vlog content 11 | Corpse in the cabinet

890 157 1
                                    

Corpse in the cabinet

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Corpse in the cabinet

"PANIGURADONG narito lang 'yon. Hanapin niyo!" Halos nanlaki ang mga mata ko nang makilala ang boses mula sa labas ng kwarto. How the hell did he manage to go here? Mukhang ito na talaga ang katapusan ko. For sure magkakaideya na silang lahat na ako ang gumagawa nito dahil isasawalat ni Alfredo ang katotohanan na naghihiganti ako sa pamilya niya.

Of course, this house is very familiar to him. Dito lang naman sa mismong pamamahay na ito niya pinatay ang pamilya ko. Dito niya tinapakan ang dignidad naming lahat. Kaya alam niya na isang Lara ang papatay sa apo niya.

Kahit nawawalan ng pag-asa'y pinilit ko pa ring manahimik. Nahihirapan ma'y tinakpan kong mabuti ang aking bibig habang nakasiksik sa loob ng isang cabinet. Kung sakali man na mahuhuli nila ako ngayong gabi ay manlalaban ako at papatayin silang lahat.

Pero hindi pa rin ako nawawalan ng pag-asa. Makakamit ko pa rin ang hustisya at naniniwala akong malapit na 'yon.

"Ito, pasukin niyo! Siguradong nandito siya," rinig ko pang sambit ni Alfredo mula sa labas. Makaraan ang ilang sandali'y narinig ko ang mga kalampag mula sa pinto ng kwartong kinaroroonan namin.

Ito na. This might be the end of RiriTheKiller's journey.

"Nakalock sir," wika ng isa sa mga kasamahan niya na nasa labas. Hindi ko alam kung mga pulis ba ito o ano.

At dahil nga hindi nila mabuksan ang pinto ng kinaroroonan ko, marahas nila itong pinagkakalampag na para bang sinisira na. Mas lalo akong kinakabahan habang ginagawa nila 'yon. Pero hindi pa rin ako susuko kung sakali man.

Patuloy akong nagpipigil-hininga habang nagtatago sa cabinet hanggang sa umalingawngaw na ang tunog ng bumagsak na pinto sa sahig. Napakagat na lamang ako sa labi. Hindi ko na alam kung ano pa ang gagawin ko.

"Sir wala pong tao rito," dismayadong sambit ng nagsalita kanina. Tila ba hinahalughog nila ang buong kapaligiran upang makasigurong wala nga talagang tao.

"Imposible. Dito namin na-trace ang phone ni Derrick at nang malaman kong nasa dati siyang pamamahay ng mga Lara ay naghinala na ako na may mangyayari sa kaniya. Maghanap pa kayo. Hindi tayo titigil," determinado at may otoridad na sambit naman ni Alfredo.

Sa tuwing naririnig ko ang boses niya ay nababalot ng galit ang buong katawan ko. Tila ba nagiging sariwa sa akin ang lahat ng paghihirap na sinapit namin sa kamay niya.

"Sir, wala talaga. Baka ho napadaan lang dito si Sir Derrick tapos umalis na rin. Sinubukan niyo na po bang i-trace ulit ang phone niya? Baka po nagkasalisi kayo," wika pa ng kasama niya.

Gusto ko sanang kuhanin ang phone ni Derrick at sirain na lamang kaagad ito upang hindi na kami ma-trace pa subalit alam kong hindi ako makakaalis dito at imposibleng mapuntahan ang bag ko na nakatago sa kabilang cabinet kung saan nakalagay rin ang phone niya.

A Vlogger's Wrath [TO BE PUBLISHED UNDER DOUBLE R" PUBLICATIONS]Where stories live. Discover now