Kabanata 29

10.4K 147 24
                                    

Kabanata 29

Dale's

Nakatitig ako sa phone ko, kanina ko pa tinatawagan sina grandpa pero hindi ko sila ma-contact. Sinabi nilang uuwi na sila ngayong end of the month pero hanggang ngayon ay wala pa rin. Kung ano-ano na tuloy ang pumapasok sa isip ko. I really need to stop over thinking. Baka busy lang talaga sila.

"Love?" Pagtawag ko sa voice-over sa table ni Iana. Hindi naman nagtagal at bumukas na ang pinto.

Sinalubong ko siya ng ngiti. "Bakit hindi ka na lang kasi pumayag na ilipat 'yong table mo dito sa office ko para hindi kita ma-miss?" I chuckled.

Sumamimangot siya at lumapit sa akin. "May kailangan ka ba?"

Napansin kong malungkot siya. Hindi mahahalata ng iba dahil palagi namang neutral lang ang mukha niya pero ako... sa ilang buwan naming magkasama, alam ko na kung ano ang emosyon niya sa likod ng kanyang poker face.

"May problema ka?" Tumayo ako at nilapitan siya. Niyakap ko siya at hinalikan ang pisngi.

"Anything wrong? Care to tell me..." I urged her to talk about her problems.

Napasinghap siya at bumitaw sa 'kin. Sa halip ay umupo sa sofa sa may office ko. Sinundan ko siya at tinabihan.

"Is it about your fcking ex?" Umiling siya.

"Si Georgie..."

Kumunot ang noo ko. Georgie?! Who is that?

"Georgie, who?" Nanlaki ang mata niya at agad napapikit.

"I mean si George," pagbawi niya. Seryoso ko siyang tiningnan. Bakit pinag-uusapan naman namin ang lalaki na 'yon?

"What about him? Na-realize mo na siya pala ang gusto mo at hindi ako? What?" Sunod-sunod kong tanong.

"Seloso mo! Hindi 'no. Nag-file na siya ng immediate resignation. Wala, nalulungkot lang ako kahit dapat masaya ako kasi malaki 'yong opportunity na naghihintay sa kanya sa ibang bansa."

Hindi ko naman siya masisisi. Kahit naiinis ako sa presensiya ng lalaking 'yon, kaibigan pa rin siya ng babaeng mahal ko. Ito lang ang kasundo niya sa office kaya talagang malulungkot siya kapag umalis ito.

"It's okay to feel that way. Your emotion is valid." I comforted her.

She smiled sadly and put her head on my shoulder.

"Mami-miss ko siya Dale. Samahan mo ako sa Friday ah, despidida na niya. That's maybe the last time that I will see him..."

- - -

Malakas na music ang sumalubong sa 'min. Mausok at maraming tao ang nadaanan namin bago makapasok sa gitna ng bar. Hinawakan ko ang baywang ni Iana. She's wearing a black tube leather dress with high heels. Pinagtitinginan siya nang ilang lalaking nadaanan namin kaya kinailangan ko pang bakuran siya at tingnan ng masama ang mga tumititig para tumigil.

Sanay naman ako sa ganito pero ngayon, hindi ko maiwasang hindi mairita sa mga nakakakuha ng atensyon niya. Napahawak siya sa braso niya at naging alerto agad ako.

"Nilalamig ka?" Hinubad ko na ang suot kong coat at inilagay sa balikat niya bago pa siya sumagot.

Kakagaling lang namin sa office at dito na kami dumiretso. Hindi na ako nakapagpalit ng suot. "Nasa VIP room daw sila? Where is that?" Palinga-linga siya sa paligid.

Lalo ko siyang inilapit sa 'kin bago ko siya iginaya sa VIP rooms ng bar na 'to. Ilang beses na akong nakapunta dito kaya memorize ko na ang bawat sulok ng lugar.

The PlayBoss and his SecreTaray (Arranged Series #1)Kde žijí příběhy. Začni objevovat