Kabanata 23

9.2K 127 2
                                    

Kabanata 23

Iana's

Sinampal ko ang sarili ko. Napahawak ako sa pisngi ko at ininda ang sakit. Shit. Totoo nga talaga! Hindi panaginip lang ang kamunduhang muntikan na naming magawa ni Dale. Ang tanga-tanga ko na nagpadala ako sa mapupusok niyang halik.

Pinagpasalamat ko na lang na umiyak si baby kung hindi... baka may nangyari na talaga sa amin na baka habang buhay kong pagsisisihan.

Hindi ako halos nakatulog ng gabing 'yon. Hindi mawala sa isip ko at paulit-ulit nagpa-flashback ang ginawa namin ni Dale. Naiinis pa ako dahil mapapabilang pa ata ako sa mga naging babae niya. Kailangan kong kontrolin ang sarili ko, hindi dapat ako nagpapadala sa pang-aakit niya. Pipigilan ko ang paghalik kahit nagugustuhan ko 'yon. Ay, shit! Bakit ko naman magugustuhan ang mga halik niya?

Back to your senses, Iana! I scolded myself. Hindi ko dapat magustuhan si Dale. No, hindi pwedeng makasama ako sa association ng mga naka-fling niya. Over my dead body!

Kinabukasan, nagising akong may itim na itim na eyebags. Halatang napuyat talaga ako kagabi. Nag-ayos na ako ng sarili at bumaba kasama si baby.

"Manang, bumaba na ba si Iana?" Narinig kong tanong ni Dale.

Palapit na kami ni baby sa dining. Ngayon ko hiniling na sana ini-ignore niya na lang ako tulad nung mga nakaraang araw.

Napansin ni Manang ang pagpasok namin. Nakatalikod kasi si Dale. "Oh, ito na pala si Iana," sabi ni Manang.

Ngumiti naman ako dito. "Good morning po!" Umupo na ako sa upuan.

Sumulyap sa 'min si Dale na automatic na naka-plaster ang ngisi sa mukha nito. Plastic akong tumingin sa kanya. "Hinahanap mo ako?"

"Oo. Parang late ka ata nagising ngayon. Bakit ka kaya napuyat?"

Hindi ko pinansin ang pang-iinis niya. Nandito pa kasi si Manang na naglalagay ng fresh fruits sa table.

"Syempre, dahil kay baby. Ano pa ba ang pwedeng maging dahilan?"

Umakto siyang gulat sa sinabi ko. "Ah, akala ko dahil sa muntikang mangyari sa atin kagabi?" Sinubuan ko siya ng toasted bread para tumigil siya.

Tumingin sa amin si Manang. "Anong nangyari kagabi? Totoo bang nag-away na naman kayo? Sabi ni Sally, may tension daw sa inyo kagabi?" sunod-sunod na tanong ni Manang.

Ibang tension ang nangyari, Manang. Gusto ko sanang sabihin. Pinandilatan ko ng mata si Dale para tumigil na siya.

"Hindi po kami nag-away, Manang. Nag-usap lang po," magalang na sagot ko.

Tumango naman ito sa amin. "Gano'n ba? Siguraduhin niyong hindi kayo nag-aaway kasi kapag ako nakarinig ng away dito sa mansyon, makakarating ito sa lolo at lola niyo. Ayaw niyo naman siguro silang ma-stress gayong nasa ibang bansa pa sila."

Umalis na rin naman si Manang pagkatapos kaming pagsabihan. Sinamaan ko naman ng tingin itong si Dale na hindi pa rin natanggal ang ngisi sa mukha niya. Kainis!

"Sorry, honest lang talaga ako." Tiningnan ko na lang siya at inilingan. Hopeless case na talaga ang kasamaan ng ugali niya.

Tumayo ako at ibinigay sa kanya si baby Ara. "Ikaw muna ang magbantay kay baby habang kumakain ako."

"Okay. No problem, baby."

"What did you call me?" Kunot-noo kong saad.

Ngumisi na naman ito. Hay! Nakakairita talaga. Parang may ibang tumatakbo sa utak niya na hindi ko alam.

The PlayBoss and his SecreTaray (Arranged Series #1)Where stories live. Discover now