Kabanata 44

8.6K 131 17
                                    

Kabanata 44

Iana's

Kinabukasan ay maaga kaming bumisita sa hospital. Naabutan namin si Leon na puyat na puyat pa. Kagabi pa lang ay tumawag naman kaagad ni Leon na maayos na ang kalagayan ni Mayor Leo. Tumaas lang daw ang presyon nito na mabuti ay agad na nadala sa ospital kundi ay baka nauwi sa atake sa puso.

"Leon, umuwi ka kaya muna para makapagpalit?" suggestion ko.

Tumabi ako sa kanya dito sa may couch. Nasa regular room na si Mayor Leo ngayon at kasalukuyang nagpapahinga.

"Mayamaya, 'Laine. Kakausapin pa raw ako ng doktor ngayong umaga. Si Mom kasi ay pinauna ko muna sa condo ni Bianca. Hindi rin 'yon halos nakatulog kagabi kaya pinilit kong magpahinga muna."

Tumango ako sa kanya. Ngayon dapat ang meeting namin sa client dito sa Manila. Sa sitwasyon ngayon ay mukhang ika-cancel ko na 'yon.

"Leon, 'yong appointment natin today... ako na ba ang magka-cancel o ikaw na ang tatawag?"

"Ah, oo nga pala. Nawala na sa isip ko. Sige, don't worry ako na ang tatawag. Si Din-Din at Bianca, nasaan na? Mabuti pa na umuwi na lang muna kayo ni Din-Din. Hindi maganda sa bata kung ma-e-expose siya sa hospital. Si Bianca na lang muna ang pagbabantayin ko dito kay Dad."

Dumating ang doktor at masinsinang kinausap si Leon sa isang sulok. Nakaupo pa rin ako dito sa couch at inaantay si Din-Din at Bianca. Hindi na ako napalagay kaya tinawagan ko na sila. Pinabili ko lang naman sila ng tubig pero hanggang ngayon ay hindi pa nakakabalik. Hindi pa man nasasagot ang tawag ay bumukas na ang pinto at iniluwa na ang dalawa.

"Tinatawagan ko pa kayo... mabuti naman at nakabalik na kayo. Saan ba kayo galing?"

Inilagay ko kaagad ang isang daliri ko sa bibig nang sisigaw sana si Din-Din. Napatakip siya ng bibig nang makita si Mayor na natutulog.

"Ito kasi Ate, si Din-Din, tinabukhan pa ako nang papasok na ng hospital. Nabunggo pa 'yan sa isang pogi kanina," natatawang sumbong ni Bianca.

"Totoo ba 'yon Din-Din. 'Di ba bilin ko sa 'yo na huwag tatakbo at laging hahawak sa kamay ng Tita B mo?"

"Eh mommy kasi ang bagal ni Tita B. Nagmo-model pa siya maglakad kaya iniwanan ko na siya." Napailing na lang ako sa sagot nito.

"Ah, model pala ah..." Kiniliti ni Bianca si Din-Din na ikinatawa ng huli.

"Oh... tama na 'yan." Saway ko sa dalawa bago kinuha si Din-Din at pinunasan ang likod. Pawis na pawis ito.

"Nag-sorry ka naman ba do'n sa nabunggo mo, 'nak?" tanong ko dito.

Umiling ito. "Tita B did."

Binalingan ko naman si Bianca. "Ano bang nangyari Bianca?"

"Nabunggo lang ate si Din-Din kulit kaya nahulog tuloy ang flowers na dala ni kuyang pogi. Nothing serious naman na nangyari kaya don't mention na lang kay kuya, okay?"

Napangiti na lang ako. "Oo naman, kailan ba kita nilaglag sa kuya mo. Pero Bianca... tigil-tigilan mo ang pagtawag ng pogi doon sa lalaki, baka marinig ng boyfriend mo 'yan."

Kilig na ngumiti naman siya at nagkwento pa ng about sa boyfriend niya. Hinihinaan lang niya ang boses niya dahil tiyak kung marinig ito ni Leon ay magtatalo na naman ang dalawa. Kahit naman alam na ni Leon ang tungkol sa boyfriend ni Bianca ay pareho naming alam na matagal-tagal pa ang aantayin para lang makapag-adjust si Leon. OA pa naman ito pagdating sa kapatid.

Lumapit si Leon sa amin matapos makausap ang doktor. Umupo siya sa tabi at kinalong si Din-Din.

"Okay na raw si Dad, pwede na raw siya ma-discharge bukas. Nakausap ko na rin si Doc Enrique, since alam niya ang history ni Dad, magka-conduct siya ng tests ulit pag-uwi natin sa Malvar."

The PlayBoss and his SecreTaray (Arranged Series #1)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora