Kabanata 27

11.2K 160 29
                                    

Kabanata 27

Iana's

"I hope hindi mo naisip na ako ang nasa likod no'n. Wala talaga akong sinabihan nang tungkol sa relasyon niyo ni Dale."

Inilapag ko ang milktea at ngumiti kay Knight.

"Huwag kang mag-alala, wala naman akong iniisip na ganun. Matagal naman nang may kumakalat na chismis sa office tungkol sa 'kin bago ka pa man dumating."

Hindi na rin naman nagtagal ang usapan namin. Nag-apologise lang talaga si Knight kasi baka raw ano pa ang isipin ko. Sinabihan ko naman na wala akong pakialam kung ano mang paninira ang gawin ng ibang tao sa 'kin. Kilala ko naman ang sarili ko at kilala ako ng mga taong mahalaga sa 'kin. Hindi naman sila maniniwala basta-basta hangga't hindi ko kinukumpirma.

Sabay kaming bumalik sa office. Habang naglalakad ay nagkikwento si Knight kung gaano siya nabobored sa department niya ngayon. Medyo seryoso raw ang mga tao sa dept at karamihan ay matatanda na.

Hindi ko inasahan ang sumunod na nangyari, may marahas na humila sa kamay ko at agad kinwelyuhan si Knight. Napasinghap ako sa gulat.

"Dale?!" sigaw ko. Hinawakan ko siya sa braso para tigilan si Knight.

Nagtatagis ang ngipin nito at matalim ang tinging ipinukol kay Knight.

"Dale, tama na." Hindi pa rin niya binibitawan ang kwelyo ni Knight kahit pinigilan ko na ito.

"We just t-talked over a cup of coffee," nahihirapang paliwanag ni Knight.

Napatingin ako sa paligid at nakuha na namin ang atensyon ng mga tao dito. May mga babaeng staff na napatakip ang kamay sa bibig dahil sa eksena. Ang mga executive na kasama ni Dale ay nakatingin na rin sa amin at nagbulungan.

"Dale, you're creating a scene here. Enough please."

Tiningnan ako ni Dale bago binitawan si Knight.

"I don't want to see you hanging out with my fiancé. You'll lose your job if this will happen again," mapanganib niyang banta.

Napapikit ako nang lumakas lalo ang bulungan. Kinumpirma lang ni Dale ang relasyon namin. Narinig ng mga empleyado sa lobby ang sinabi niya. Loud and clear.

Hinila ko na si Dale papasok sa executive elevator. Buti at kami lang ang tao sa loob.

"What were you thinking?!"

"What reaction do you expect me to have?"

Nagbukas ang elevator at mabilis akong pumasok sa office. Kaninang umaga lang sinabihan ko na siya tungkol dito. Si Georgie, kinausap ko na rin para manahimik and then si Knight, he even apologized because of the rumor. Tapos si Dale, kinumpirma lang naman niya sa mga tao dito dahil sa ginawa niya.

Pagkasara ng pinto ay agad akong binugahan ni Dale.

"Saan kayo galing ng lalaking 'yon? Kaninang umaga si Mr. Quijano tapos ngayong hapon kayo naman ni Knight ang maabutan ko. Baka mamayang gabi, nag-aabang na naman ang gagong Franco sa bahay. Papatayin mo ba talaga ako sa pagseselos, Iana?!"

Imbes na mainis ay napalitan ito ng ngiti. Hindi ko alam na ganito pala magselos si Dale. Wala na siyang pakialam sa paligid niya.

"Wala ka namang dapat ipagselos sa kanila kaya hindi ko maintindihan 'yang inaakto mo?"

"Gusto mo ba talagang isa-isahin ko, ha? Si Mr. Quijano, ilang beses ko na kayong naaabutan dito sa opisina na halos maghalikan. Si Knight, isang buwan mo pa lang halos kilala, nakapagdate pa kayo! Tapos itong gagong ex mo, naging boyfriend mo pa ng tatlong taon! Ngayon, sabihin mo nga, wala ba dapat akong ipagselos?!" nanggagalaiti niyang saad bago pumasok sa office niya.

The PlayBoss and his SecreTaray (Arranged Series #1)Where stories live. Discover now