Kabanata 24

9.2K 118 11
                                    

Kabanata 24

Iana's

"Iniiwasan mo na naman ba ako?" tanong ni Dale bago naupo sa tabi ko.

Nandito kami ni baby sa may veranda. Hinihintay namin ang pagdating ng mommy at daddy niya. Ngayon kasi ang uwi nina Grace. Didiretso na sila rito galing ng airport.

Sinulyapan ko si Dale at nag-focus ulit kay baby. "Bakit naman kita iiwasan?" Hindi ako tumingin sa kanya sa halip ay nilaro-laro ko ang kamay ni Ara.

"Hindi ka kasi sumabay nung breakfast tapos maaga ka ring nag-lunch. I concluded that you're avoiding me." Umisod ako ng kaunti para magkaroon kami ng space.

"Late lang ako nagising kaya brunch na 'yong kinain ko," paliwanag ko.

"Eh bakit hindi ka makatingin ng diretso sa 'kin ngayon?" Tiningnan ko siya saglit at binalik ulit ang tingin kay Ara.

"Kailangan bang makipagtitigan ako sa 'yo para masabi mong hindi kita iniiwasan?" Dinaan ko na lang sa pagiging iritado ang boses ko.

Sa totoo lang iniiwasan ko talaga siya, hindi dahil naiinis ko ako tulad nung nakaraan. Iniiwasan ko siya kasi naiilang ako. Pagkatapos nang pinagtapat niya kahapon, sa tingin ba niya maayos ko siyang patutunguhan. Na-caught off guard ako sa sinabi niya at hanggang ngayon pina-process pa ito ng utak ko.

Hindi ko rin maintindihan ang nararamdaman ko. Kinakabahan ako kapag malapit siya sa 'kin. Hindi ko rin siya diretsong matingnan sa hindi ko maipaliwanag na dahilan. May parte sa 'king natutuwa nang marinig sa kanyang gusto niya ako kaya pinapakiramdaman ko pa ang sarili ko kung totoo ngang gusto ko siya. Baka kasi nasa isip ko lang 'yon kasi wala na kami ni Frank at siya ang nandito sa tabi ko.

Natawa siya at ramdam ko na naman ang tingin niya sa 'kin. "Tungkol ba sa sinabi ko kahapon? I hope naniwala ka. Totoo 'yon. Gusto talaga kita, Iana. Lately ko lang na-realize pero siguradong-sigurado na ako."

Hindi na ako nagkaroon ng chance na sagutin siya. Na-save ako nang pagdating nina Grace at Jerome. Sa gate pa lang ay kumaway na ito sa amin. Si Ate Sally na naglilinis sa may garden ang nagbukas ng pinto.

Sinalubong namin sila. "Hi, Iana! Pinahirapan ka ba ni baby ko?" Nakangiting bati ni Grace. Excited din siyang kinuha si baby sa 'kin at agad niyakap.

Ngumiti naman ako sa kanya. "Hindi naman masyado, Grace. Uy, hi, Jerome!" Tumango at ngumiti naman sa 'kin si Jerome.

Sinamahan ko na sila sa loob. "Kumusta ang byahe niyo?"

"Mabilis lang, kahapon pa nga excited 'tong si Grace. Sa sobrang excited, muntikan pang makalimutan ang passport niya," natatawang saad ni Jerome.

Hinampas naman siya ni Grace. "Parang ikaw hindi umiyak dahil namimiss si baby, ah!"

Natawa na lang kaming tatlo. Miss na miss talaga nila si baby Ara. Kung ako rin naman siguro ang mommy ni Ara, hindi ko kakayanin mapalayo rito kahit isang araw, isang linggo pa kaya.

Siniko ako ni Grace bago kami maka-upo. "Nasaan ang asawa mo?" nakangising saad nito.

Napalinga ako naman para hanapin si Dale kanina lang kasi ay kasama namin ito sa veranda. Bigla na lang nawala.

"Nandiyan na pala, Iana. Dali, ipakilala mo ako..." bulong ulit ni Grace.

Lumabas ng kitchen si Dale na may dalang tray. Lumapit ito sa amin at inilapag ang tray laman ang sandwiches at juice sa center table.

"Hi, you must be the mommy of baby Ara. I'm Dale." Hindi ko na kinailangan pang ipakilala si Grace kay Dale dahil ito na mismo ang naunang magpakilala.

The PlayBoss and his SecreTaray (Arranged Series #1)Where stories live. Discover now