Kabanata 53

8K 122 32
                                    

Kabanata 53

Iana's

Nang mag-lunes ay balik normal na naman ang gawi ko. Maaga akong nagising para maghanda ng agahan namin ni Din-Din. Habang nagluluto ay bumabalik sa isipan ko ang pagsama sa amin ni Dale kahapon para magsimba. Alam kong maraming tanong ang bumabagabag sa kanya pero wala naman siyang gaanong sinabi kahapon tungkol sa nakaraan ako. Pagkatapos ng pagkain ay umuwi na rin naman agad kami. Nakatulog na nga si Din-Din kaya binuhat pa siya ni Dale papuntang kwarto.

Aaminin ko na nagi-guilty na talaga ako. Simula nang tumira si Dale sa kabilang pinto ay puro kabutihan naman ang ipinakita niya sa aming mag-ina. Wala siyang anumang ginawang masama at mukhang nakuntento na lang sa pagtingin sa amin. Parang kinakain na ako ng konsensiya ko na sa kabila nang kabaitan na ipinapakita niya sa akin ay kasinungalingan naman ang isinisukli ko.

Bago mag-alas otso ay naihatid ko na si Din-Din sa daycare at ako naman ay nag-aayos na ng ilang files dito sa opisina. Wala namang gaanong trabaho ngayon dahil nagawa ko na rin naman lahat ng pending ko nung nakaraang araw. Halos bumalik na rin ang staff kaya sariling trabaho na lang at iniisip namin ngayon. Nag-report na rin kasi ang dalawang bagong hire kaya mas maluwag na ang gawain namin ngayon.

"Mukhang maaliwalas ang mukha mo ngayon, Elaine ah. Anong meron?" may panunuksong bati sa akin ni Ms. Shirley pagdating na pagdating niya.

"Wala namang bago sa akin ma'am, e. Mukhang na-miss niyo lang ang mukha ko dahil dumaan ang weekend." Nagkatawanan na lang kami bago bumalik sa kani-kaniyang ginagawa.

Kapansin-pansin na bakante ang upuan ngayon ni Carina. Si Iya na katapat ng table nito ang tinanong ki kung bakit mukhang absent ata ito ngayon.

"Wala namang sinabi Ms. Elaine... baka late lang." Nagkibit ng balikat si Iya. Tumango naman ako sa kanya.

Mag-a-alas diyes nang mapatingin ako sa lobby. Napakurap ako ng mata at akala ko namamalikmata lang ako sa nakikita. Totoo bang magkasamang pumasok ngayon si Leon at Carina? Walang bahid ng reaksyon ang mukha nila at magkasabay na pumasok sa opisina ni Leon.

Sinundan ko lang sila nang tingin bago ibinalik ang tingin sa monitor para magpokus sa pagsagot sa quiries sa email hanggang sumapit ang lunch time. Napasulyap ako sa pinto ni Leon at napansing hindi pa lumalabas doon si Carina. Mahigit dalawang oras na silang nag-uusap. Akala ko ay ako lang ang naku-curious sa nangyari pero nang bumukas ang pinto ay halos mabali ang ulo nina Ms. Shirley.

"Iya, paabot nga ng salamin ko. Parang nanlalabo lalo ang paningin ko e," saad ni Ms. Shirley.

"Ms. Shirley, mukhang 'di niyo kailangan ng salamin. Memory plus ang kailangan niyo. Suot niyo naman ang salamin niyo e," pangangatwiran naman ni Iya.

"Alam mo ikaw bata ka, hindi ka makaintindi. Ibig kong sabihin kung namamalikmata ba ako sa nakita ko. Nagkasundo na ba talaga si Sir Leon at Carina?"

Nakita ko ang pag-nguso ni Iya sa akin at nan mahuli ko ay ngumiti agad ito sa akin. "Ms. Elaine, may alam ka ba?"

Umiling ako sa kanila. "Wala namang nababanggit si Leon. Hintayin na lang siguro nating sa kanya mismo manggaling kung anong meron," kimi kong saad.

"Hindi ka ba nagseselos Ms. Elaine dahil kay Ms. Carina?" Kumunot ang noo ko kay Iya. Mukhang ako na ang nasa hot seat ngayon. Kanina-nina lang ay sina Leon ang topic namin. Ang bilis naman atang mapunta sa akin ang curiosity ni Iya na ginatungan pa ni Ms. Shirley.

"Oo nga naman, Elaine, simula't sapul na tumuntong itong si Carina sa office e parang wala naman akong kakaibang reaksyon na nakuha mulansa 'yo. Kahit naman hindi na kayong dalawa ni Leon ay syempre siya pa rin ang tatay ng anak mo. Hindi ka ba naiilang?"

The PlayBoss and his SecreTaray (Arranged Series #1)Where stories live. Discover now