Kabanata 34

9.2K 130 23
                                    

Kabanata 34

Dale's

"Oh my god, Lenard! What a breathtaking place. I love this view. Can you take a picture of me please?" Kinuha ko ang camera na hawak ni Elysse. Kinunan ko siya ng litrato. Halos lahat ata ng sulok ng lugar na pinuntahan namin dito sa Tagaytay ay nagpakuha siya ng picture para remembrance daw.

Para akong bodyguard na nakasunod lang kay Elysse. Pinagbigyan ko na lang ang gusto niya para makauwi na kami. Miss na miss ko na si Iana. Medyo guilty pa ako dahil hindi ako nakapagpaalam. Naka-lock kasi ang kwarto niya kaninang umaga. Ayoko namang i-text lang siya kasi baka kung ano-anong isipin no'n. Gusto ko na lang talagang makauwi para maipaliwanag sa kanya ang lahat.

Dalawang oras ang naging byahe namin papunta dito. Maraming kwento si Elysse pero wala akong natandaan kahit isa. Lumilipad talaga ang isip ko sa bahay. Kung anong ginagawa ni Iana at anong reaksyon niya nang maabutan akong wala ngayong araw.

Pagkatapos sa people's park ay nag-aya na naman si Elysse sa Skyranch. Alas dos na ng hapon at kakatapos lang naming kumain ng lunch. Ang famous na tawilis at bulalo ang kinain namin kanina. Hinila ako ni Elysse papasok sa loob.

"Ang bagal mo naman Lenard. Let's go... I want to ride the boat!" Halatang-halata ang enjoyment sa mukha niya. Parang batang ngayon lang pinasyal sa ganitong lugar.

Bumili siya ng ticket at pumila na kami para makasakay sa anchor's away. Pilit akong ngumingiti kapag nagsasalita siya kahit wala naman talagang pumapasok sa isip ko. Hindi ko kasi makalimutan nangako nga pala ako kay Iana na papasyal kami. Nasa bucketlist pa naman namin itong Tagaytay.

Ilang minutes lang ang tinagal ng ride. Si Elysse ay mahigpit ang kapit sa akin habang gumagalaw ang ride. Tili at sigaw ang narinig ko sa kanya tulad ng ibang kasama namin dito.

Hilong-hilo siya nang makababa kami. "Are you okay?" I asked.

Umupo siya sa isang block at ininda ang sakit ng ulo. "Wait, I'll just buy water."

Bumalik naman agad ako at iniabot ang biniling tubig. Nagkaroon na ako ng rason para umuwi. Gusto ko nang makita si Iana. I miss her all day. Sana siya na lang ang kasama ko ngayon, nag-enjoy sana ako.

"We should go home. It's getting late. Mata-traffic na tayo pauwi," malumanay kong saad.

Pangalawang beses ko na siyang inayang umuwi pero hindi siya pumayag. Hindi pa raw siya pagod at gusto pang maglibot.

"Bakit ka ba nagmamadali, ha, Lenard? Akala mo ba hindi ko napapansin na kanina ka pa tingin ng tingin diyan sa watch mo or sa phone mo!? What?! Gusto mo nang umuwi sa babae mo?" iritado niyang saad.

Hindi nakatakas ang malakas niyang boses na ikinalingon nang ilan. Naglapat ang labi ko at tinatantya ang sitwasyon. Ayoko namang makipagsigawan sa kanya lalo dito pa sa public place. Pero nauubos na ang pasensya ko, kung ayaw niyang umalis pwes mauuna na ako.

"Eh ano naman sa 'yo kung siya nga ang dahilan kung bakit gustong-gusto ko nang umuwi. Huwag ka nang magmatigas kasi uuwi na ako. Bahala ka kung sasabay ka o magko-commute ka pauwi," mariin kong saad.

Lalong nairita ang mukha niya dahil sa sinabi ko. Tumayo siya at hinampas ang dibdib. Napapikit ako sa atensyon nakukuha namin. Hinuli ko ang braso niya. "Stop it, Elysse. Let's go!"

"I said no, Lenard! Hindi ko hahayaang mangyari 'yang gusto mo. Bakit hindi mo na lang kasi tanggapin na ako na ang babae para sa 'yo. Kalimutan mo na ang babaeng 'yon!" sigaw niya at siniil ako ng halik.

Naitulak ko kaagad siya. Gulat na gulat ako sa ginawa niya. Hindi ko na napigilang pagtaasan siya ng boses dahil hindi na tama ang ginagawa niya.

"Ano ba, Elysse?! Ginagamit mo ba ang utak mo? Huwag mo nang ipilit ang sarili mo sa akin. Hinding-hindi mangyayari na magugustuhan kita dahil may mahal na akong iba. Mahal ko si Iana at hinding-hindi ko siya ipagpapalit kahit kanino... kahit sa 'yo."

The PlayBoss and his SecreTaray (Arranged Series #1)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang