Kabanata 16

11.1K 166 6
                                    

Kabanata 16

Iana's

"Oh, nasaan na 'yong pink na bag? Don't tell me nakalimutan mo?" sabi ko kay Dale.

I rolled my eyes. Nakakainis naman. Ang bagal-bagal niyang kumilos, e mag-uumaga na. Anong oras kami makakarating doon? Tsk.

"Ito lang ang nakita ko e, nasa kama mo. Nasaan ba nakalagay 'yong isa pa? Dapat kasi pinagsama mo na para madali kong nakita," pagrarason niya pa.

Tulog pa si baby Ara sa balikat ko. Mag-aala sais palang nang umaga ngayon. Maganda sana na maakaalis na kami ngayon dahil apat na oras rin ang byahe. Tumatagal pa dahil hindi makita ni Dale 'yong bag ni baby.

"Ako na nga ang kukuha!"

Iniabot ko si baby kay Dale, dahan-dahan kong inilipat sa balikat niya para hindi ito magising.

Halos lahat nang dadalhin namin ay nasa likod na ng sasakyan. 'Yong bag ni baby na laman ang mga damit niya ay nasa kotse na. 'Yong baby's bag na laman naman ang gatas at diapers na lang ang kulang.

Pagkatapos kong makuha ay dumiretso na kami sa sasakyan. Van ang dala namin.

Naunang pumasok si Dale hawak si baby. Sumunod naman ako. Tumabi ako sa kanya. Nasa lap ko nakapatong ang baby's bag.

Tiningnan ako ni Dale at nginuso si baby. Balak niya atang ibigay na sa 'kin. Umiling naman ako.

"Ikaw muna magbuhat sa kanya. I need a good sleep. Wala akong maayos na tulog kagabi. Si baby kasi umiiyak magdamag," ani ko.

"Bakit kasi kinuha mo itong baby, hindi mo naman pala kayang alagaan."

Kumunot ang noo ko. "Eh kung ayaw mong alagaan sabihin mo lang. Akin na nga!" Iniabot ko ang kamay ko pero binaba niya naman.

"Hay! Kailan ba ako nanalo pagdating sa 'yo. Fine! Matulog ka na. Ako nang bahala sa baby. Tulog naman na siya."

Hinayaan ko na nga siya at natulog na ako.

Nagising ako sa iyak ng baby. Naalimpungatan ako nang sumalubong ang sinag ng araw sa mata ko.

Naabutan kong tinatahan ni Dale ang umiiyak na bata. Binalingan ko muna ang relo bago kinuha si baby. Alas nuwebe na nang umaga. Isang oras pa bago kami makarating sa Batangas.

"Oh, bakit ito umiiyak? Napainom mo na ba ng gatas?"

"Yeah. Nakadalawang gatas siya kanina habang tulog ka. Bigla na lang siyang umiyak eh hindi ko alam kung bakit?" Inosenteng saad ni Dale.

Napasinghot ako na parang may naamoy akong kakaiba.

"What's that smell?" I said.

"Anong amoy?" tanong ni Dale.

Naamoy ko ito sa harapan ko. Nang sinilip ko ang diaper ni baby ay napagtanto ko na kung bakit siya umiiyak.

"Ano hindi mo siya pinalitan ng diaper?"

"Why? Did she poop?" clueless na niyang tanong.

"Wala ka bang pang-amoy or what?" Inis kong baling sa kanya. Napakamot naman siya ng ulo.

"Tss. Bakit mo ba ako sinisisi? Hindi ko naman alam. May sipon din ako kaya hindi ko naamoy."

Iniabot ko muna si baby para kumuha ako ng bagong diaper at pampalit niya.

Malugod naman na kinuha ni Dale ang bata. Nagtataka kung paano magpalit ng diaper.

Pinahiga ko si baby sa upuan. Umusog naman si Dale para bigyan ng espasyo ang bata. Tinanggal ko ang dikit ng diaper. Napabaling ang tingin ni Dale sa bintana nang matanggal ko ang diaper. Tss. Ang arte!

The PlayBoss and his SecreTaray (Arranged Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon