Wakas

14.5K 215 40
                                    

Wakas

Magkahawak ang kamay ni Iana at Dale nang magpuntang selda. Unti-unting nang naisasaayos ang lahat. Ipinangako ni Dale na hindi siya titigil hangga't hindi tuluyang nabibigyan ng hustisya ang lahat ng nangyari. Si Elysse ay ipinasok sa isang mental institution dahil na rin sa kondisyon nito. Nakapagsampa naman sila ng kaso kay Frank na kasalukuyang nakakulong na ngayon at balak nilang bisitahin ngayon araw.

"Pwede naman kitang samahan sa loob kung gusto mo?" marahang tanong ni Dale na ilang ulit na niyang suhestiyon habang nasa kotse palang sila.

Ni hindi mapalagay si Dale sa isiping gusto pang makausap ni Iana ang lalaking pinagtangkaan siyang gawan ng masama sa iisang kwarto.

Tinapik ni Iana ang kamay ni Dale pagkatapos ay binitawan. Alam niyang nag-aalala lang sa kanya ang kasintahan pero gusto niya kasing kausapin ang dating nobyo ng sila lang dalawa. Binigyan niya ng ngiti si Dale.

"Don't worry, Love. I'll be okay. May mga nagbabantay naman saka nandito ka lang naman sa labas 'di ba?"

Bumagsak ang balikat ni Dale bilang pagsuko. "If you really need this talk then fine. I'm just outside. Call me if you need help or anything..." pahabol pa nito.

Tumango lang si Iana at pumasok na sa kwarto kung saan naghihintay si Frank. Naabutan niya itong nakaupo sa dulo ng mahabang lamesa. Nakaposas ito at nakayuko. Tumunghay lang nang makita siya.

Tahimik na umupo si Iana sa kabilang dulo ng lamesa. Katahimikan ang bumalot sa kanilang dalawa. Hindi alam ni Iana kung saan magsisimula. Bago pa man siya makapagsalita ay nagulat siya sa emosyong pinakita ni Frank.

Sinalubong niya ang tingin nito. Agad bumuhos ang luha ni Frank sa pagsisisi. "I'm really sorry, Iana. I'm sorry sa lahat ng ginawa ko. A-alam kong hindi sapat ang paghingi ko ng tawad sa 'yo kaya maluwag kong tatanggapin ang parusa ko."

Huminga ng malalim si Iana. Gusto niyang tapusin ang lahat ngayon. Masagot lahat ng katanungan niya para tuluyan na siyang makausad.

"Hindi ko maintindihan, Frank. Paano mo nagawa 'yon? Alam kong desperado ka na pero 'di pumasok sa isip ko na magagawa mo 'yon sa akin. Hindi ka naman ganyan noong nakilala kita kaya anong nangyari?"

Gamit ang braso ay pinunasan ni Frank ang kanyang mukha. "You're right. I was desperate. I am really crazy for you. Hindi ko matanggap na iiwan mo ako. Gusto kong matuloy ang plano nating dalawa. Gusto kong matupad 'yong pangako ko sa 'yo."

Kumunot ang noo ni Iana. "Paanong iiwan kita e ikaw ang unang nang-iwan, Frank. Ikaw 'yong hindi tumupad sa plano natin. Ikaw 'yong nagkaroon ng ibang karelasyon at hindi ako."

Sunod-sunod na tumango si Frank. "Kinailangan kong sundin ang gusto ni Dad. Wala akong magawa kundi makipagrelasyon sa anak ng Davillion gaya ng utos ni Dad, your Tito Bert."

Nanlaki ang mata ni Iana sa narinig. Parang nabingi siya kaya inulit niya ito. "You mean... daddy mo si Tito Bert!? How come?" Gulong-gulo si Iana. Agad siyang nagkaroon ng konklusyon. "Don't tell me you knew his plan to betrayed my dad from the very start?"

Pumikit si Frank at isang beses na tumango. "Anak ako sa labas ng daddy ko, at gaya mo hindi rin ako lubusang tanggap ng pamilya niya. Matagal na kitang kilala. Mahal na kita bago mo pa man ako makilala, Iana. Lahat nang pinakita ko sa 'yo ay totoong ako. Plano kong dalhin ka sa Pilipinas para hindi madamay kung sakaling i-execute na ni dad ang matagal na niyang plano sa daddy mo. Nalaman niya ang plano ko kaya inunahan niya na ito. Ipinagkasundo niya ako sa mga Davillion para sa sarili niyang interest. Naghahanap lang ako ng tyempo para makaalis at hanapin ka pero nagkita na tayo bago pa man ako makaalis."

The PlayBoss and his SecreTaray (Arranged Series #1)Where stories live. Discover now