Kabanata 49

8.4K 123 13
                                    

Kabanata 49

Dale's

Hindi ko nagustuhan ang naabutan kong pagyayakapan ni Mr. Angeles at ni Iana. Muntik ko nang sugurin ang dalawa. Buti na lang at naalala ko ang pakay ko dito at ang kalagayan ni Iana. Hindi ako pwedeng magpadalos-dalos dahil unang-una hindi niya ako kilala. Hindi niya alam ang nakaraan naming dalawa. Ito ang nagpakalma sa akin.

Walang kakaiba sa kilos niya na tila normal lang ang eksenang naabutan ko. Hindi nga kaya may relasyon talaga silang dalawa gaya ng sinabi ni Yul? Bakit naman magkakaroon ng haka-haka ang mga tao dito kung walang malisyang namamagitan sa kanilang dalawa. Hindi ko maiwasang hindi umusbong ang galit ko sa sitwasyon ngayon.

"Mr. Perdigon, this is the draft contract. You can check it first and then, if you have any question, don't hesitate to ask me."

Kinuha ko ang iniaabot sa aking dokumento ni Mr. Angeles. Ini-scan ko lang 'yon at hindi naman talaga binasa. Ipapadala ko naman ito kay Grey kaya hindi ko naman talaga kailangan tingnan. Nakausap ko na rin ito kagabi at sinabi ang ilang detalye kung bakit ako narito. Alam naman ng mga kaibigan ko na desperado na ako sa paghahanap kay Iana kaya suportado nila ako ano man ang gawin kong hakbang. Ayon kay Grey, nagpasalamat pa si Chikkie nang ako na ang naghanap ng supplier para sa kanila.

"Drop the formality, you can call me Dale. Leon?" saad ko nang nakangisi.

Nabigla ito pero nakabawi naman kaagad.

"Kung 'yan ang gusto mo Mr. P- este Dale... Kumusta pala ang kontrata?"

"I'm fine with all the terms, Leon. Can you give me a soft copy of this agreement thru email so I can forward to my friend, Greyson. Although, I already talk to him about this matter, at least I want him to see the draft contract."

"No worries, Dale."

"No. Thank you for your time, Leon." Nakipagkamay ako sa kanya kasabay nang pagbukas ng pinto. Sabay kaming napalingon dito.

"Daddy!" isang batang babae ang pumasok at agad dumiretso kay Leon.

"Hi, baby, you're early..." Binuhat ni Leon ang bata at ngayon ko lang napagmasdan ang mukha nito.

Nagtagpo ang tingin namin at parang namumukhaan ko itong batang babae. Tinuro ako nito tapos ngumiti.

"Daddy, he's the guy in the hospital," maliit na saad nito kay Leon.

Napakurap ako nang maalala ito nga ang batang nabunggo ko sa hospital noong nakaraang linggo. What a coincidence. Hindi ko inasahan na makikita ko ulit ang batang ito at dito pa talaga.

"You know him, baby?"

"Yes. He's the stranger." Napangiti ako sa naging sagot nito.

Mukhang walang alam si Leon sa nangyari kaya ako na ang sumagot. "Ah, nakita ko siya sa hospital last last week. Nasa Manila kayo?"

Naliwanagan naman siya bago tumango. "Yeah... 'yong dad ko sinugod sa hospital. Uh. Nandoon ka rin pala nang araw na 'yon M-- este Dale. Hindi tayo nagkita. Probably, kahit nagkasalubong naman tayo e hindi mo ako makikilala." He chuckled.

Kuryusong tumingin lang sa akin ang bata. Ngayon lang nag-sink in sa akin ang pagtawag niya kay Leon na daddy. Anak niya ba ito? Paano nangyari 'yon?

"She's your child, Leon? I didn't know that you have a family." Mukhang hindi siya naging komportable sa naging tanong ko kaya mabilis akong bumaling sa bata. "May I know your name little girl? I know your daddy so basically, I'm not a stranger anymore..." Nag-isip ito nang ilang sandali na nakahawak pa ang kamay sa pisngi na ikinatuwa ko.

The PlayBoss and his SecreTaray (Arranged Series #1)Место, где живут истории. Откройте их для себя