Kabanata 17

11.4K 151 7
                                    

Kabanata 17

Iana's

Naalimpungatan ako sa malakas na iyak ni baby Ara. Kinusot-kusot ko pa ang mata ko at nag-unat ng braso para tuluyang magising. Ganito pala kahirap ang maging mommy. Iniisip ko palang na gabi-gabing walang maayos na tulog si Grace ay naawa na ako.

Alas kwatro palang nang umaga, bumangon na ako para magtimpla ng gatas. Habang hinehele si baby e, hindi ko maiwasang hindi mapatingin sa nakabaluktot na posisyon ni Dale. Sinunod niya nga ang sinabi kong sa couch siya matutulog. Kahit papaano nakaramdam naman ako ng guilt, malaki kasi ang kama at kasya naman kaming tatlo.

Mahimbing na ang tulog ni baby Ara kaya nilapag ko na ulit ito sa kama. Humiga na ulit ako at pinilit na matulog. Pabaling-baling ako sa kama at sa huli ay tumayo ako at nilagyan ng kumot si Dale. Hindi na kinaya ng konsensiya ko. Dibale mamayang gabi, sa kama ko na siya papatulugin basta dapat nasa gitna si baby Ara. Ayos na 'yon para safe. Mahirap nang maulit 'yong nangyari nung nakaraan.

Munting tawa na ni baby Ara ang gumising sa 'kin. Bumangon ako at nakitang alas otso na nang umaga.

"Look baby, your mommy is like a witch in her hair."

Naabutan kong kandong ni Dale si baby at nakangiti itong tinuturo ako. Tsk. Umagang-umaga, binibwisit na naman ako.

Sinuklay ko ang buhok ko gamit ang kamay. Baka ano pang masabi ni Dale. Kung ano-anong tinuturo sa bata, sabihan ba naman akong witch. Well, ang ganda kong witch kung nagkataon.

"Ewan ko sayo," pagtataray ko.

Natawang muli si Dale. Seriously, nagiging clown na ba ako sa paningin niya. "Ang aga-aga ang taray na agad ni mommy. Don't be like her baby ah, it's scary," saad ni Dale sa bata.

Si baby Ara naman ay tuwang-tuwa pa. Imbes na patulan ang kalokohan ni Dale ay dumiretso na ako sa CR para maligo at ang laki kong tanga sa part na 'yon.

Shit. Tapos na akong maligo nang ma-realize ko na wala pala akong dinalang damit pampalit. Paano ako lalabas nang naka-towel lang? Pervert pa naman itong si Dale pero... wala naman akong choice! Kung pwede ko lang sanang utusan si baby Ara, e.

Suot ang tuwalya nang lumabas ako ng bathroom. Nagkatinginan kami ni Dale. Umawang ang labi niya nang makita ang ayos ko habang buhat-buhat si baby na hinihila na ang buhok niya.

Tinaasan ko lang siya ng kilay at dumiretso na ako sa maleta ko. Sa kinamalas-malasang pagkakataon, ngayon pa ako nahirapang kumuha ng damit. Hawak ko kasi itong dulo ng towel, kinabahan akong bigla na lang humilagpos ito sa katawan ko. Ayoko namang maghubad sa harapan ni Dale.

Ramdam ko ang mata ni Dale sa likuran ko. Nang makuha ko ang damit ay agad ko siyang binalingan at ang loko hindi manlang nahiyang ipakita na nakatingin siya sa akin.

"Stop staring Mr. Perdigon," I said sarcastically, not minding the awkward situation.

"Nah, I'm just curious kung hobby mo ba talagang maging makakalimutin. Really, you're roaming inside the room with just a towel wrapped in your body?"

"Yeah. I sometimes walk naked in my own room..." I blurted out.

Nakita kong umawang ulit ang kanyang labi at namula ang kanyang pisngi. Hindi ko na pinansin, dumiretso na ako sa CR para magpalit. Ngayon ko lang naisip na maling-mali 'yong nasabi ko, baka kung ano-ano nang iniisip no'n. Tsk. Dirty minded pa naman si Dale.

The PlayBoss and his SecreTaray (Arranged Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon