Kabanata 56

8.4K 129 22
                                    

Kabanata 56

Iana's

Magdamag akong umiyak kaya kinabukasan hindi na ako nagulat nang makita ang namamaga kong mata. Naghihilamos ako nang bumalik na naman sa alaala ko ang nangyari kagabi. Malinaw na malinaw ang salitang narinig ko mula sa bibig ni Dale. Talagang gusto niyang kunin ang anak ko sa akin.

Bumalik ako sa kama at tinanaw si Din-Din na mahimbing pa rin na natutulog. Tinabihan ko siya at marahang hinagkan. Nakatulog ako sa posisyon na 'yon at nagising na lang sa malambing na tawag ng anak ko.

"Mommy, wake up..." Bumangon ako at niyakap siya nang mahigpit.

"Mommy?" tanong niya habang yakap ko siya. Nagtataka marahil sa kinilos ko.

"Good morning, baby," marahan kong saad pagkalipas ng ilang minuto. "Are you starving?" dagdag ko pa.

Mabilis itong tumango. "Yes, po, mmy..."

Nag-ayos ako sa banyo tapos nilinisan ko rin si Din-Din bago kami sabay na bumaba. Hinayaan ko siyang manood ng TV sa sala habang ako ay naghahanda ng almusal. Pagpatay ng stove ay inilabas ko na rin ang kaunting basura sa kusina. Hindi naman schedule nang pagkuha ng basura at dinahilan ko lang talaga 'yon para silipin kung nasa kabilang kwarto pa si Dale.

Nang makita kong naka-lock ang pinto ay agad na rin akong pumasok sa loob. Hindi nga siya nag-stay kagabi. Hindi ko maiwasang isipin kung nag-hotel ba siya o bumalik ng Manila. Hindi makatakas ang kaba ko dahil dis oras na kagabi at hindi rin naging maayos ang naging pag-uusap namin. Sana lang ay maayos siyang nakauwi kahit ganon.

Tutok na tutok pa rin sa TV ang mata ni Din-Din nang tawagin ko ito.

"Anak, let's eat..." Nilingon naman kaagad ako nito bago tumayo at in-off ang TV gamit ang remote.

"Gutom na po ako, mommy." Natawa naman ako dito na hinawakan niya pa ang tiyan niya. Sakto na sana ang gising ko kanina kung hindi lang ako bumalik sa pagtulog. Alas diyes na at ngayon palang kami mag-aalmusal. Talagang gutom na si Din-Din kasi alas siyete ang normal naming breakfast.

Inayos ko ang pagkakaupo niya at sinandukan siya ng pagkain. Pabalik-balik ang tingin ko sa kanya habang sumusubo. Hindi ko maiwasang pansinin ang kilos niya. Parang kahapon lang nang sinusubuan ko siyang kumain, ngayon ay marunong na siyang mag-isa.

"Mommy, bakit po?" Nakangiti niyang tanong sa akin.

"Wala anak, huwag mong pansinin si mommy, ah." Tumayo ako at kinuha ang baso niya. "Water pa, anak..." Sinalinan ko siya ng tubig bago bumalik ulit sa pagkain.

Hindi ako mapalagay kahit natapos na kaming kumain. Bumalik si Din-Din sa panonood niya habang nagliligpit ako ng pinagkainan. Isang linggo naman ang binigay na palugit ni Dale pero hindi na ako makapaghintay ngayon. Alam kong napapansin ni Din-Din ang mga titig ko sa kanya at nakailang tanong na rin siya sa akin kung bakit daw ako nakatingin.

Nagpunas ako ng kamay at huminga ng maraming beses bago ko siya nilapitan sa sala. Nang nakita ako ay ngumiti agad siya sa akin. "Hi, mommy, you done?"

Tumango ako at tumabi sa kanya. "Yes, anak..." Humarap ako sa TV at nakitang tapos na ang episode ng pinapanood niyang cartoons.

"Anak, baby..."

"Yes po, mommy?" Titig na titig sa akin si Din-Din. Hindi ko maiwasang maalala ang mga titig ni Dale sa akin kagabi. Nagkaiba lang kasi maaliwalas ang mukha ng anak ko habang ang ama niya ay galit ang nakikita ko.

"Can I turn off your TV? May sasabihin sa 'yo si mommy..."

"Hm... It's okay po..." Umalis siya sa pagkakaupo at siya na mismo ang tumayo para i-off ito.

The PlayBoss and his SecreTaray (Arranged Series #1)Where stories live. Discover now