUBLICATIONS]Where stories live. Discover now