Kabanata 54

8.1K 118 23
                                    

Kabanata 54

Dale's

"Are you two, okay?" Bumalik ako sa table after 20 minutes.

Sinadya ko talagang umalis para bigyan sila ng oras. Matagal ko ng gustong maipakilala si Elaine kay Grace. Noong una ko kasi sinabing natagpuan ko na si Iana ay hindi siya naniwala agad. Kinailangan ko pang ipaliwanag kung ano ang kalagayan nito bago siya medyo nakumbinsing nagsasabi ako ng totoo. Kaya nang maka-receive ako ng message na nasa seminar daw siya na ginanap sa Tagaytay, mabilis kong iniwan ang trabaho at agad pinasidad ang kotse papuntang Batangas para sunduin si Iana.

Bukod sa team ni Yul, si Jerome at Grace lang ang napagsabihan ko tungkol sa kalagayan ni Iana. At first, hindi talaga sila makapaniwala na nahanap ko na siya. Kaya matagal ko na talagang planong dalhin si Iana sa Nueva Ecija. Hindi ko palang itinuloy ngayong hindi ko pa lubos na nakukuha ang tiwala niya. Alam kong hindi siya sasama sa akin. Mabuti na lang at nagkaroon ng seminar si Grace sa Tagaytay kaya hindi ko na pinalampas pa 'yon.

Na-orient ko naman si Grace. Sinabi kong huwag niyang bibiglain si Iana kasi hindi pa talaga kami nagkakausap tungkol sa kung anong relasyon naming dalawa. Naunawaan naman ni Grace at nangakong magiging maingat siya sa kanyang sasabihin.

Nagkatinginan kami ni Grace. Tinaasan ko siya ng kilay. Sumenyas siyang umupo na ako. Sinulyapan ko naman si Iana. Tahimik siyang kumakain ng cake. Ganito rin sila bago ko sila iwan. Sa tingin ko ay nasayang lang ang pag-alis ko dahil hindi naman sila nag-usap.

"Of course, okay lang kami, Dale. Tapusin mo na ang pagkain mo baka gabihin kayo ni Elaine. Baka nag-aalala na ang kasama niya sa bahay." Si Grace ang sumagot sa tanong ko.

Hindi ko na naitanong kay Grace kung anong nangyari nung magpaalam kami. Kung ano ang sinabi niya kay Iana at naging reaksyon nito. Nasa sasakyan na kami nang basagin ko ang katahimikan. Simula nang makasakay kami ay wala sinabing si Iana. Alam kong galit siya sa ginawa ko na isa sa rason kung bakit hindi siya halos nagsasalita.

"Sorry... Elaine. Alam kong galit ka... sa pagsama ko sa 'yo dito. Alam ko kasing hindi ka sasama kung sasabihin ko man sa 'yo." Wala akong nakuhang reaksyon mula sa kanya. Katulad kanina ay tahimik lang siya at nakatanaw sa bintana.

Pinagpatuloy ko pa rin ang pagsasalita dahil alam kong maririnig naman niya ito. "Elaine... may sinabi ba sa 'yo si Grace? Hmm... may nabanggit ba siya?" maingat kong saad sabay sulyap sa kanya.

"May dapat bang sabihin sa 'kin si Grace? Tungkol saan naman? Ano bang plano mo, Dale?" Wala akong nakitang galit sa kanya kahit ito ay inasahan ko.

Bakas lang sa mukha niya na marami siyang tanong sa akin. Hindi ko alam kung oras na ba para kumprontahin ko siya at magpakilala bilang ako... bilang Dale Perdigon, her boyfriend.

Hindi ito ang pinlano ko pero kung pipilitin niya ako ay wala na akong magagawa kundi magtapat sa kanya.

"Ano, Dale? Bakit gusto mong makilala ko si Grace?"

"Kasi... Elaine. Gusto ko lang... gusto ko lang maalala mo kung—"

Natigil ang sinasabi ko nang sunod-sunod na bumusina ang sasakyan sa likod namin. Hindi ko na tinuloy sa halip ay pinaandar ko na ang kotse. Hindi magandang magtapat ngayong nandito kami sa kotse at maghahating-gabi na rin. Hindi na rin nagtanong muli si Elaine. Paglingon ko sa kanya ay nakapikit na siya.

Alas onse na nang makarating kami sa apartment. Agad ko siyang ginising dahil tulog na tulog na siya ngayon.

"Elaine? Elaine?" Bahagya ko siyang tinapik. Nagmulat siya ng mata at nanlaki ang mata nang makita ako.

The PlayBoss and his SecreTaray (Arranged Series #1)Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora