Kabanata 13

12.4K 172 12
                                    

Kabanata 13

Iana's

Hindi mawala sa isip ko ang sinabi ni Dale. Nakakairita talaga siya. Hindi niya ba talaga mai-separate ang work sa mga kalandian niya? Talagang sa loob ng opisina niya pa ginagawa ang nakakadiring extracurricular activities niya.

Ew, gross!

Malakas na bumukas ang pinto at nanggagalaiting lumabas 'yong babae ni Dale. Ano namang nangyari doon? Mukhang nag-away sila, ah. Well, kahit magpatayan pa sila, wala ako dapat pakialam.

Pinagpatuloy ko ang trabaho ko. Mabuti naman at wala nang dumating na bwisita. Si Dale ay wala na ring inutos sa 'kin kaya saktong alas singko ay nag-aayos na ako ng gamit para umalis.

Hindi na ako nagpaalam sa kanya, baka mautusan pa ako. Isa pa, ayoko siyang makita. Naiinis pa rin ako sa usapan namin kanina. Balak pa talaga niya akong isama sa kasiyahan nila ng mga kaibigan niya, e. Hello! Hindi naman 'yon related sa work. Maa-out of place lang ako doon. Wala rin akong kakilalang kaibigan niya. Si Grey lang na noong una ay wala pang balak si Dale na ipakilala ako. Mukhang napilitan lang nang si Grey na ang nagtanong ng kung sino ako at anong pangalan ko.

Sumabay nga pala ako kanina sa kanya, kaya ngayon balak kong takasan siya, kailangan kong mah-commute. Hassle! Sila grandma kasi, e pinilit pa akong sumabay sa kotse niya kaninang umaga. Rush hour na, paniguradong para na namang parking ang Edsa.

For sure, kapag nalaman ng grandparents niya na hindi kami sabay umuwi, mapapagalitan siya. Buti nga. Makakaganti na rin ako kahit papaano.

Nag-abang ako ng taxi sa tapat ng building at sa kasamaang palad walang dumadaaan na walang lamang pasahero. Nag-book na lang tuloy ako ng grab. May isa nang nag-accept kaya hinihintay ko na ngayon dito. Minomonitor ko ang daan niya nang biglang magcancel kasabay nang pag-shut down ng phone ko.

Ang malas! Lowbat ako at naiwan ko ang powerbank ko sa table. Ayaw ko namang bumalik kasi baka makita ako ni Dale. Magagalit 'yon panigurado kasi hindi ako nagpaalam na naman.

"Manong, wala ho bang tumitigil na taxi dito kahit isa?" Hindi ko na matiis na tanungin ang security guard dito sa may entrance ng building.

"Pasensya na Ma'am, bibihira lang po talagang may dumaang taxi dito. Kapag may binaba lang po. Mabuti pa ho na mag-book na lang kayo," suggestion ni Manong.

Tumango na lang ako. "Sige ho salamat!."

Wala talaga akong choice kung hindi humiling na may dumaang taxi kahit maliit ang chance. Ilang minuto pa akong tumayo at nag-antay. Tinext ko din si Georgie baka pwede akong sumabay kaya lang nag over time raw siya.

Medyo lumapit na ako sa may kalsada at nagpalinga-linga. Tama nga si Manong, wala ngang dumadaang taxi. Puro private vehicles lang ang nakikita ko.

Five minutes na lang ang ginawa kong palugit sa sarili ko. Kapag walang taxi, no choice kung hindi hintayin si Dale. Shit. Sira 'yong plano ko. Baka pagtawanan lang ako ng malanding lalaking 'yon.

May kotse na tumigil sa harap ko kaya umatras ako ng kaunti at iniba ko ang direksyon ng tingin ko.

"Iana!" Bumukas ang bintana ng sasakyan at namataan kong sumungaw ang mukha ni Knight.

Agad akong ngumiti. Ewan ko, automatic na nga atang ngumingiti ang labi ko kapag nakikita ko siya. Nakakahawa kasi 'yong smile niya parang wala siyang problema kung makangiti. Hindi kaya tama si Georgie at model siya ng toothpaste? Pwedeng-pwede siya, pantay ang ngipin niya at mapuputi rin. Dagdag pa ang lumalabas niyang dimple kapag naka-smile siya.

The PlayBoss and his SecreTaray (Arranged Series #1)Where stories live. Discover now