Simula

8.5K 128 1
                                    

Simula


"Good morning Ma'am!" Tumango lang si Iana Laureen Rodriguez sa pagbati ng guard.

Siya ang secretary ni Dane Lenard Perdigon o mas kilala bilang Dale. The owner of Perdigon Properties, Inc. — one of the real estate giants in the country.

Suot ang mahabang palda na kulay abo na tinernuhan ng white longsleeves, pumasok siya sa Perdigon Building. Nakasalamin din ito at naka-bun ang buhok. Tinagurian nga itong old-fashioned queen ng opisina.

Sumakay ng elevator si Iana at lingid naman sa kaalaman niya ang bulung-bulungan ng mga empleyado at bahagyang pag-iwas nito sa kanya. Kahit ganun ay hindi niya ito pinapansin. Taas noo pa rin siyang nakatingin sa unahan. Wala siyang panahong sayangin ang oras niya sa walang kakwenta-kwentang bagay.

Sa dalawampu't pitong palapag ay lumabas na siya sa elevator. Ito ang pinakamataas na palapag sa Perdigon Building na nagsisilbing opisina ni Dale Perdigon, her boss.

Habang palapit nang palapit ang hakbang ni Iana sa opisina ni Dale ay unti-unti niyang naririnig ang ilang malalanding hagikhikan sa loob. Walang pasubaling pumasok siya at tumambad sa kanya si Dale kasama ang isa na namang babaeng kinulang sa tela ang kasuotan.

Nakaupo ang babae sa table ni Dale habang nasa swivel chair naman ang magaling na lalaki. Masaya silang nag-uusap na akala mo'y ngayon lang nagkita.

"Ehem... Ehem..." Pag-interrupt ni Iana sa dalawang taong ni hindi manlang pinansin ang pagpasok niya sa kwarto.

Nakita niyang bahagyang natigilan si Dale at tumingin sa gawi niya at walang pakialam itong tinuloy ang pakikipaglandian sa bisitang babae.

Tumikhim muli siya bago nagsalita. "Mr. Perdigon, may I interrupt you for a while to discuss your schedule for today?" Bakas ang kaseryosohan sa boses ni Iana.

Wala kang makikitang reaksyon mula sa mukha niya na tanging poker face lamang.

Maloko namang ngumiti si Dale Perdigon at binalingan ang babae.

"I think I have to work now, Alona. I'll just call you, okay?"

Sumimangot ang mukha ng babae pero isang haplos lang ni Dale Perdigon sa braso nito ay ngumiti na ito at nagpaalam.

"It's Elena, honey. Okay, fine! Just call me and I'll make sure that I'll be there wherever you are," malandi nitong saad bago naglaho sa loob ng opisina.

Tunog ng pagkasara ng pinto na lang ang narinig ni Iana nang umalis ang babaeng tinawag ni Dale Perdigon na Alona pero Elena pala ang tunay na pangalan.

Ngayon naman ay seryoso pa rin at walang buhay ang mata ni Iana sa lalaking nakangisi na ngayon sa kanya.

"Oh my dear secretary, for the nth times! You interrupt me again with my friend," confident nitong saad bago tumayo at bahagyang lumapit sa kanya.

Hindi pinapansin ni Iana ang pang-aasar sa boses ni Dale sa halip ay tinuloy ang ipinunta niya sa office nito.

"Like what I've said, I'll discuss you your schedule for today, Sir. At exactly 10:00 am you have to attend the conference meeting with regards to the sales this month. After that, at 11:00 am you have an appointment with the supplier of materials for the new projects. Then after lunch, you have to prepare for the ----" Natigil sa pagsasalita si Iana nang itinaas na ni Dale ang kamay nito na hudyat na kailangan niya nang tumigil sa pagsasalita.

Bilang isang masunuring secretary ay tumigil naman si Iana at binalingan ang lalaking kaunting pulgada na lang ang layo mula sa kanyang mukha.

"Relax, Ms. Rodriguez, bakit ba palagi kang ganyan? May nakaabang bang taxi sa baba at lagi kang nagmamadali?"

"Excuse me, Sir! Please be informed that as your secretary, one of my job is to remind you of your scheduled appointments and meetings everyday. It's just part of my job, besides that, I still have a lot of things to do so if you don't mind," diretso nitong saad na nagtitimpi na sa inaakto ng kanyang boss. Sa isip niya ay sinasayang na naman ng magaling na lalaki ang kanyang oras.

"Oh, Oh! You're being workaholic again or don't tell me that you're jealous?" Nakangisi nitong saad.

Sa loob-loob ni Iana ay pinapakuluan na niya ng buhay ang lalaki sa harapan niya. Kanina pa siya nagtitimpi dito pero pinapanatili niyang compose ang kanyang sarili. Her usual self na walang pakialam sa kahit anong gawin o sabihin ng kanyang boss. Madalas talagang ubusin ni Dale ang pasensiya niya at hindi siya pwedeng magpatalo rito.

"Why would I? Aren't you aware that I'm always like this and nothing's change?" Bahagyang ngumisi si Iana na hindi nagustuhan ng lalaki.

Kumunot ang noo nito at kumuyom ang kamao. Hindi nito matanggap na kahit anong gawin niya ay hindi naaapektuhan ang sekretarya ng kanyang angking kagwapuhan. Ni hindi ito nagpapadala sa kanyang mga pang-aakit. Ito lang ata ang lubos tanging iniisnob ang kanyang presensya at hindi niya matanggap iyon.

"Yeah, like I care. Leave now, stop bossing me around and please keep in my mind that I am  still the President of this company. I own my time so I can do whatever I want!" Paangil nitong saad.

Walang isang salitang sinabi si Iana at nilisan agad ang opisina ni Dale Perdigon. Kulang ang oras niyang salubungin ang pagta-tantrums ng boss o pwede ring sabihing ang kanyang magaling na...

FIANCÈ.

- - -

Note: First POV po ang story na ito. Third POV lang ang Simula at Wakas. Thank you for reading! :)

─ S•L ─

The PlayBoss and his SecreTaray (Arranged Series #1)Where stories live. Discover now