Kabanata 50

9.3K 126 15
                                    

Kabanata 50

Iana's

Isang buwan ang matulin na lumipas. Wala namang kakaibang nangyari sa bawat araw na nagdaan. Nagtatrabaho pa rin ako sa kompanya ni Leon at sa hapon ay umuuwi pa rin sa apartment. Isang linggo lang halos ang itinagal doon ni Dale. Hindi ko talaga inasahan na siya ang bubungad sa akin noong araw na 'yon. Hindi ko alam kung anong plano niya pero ang malamang doon siya titira ay nagbigay nang kakaibang kaba sa akin. Akala ko nga kokomprontahin niya na ako tungkol sa nakaraan ko pero hindi ito nangyari.

Hindi manlang nag-krus ang landas namin kahit nasa iisang lugar lang naman kami. Tuwing umuuwi ako ay bukas pa naman ang ilaw ng bahay niya at nasa labas pa rin ang kotse niya. Sa umaga naman ay hindi rin kami nagtatagpo. Hindi na rin kami nagkaroon ng chance na magkita sa opisina dahil sinabi ni Leon na si Ms. Christianna Kawpeng na raw ang nakakausap niya. Noong araw na lumipat siya sa apartment ang siyang araw rin na huli ko siyang nakita. Halos isang linggo lang talaga siya.

"Mommy!" sigaw ni Din-Din nang makauwi ako. Niyakap ko siya at hinalikan sa pisngi.

"Hi, anak, how's your school? Nag-behave ka ba ngayon? Baka pinahirapan mo si Ate Mina, ah." Umiling lang ito at ngumiti sa akin bago nagtatakbo papasok sa loob. Binati ko naman si Ate Mina na nakaupo sa mahabang upuan sa may labas ng pinto.

"Hello po, ate, kumusta po si Din-Din? At kanino po pala ang mga pagkain na 'to? May birthday po ba?" Tumabi ako kay Ate Mina at tiningnan ang isang lamesang nasa daanan na puno ng pagkain.

"Maaga pinauwi si Din-Din ngayon Elaine kaya buong hapon halos naglaro." Tumayo si ate at kumuha ng pagkain. "Tapos eto, pakain ng kapitbahay. Ala ano bang gusto mo dito? Pumili ka na."

Kunot-noo akong tumayo at tiningnan ang pagkain. May spaghetti, cake, lumpia, chicken at marami pang iba. Anong okasyon naman kaya?

"Ate, kanino po galing ito?" Kumuha ako ng kaunting spag at cake.

"'Yong poging kapitbahay natin, Dale raw ang pangalan. Kilala mo naman siguro siya 'di ba?" Halos mabitawan ko ang plato sa sinagot ni Ate Mina.

"Po? Nandito siya?" Dumako ang tingin ko sa pinto. Naka-lock naman ito. At isa pa wala namang kotse na naka-park sa labas. Paanong nandito si Dale?

Mabuti at hindi naman pinansin ni Ate Mina ang naging reaksyon ko. "Oo, nandito kanina kaya lang umalis kaagad. Nakipagkwentuhan pa nga kina Aling Saling. Hindi lang 'yon, mukhang tuwang-tuwa pa sa pagiging bibo ni Din-Din kaya nagbigay rin ito ng regalo."

"Ano po?" Hindi makapaniwala kong saad. So, ngayon alam na niya na may anak ako? Na anak ko si Din-Din?

Bumaling sa akin si Ate Mina. "Oh, bakit gulat na gulat ka naman diyan? Mukhang mabait naman 'yong bago umuupa tapos gwapings pa. Nakikipagtawanan pa nga sa amin kanina. Itong pagkain daw ay dapat noong unang linggo niya pa rito kaya lang may inasikaso sa Maynila kaya ngayon lang nakabalik."

"Ah... gano'n daw po ba..." Naalala ko ang nalaman ko sa Ospital. Hindi kaya dahil kay Lola Olivia kaya mahigit isang buwan siyang nawala. Ipinagdasal ko na sa okay naman ang matanda.

"Oh, nag-meryenda ka na ba? Bakit hindi mo pa ginagalaw ang pagkain mo?" Napatingin ako sa kinuha ko saka unti-unting sumubo.

"Ikaw ba ay kukuha pa Elaine? Halos hindi mo na maubos 'yang e kokonti lang naman ang kinuha mo."

"Hindi na po Ate Mina. Ayos na po ito."

"Sabi mo ah... Ililigpit ko na 'to. Ang iba ay ipapamigay ko diyan sa mga bata sa labas at bibigyan ko rin si Linda. Balita ko ay ito ang nag-recruit dito sa apartment kay pogi." Ibinalot na niya ang pagkain bago bumaling ulit sa akin.

The PlayBoss and his SecreTaray (Arranged Series #1)Where stories live. Discover now