Kabanata 12

13.3K 178 18
                                    

Kabanata 12

Dale's

"I thought we already settled this issue? Nag-usap na kami ni Iana at pumayag na siyang hindi umalis. Why are we having this conversation over again?" Hindi ko mapigilang hindi maging iritado.

Kausap ko ngayon si grandpa sa phone at itutuloy pa rin niya ang pansamantalang pagtanggal sa 'kin bilang President ng Perdigon Properties.

"Hindi ibig sabihin na sinabi niyang hindi siya aalis, hindi na niya maiisip na umalis. You know hijo, what I was trying to say last time is to make her your wife, already. Marry her as soon as possible. That's the only way to get back your position again. Understood?"

Naihilamos ko ang kamay ko sa aking mukha. Napakaimposible ng kondisyon ni grandpa. Paano ko mapipilit si Iana na pakasalan ako. Isa pa, dapat sa lalong madaling panahon. How can I convince her to marry me in such a short period of time. This is like a mission impossible.

Ilang beses na niyang paulit-ulit na sinabi sa akin na hindi niya ako magugustuhan. Most of the time, I feel that my very own existence annoys the hell out of her. Kaya, paano?

Pagbaba ko ng tawag ni grandpa ay isang unread message ang binuksan ko. Galing kay Evans. Tungkol ito sa wedding celebration niya na pinaalala ni Grey noong nakaraan. I replied that I will attend the event with my secretary.

Lumabas ako sa office para sabihin kay Iana ang pupuntahan namin sa weekend. Paglabas ko ay bakanteng upuan niya ang naabutan ko. Saan na naman kaya 'yon pumunta. Madalas ko na lang siyang maabutang wala sa table niya.

May nasalubong akong staff at agad ko itong tinanong. Sinabi naman niya na nasa 26th floor kasama ni Mr. Quijano. I clenched my jaw hearing that name. Hindi ko talaga maitatanggi na close talaga sila ni Iana. Ilang beses ko na silang nakikitang magkausap at madalas kong makitang ngumingiti at tumatawa si Iana kapag kasama siya na never niyang ginagawa kapag ako ang kausap niya.

Hindi ko inaasahan ang naabutan ko. Nasa pinto lang ako at tiningnan ang eksena.

Ipinakilala pala ni Mr. Quijano si Iana kay Knight Lopez - newly hired employee and Evan's cousin.

Nakita ko ang paglahad nito ng kamay kay Iana na tinanggap naman ng secretary ko. Nakangiti pa ito at mukhang masaya na nakilala niya ang lalaki. Hindi ko mapigilang hindi makaramdam ng inis kasi ang unfair niya naman.

Bakit pagdating kay Mr. Quijano ay nakakangiti siya? Idagdag pa ito si Knight na ngayon niya lang nakilala, e parang ka-close niya na kaagad. Why can't she do the same to me?

Sa sobrang inis ay umalis agad ako. Umupo ako sa upuan habang hinihintay siyang bumalik. Pinakialaman ko itong ginagawa niya sa pc. Iniwan niyang hindi pa tapos ang report na nasa table niya. Dumoble lalo ang inis ko.

Ilang minuto pa ang inantay ko bago siya dumating. Mukhang nag-enjoy pa ata siyang kausap ang lalaking 'yon. Inilapag ko ang invitation card sa table niya bago tumayo.

Agad kumunot ang noo niya bago tumanggi. Inaasahan ko na itong reaksyon. Kailan ba siya sumunod kaagad kapag may sinasabi ako? Pero syempre ginamit ko ang pagiging boss ko kaya wala siyang magagawa. Sasama siya sa 'kin sa 2nd wedding anniversary celebration ni Evans.

Bumalik ako sa office ko at gumawa ng turn-over reports. Seryoso nga talaga si grandpa kaya wala akong magagawa. Batas ang salita niya. Siya pa rin kasi ang chairman at major stockholder ng company. 60 percent ang shares siya sa company kaya siya talaga ang masusunod.

Tinapos ko rin ang ilang pending documents na kailangan ko nang aprubahan bago magfile ng indefinite leave. Indefinite kasi hangga't walang signal si grandpa ay hindi ako makakapagreport. 

The PlayBoss and his SecreTaray (Arranged Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon