Kabanata 36

9.5K 127 23
                                    

Kabanata 36

Iana's

"Sigurado ba kayong mabuting tao 'yan? Mom, Dad? Masyado naman ata tayong nag-aaksaya ng pera at panahon sa taong hindi naman natin kilala," baritonong saad ng lalaki ang gumising sa akin.

Dahan-dahan kong minulat ang mata ko pero agad ding napapikit. Masyadong masakit ang liwanag na tumama sa mata ko.

"Ang sama mo talaga kuya! It was my fault kaya siya nandito sa hospital ngayon. She protected me and yet you aren't grateful for her. Maybe you really hate me that's why!"

"Buti alam mong kasalanan mo. Next time, huwag mo nang tatakasan ang mga bodyguards mo. Nagkakaintindihan ba tayo?"

"Mom, Dad... si kuya oh..."

Nakilala ko ang boses ng dalaga na nakausap ko sa bus. Hindi ako pwedeng magkamali dahil naririnig ko ang matinis nitong boses.

"Leon, Bianca... Stop it! Huwag na kayong magtalo. Leon, please understand... alam mo namang hindi natin pwedeng pabayaan itong taong tumulong sa kapatid mo. In fact, malaki ang utang na loob natin sa kanya."

Sinubukan ko ulit na imulat ang mata ko at nakita ko ang isang pamilyang nakatalikod sa akin. Nakita ko ang pagtapik ng isang may katandaang lalaki na nakasalamin sa matipunong braso ng isang binata.

"Huwag kang mag-alala, Leon. Hindi naman ito 'yong tulad ng pananamantala na iniisip mo. Tama ang mommy mo. Malaki ang utang na loob natin sa babaeng nagligtas sa nag-iisa mong kapatid. At saka hindi mo maiaalis sa amin na tumulong sa nangangailangan lalo't Mayor ako ng lugar natin. Normal na magmalasakit ako sa mga taong nasasakupan ko."

"But she's pregnant..." mariing saad ng lalaki.

Sumakit ang ulo ko sa narinig. Hindi maproseso ng utak ko ang nangyayari. Totoo ba ang sinabi ng lalaki o hallucination ko lang? Pinilit kong galawin ang kamay ko. Nilabanan ko ang bigat na pumipigil sa aking katawan na gumalaw. Napahawak na lang ako sa ulo ko nang sumakit na naman ito.

"OMG! Mommy, Daddy... gising na si ate!"

Nagising ang buong diwa ko sa tili ni Bianca, siya ang babaeng katabi ko sa bus bago maaksidente. Naaalala ko na ang pangalan niya.

Tuluyan ko nang binuksan ang mga mata ko. Iniinda ko pa rin ang sakit ng ulo ko pero medyo nabawasan na 'yon. Puting paligid ang sumalubong sa akin.

Nagniningning ang mukha ni Bianca nang magkasalubong ang tingin namin. Namilog ang kanyang mata at agad akong dinaluhan.

"Finally, ate Elaine! Gising ka na! Do you remember me?"

Hindi naman ako nakasagot sa kanya agad dahil hindi ko pa maibuka ang bibig ko dahil sa tubong nakakabit sa akin.

Lumipad ang tingin ko sa mga taong nasa likod ni Bianca na nakangiti sa akin. Nasa 50's ang edad ng lalaking nakasalamin at hula ko ang sopistikadang babaeng katabi nito na hindi nagkakalayo sa edad ng lalaki ay kanyang asawa.

Nakangiti ang tatlo sa akin samantala may isang binatang lalaki na nasa bandang dulo na seryosong nakatingin lamg. Ni walang kabakas bakas ng pagiging malambot sa itsura nito. Iniwas ko ang tingin ko sa kanya. Hindi ako komportable sa paraan ng pagtitig niya sa akin.

Kinaway ni Bianca ang kamay niya sa mukha ko. "Ate! Hello! Hindi mo ako kilala? OMG!" Tiningnan ko lang siya at hindi nagbigay ng anumang reaksyon. Mabilis na nanlaki ang mata niya.

Napatakip ito sa kanyang bibig at lumingon sa likod niya. "Mom, Dad... I think may amnesia siya kasi she can't remember me..."

"Leon, samahan mo si Bianca and call Doc Enrique," utos ng lalaki sa dalawa.

The PlayBoss and his SecreTaray (Arranged Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon