Kabanata 43

8.4K 125 22
                                    

Kabanata 43

Dale's

Hindi ko maalis ang tingin ko sa monitor ng computer ko. Until now, hindi pa rin ako makapaniwala sa nakikita ko. Takot na takot akong kumurap na parang sa isang iglap lang ay biglang maglalaho ang babae sa harap ko.

Parang isang panaginip ang nangyari kahapon. Sa dami ng hinire kong private investigator, hindi ko inasahan na si Fia pa ang unang makakakita sa kanya.

"Where is she?"

Sinalubong ko si Fia sa may entrance ng isang store. Kasama niya si Evans habang buhat ang anak na si Fiona. Tumawag ito sa akin at ibinalitang nakita raw niya si Iana. Hindi ko alam kung ipinag-adya ba talaga ng pagkakataon dahil nasa mall din ako kung nasaan sila.

"Dale," bati ni Evans nang makalapit ako.

"Where is Iana?" ulit ko.

Mabilis ang tibok ko at nanlalamig ang palad ko. Ang malamang nandito siya sa mall kung nasaan ako ay nagpakaba sa akin. Sa ilang taon kong paghahanap ay makikita ko na siya.

"Nandito lang siya kanina Dale, believe me, I saw Iana with my two naked eyes."

Binalingan ni Evans ang asawa niya.
"Are you really sure Fi? Baka kamukha lang ni Iana 'yong nakita mo?" Bakas sa boses nito ang pagdududa.

Habang nag-uusap sila ay agad ko nang tinawagan ang manager nitong mall. Kung pwede kong ipahalughog ang buong mall na 'to, gagawin ko makita lang siya.

"Imposible, kasi nakausap ko siya... even her voice is the same. Hindi ako pwedeng magkamali. Siya 'yon... Si Iana 'yong nakita ko."

"Okay... calm down. Gusto ko lang makasigurado," si Evans na inalo ang asawa.

"Anong suot niya Fia, they need the details..." Ibinigay ko ang phone kay Fia para makausap ang head ng security ng mall.

Tinapik ni Evans ang balikat ko. "Finally, bro, makikita mo na siya."

Napatingin ako kay Fia matapos ibaba ang phone. Natigilan ito na parang malalim ang iniisip.

"Fia, anong problema?"

Alinlangan siyang tumingin sa akin. "Dale kasi... may hindi ako nasabi sa 'yo. About Iana... something is strange with her. She can't remember me and nagpakilala siyang Elaine. Hindi kaya she suffer from an amnesia kaya hindi siya nakabalik..." mahinang saad ni Fia na naglaro na sa utak ko.

"Who's Elaine?"

"Elaine... Elaine Manahan. That's her name. May pinakita siyang ID at 'yon lang ang nabasa ko. I'm sorry Dale, if na-convince ko lang sana siya na mag-stay kahit saglit..." Hinagod ni Evans ang likod ni Fia.

"Don't blame yourself Fia... it's not your fault. Ako pa nga itong dapat magpasalamat. Thanks for the help... Don't worry ako na ang bahala sa paghahanap sa kanya."

Nagpaalam na ako sa kanilang dalawa at agad na dumiretso sa security office. Mabuti na lang at kilala ko personally ang may-ari ng mall kaya hindi mahirap makipag-negotiate sa gusto kong mangyari.

Mabilis rumisponde ang security personnel sa gusto kong mangyari. Naging mahigpit ang pagpapalabas ng mga tao sa exit ng mall. May mga civillian guards na rin na nag-ikot ikot. Inabot na ng hapon ang search operation but still negative... wala si Iana.

"Ho! Sir! Sa wakas, nahanap din kita. Infairness, sobrang bilis niyong maglakad. Naiwala ko tuloy kayo, mabuti na lang at may guard na nakapagsabi sa akin nandito daw kayo sa security office." Hinihingal na saad pa ng bago kong secretary na si Pearl. Nawala sa isip ko na may kasama pala ako matapos kong sagutin ang tawag ni Fia.

The PlayBoss and his SecreTaray (Arranged Series #1)Where stories live. Discover now