Kabanata 7

14.2K 207 6
                                    

Kabanata 7

Iana's

Nagising akong na masakit ang ulo ko. Napatayo agad ako nang maalala ang nangyari kagabi. Naalala ko ang sunud-sunod kong pag-inom. Pagkatapos...

Grabe talaga ng lalaking 'to, sinama-sama ako sa bar na 'to tapos iiwan lang pala ako dito sa table para panoorin ang kalandian niya. Tss. Talagang hindi pa siya nakuntento na nagdadala siya ng babae sa office. Sinama pa talaga ako dito sa bar. Wala na talagang chance magbago ang isang katulad niyang playboy.

Nagpalinga-linga ako sa paligid ng bar. Well, hindi naman ito ang unang beses ko na makatuntong sa ganitong klaseng lugar. Way back in Singapore, madalas kaming pumunta ng mga friends ko sa mga high-end bars gaya rin nito.

Tiningnan ko ang fruit shake na inorder ni Dale sa akin, itinulak ko ito bago nagpasyang tumayo. Since, nandito na rin naman ako might as well is enjoy the night. Hay naku! Hindi ko naman hahayaang si Dale Perdigon lang ang mag-eenjoy kasama ang mga babae niya. No way!

Tumayo ako at naglilibot-libot sa paligid, dinala ako ng mga paa ko sa comfort room. Bawat lingon ko dito ay may naghahalikan. Omg. May nakita pa ako sikat na artista na may kahalikang babae. Napatakip ako sa bibig ko, hindi ba may girlfriend na 'yon. Ikinagulat ko pa na ang kahalikan ng lalaki ay bff nung gf niya na artista rin. Napailing-iling ako. Showbusiness!

Dumaan ako sa gilid nito, hindi naman ganun naging sagabal ang pagdaan ko kasi hindi naman sila natinag. Sinusulit! Lol

Humarap ako sa salamin at nag-retouch. Habang inaayos ko ang salamin ko ay may magandang babaeng tumabi sa akin. Hindi ko maiwasang hindi mapatitig sa kanya, para rin kasi siyang model based on her posture. Kahit madalas akong makasalamuha ng mga ganyang beauty, syempre naa-amaze pa rin ako. Hindi naman niya napapansin ang pagtitig ko dahil may kausap siya sa phone.

Boyfriend niya ata.

"Hello, babe. Yup. Nasa powder room lang ako. Wait for me, love you..." Binaba niya ang phone niya at yumuko na ako. Baka isipin pa niyang nakikinig ako sa kanya.

Nang lumabas ang babae ay sumunod na rin ako sa kanya. Tapos na rin naman kasi akong mag-ayos.

Napatigil ako at tila napako ang paa ko sa sahig nang makita ang lalaking naghihintay doon sa babae sa salamin. Parang wala silang nakikitang kung ano man sa paligid sa paghahalikan nila.

Frank!?

Natapos ang halikan nila at pinulupot ng lalaki ang kamay nito sa maliit na baywang ng babae. Naglaho na sila sa paningin ko pero 'yong sakit na nararamdaman ko ay hindi.

Ibig bang sabihin nito ay niloko niya lang ako?

Shit. Anim na buwan na akong naghihintay sa wala. Nasayang lang talaga ang pag-uwi ko. Galit ang nangingibabaw sa akin, gusto kong sampalin si Frank sa lahat ng kasinungalingan niya. He's a cheater, two-timer jerk! hate him to death Franklin John Steves!! Go to hell!

Nagsisisi ako sa ginawa ko kagabi. Bakit ba kasi nagpakalasing ako para sa gagong lalaking 'yon. Dapat hindi ko na pinag-aaksayahan ng panahon ang mga taong manloloko. Ang dami kong sinakripisyo para makauwi sa Pilipinas dahil sabi niya ayaw na niya ng long distance relationship tapos ito ang malalaman ko. Three years ang nasayang ko sa lalaking 'yon. Go to hell, Frank! I really, really hate you!!

Tiningnan ko ang alarm clock ko at nakitang alas nuwebe na. Ayaw ko namang manatili dito sa bahay dahil maboboring lang ako. Also, I need to be pre-occupied dahil umiinit lang ang ulo kapag naalala ko ang ginawang panloloko ni Franklin John Steves sa akin. Shit siya! Pinaglaruan niya lang ako. Kaya pala hanggang ngayon ay hindi ko siya mahanap kahit may private investigator na ako, ang galing niyang magtago dahil likas pala talaga siyang manloloko. Bwisit siya!

The PlayBoss and his SecreTaray (Arranged Series #1)Where stories live. Discover now