Kabanata 59

9.2K 122 22
                                    

Kabanata 59

Iana's

Kanina pa pasulyap-sulyap sa gawi ko si Dale. Simula nang makaupo ako sa upuan ko ay ilang beses ko na siyang nahuling nakatingin sa akin. At hindi manlang siya guilty sa ginagawa niyang pagtitig. Walang pakialam kung mahuli ko man siya o hindi at sa totoo lang hindi ako makapagtrabaho nang maayos sa ginagawa niya. Wala naman akong choice dahil sa kasamaang palad e hindi ko alam kung bakit nasa loob mismo ng office niya ang table ng secretary. Wala naman na talaga akong balak pansinin pero nang may nabuong teorya sa isip ko kaya ay naisatinig ko ito nang wala sa oras.

"Mr. Perdigon, may I request to move my table outside your office? Just like the arrangement before?"

Kumunot ang noo niya at tila nag-iisip kung anong mali sa table ko. "Why? Is there something wrong with your table? Are you not comfortable? I will request the utility to change your chair or table..."

"Walang mali or sira sa table ko, Sir. I'm requesting if pwede bang ilipat itong table ko sa labas ng office mo."

Tinaasan niya ako ng kilay. Parang naghihintay pa nang idudugtong ko. Gusto ko sanang irapan, mabuti na lang at napigilan ko. Boss ko nga pala siya at first day ko ngayong araw. Gusto kong smooth ang maging takbo ng araw ko.

"...parang hindi kasi okay na kapag may pupuntang client eh diretso agad sa office mo. Made-defeat ang purpose ko kung hindi ko maa-assist ang mga kliyente."

"That's not a problem, Iana. There's a receptionist in this floor, she will call you beforehand if there's a client."

"Okay, fine. The decision is yours. If I know, gusto mo lang sigurong nakikita minu-minuto ang dating secretary mo kaya mo 'to ginawa."

Namutla na naman siya sa sinabi ko, parang ganito rin ang itsura niya nang makita ko sila ng dating secretary niya kanina.

Napakurap siya bago agad na nakabawi. "What? Mali ang iniisip mo. Pinalipat ko lang para sa pagdating mo. You can ask the utility if you don't believe me."

Ipinagkibit balikat ko 'yon at hindi na pinansin ang huling sinabi niya. Bakit naman niya kailangang gawin pa 'yon? Tumayo ako at nag-ayos na ng gamit. Nag-vibrate ang phone ko at alam kong si Gie ito. Sinulyapan ko saglit ang phone at nag-text nga ito na magkita na lang daw kami sa malapit na kainan sa labas. Hindi ko namalayan na lunch time na pala pagtingin ko sa oras.

"Where are you going?" Naka-sunod ang mata ni Dale sa akin.

"I'll take my lunch, Sir." Tumalikod na ako sa kanya at nasa hamba na ng pintuan.

"But... I already ordered food for us..." Humarap ako sa kanya saglit.

"It's not part of my job to join you on lunch, Sir, unless it's a business meeting."

He clenched his jaw.

Bago pa siya magsalita ay tuluyan na akong lumabas. Bahala siyang ubusin lahat ng inorder niya.

- - -

Gaya ng inaasahan, hindi ako tinantanan ni Gie sa kakatanong kung anong nangyari sa akin sa nagdaang taon. Halos hindi nga kami nakakain at nabusog na lang kami sa kwento ng isa't isa. Hindi ko itinago kay Gie ang nangyari. Alam kong mapagkakatiwalaan ko naman siya. Lahat ng highlight ng nangyari sa akin sa nagdaang taon ay sinabi ko sa kanya pati ang tungkol kay Din-Din.

"Nakakainis ka Iana, may inaanak na pala ako ni hindi ko manlang alam. I want to meet her and I will spoil her with toys. Ano bang favorite niyang laruan?"

Inirapan ko siya. "Hay nako, Gie, pwede ba, marami na ang nagso-spoil sa anak ko. Huwag ka ng dumagdag, please..." Sa Malvar palang ay spoiled na spoiled na si Din-Din kay Leon at kina Mayor. Mas lalo ngayong nandito na si Dale. Tapos balak pa talaga dumagdag ni Georgie.

The PlayBoss and his SecreTaray (Arranged Series #1)Where stories live. Discover now