Kabanata 62

2.8K 68 11
                                    

Kabanata 62

Iana's

It still feels surreal. Hindi ko alam na posible palang maging maayos kami ni Dale sa loob lamang ng ilang buwan. Malayong-malayo na ang sitwasyon namin ngayon kumpara noong unang araw na tumira kami kasama niya.

May mga pagkakataon pa rin naman na naiilang kami ni Dale dahil siyempre matagal din naman kaming nagkalayo. May mga bagay na nagbago talaga nang hindi na namin namamalayan. Ang mahalaga ngayon ay willing kaming mas kilalanin muli ang isa't isa.

"Mommy, are we gonna sleep with Papa again?" Napangiti ako sa tanong ni Din-Din.

Gabi-gabi na lang niyang tinatanong ito sa akin. Magmula nang magkaayos kami ng Papa niya ay lagi na itong nakikitulog sa kama namin. Dahil medyo maliit 'yon para sa aming tatlo, napagdesisyunan na doon na kami sa kwarto ni Dale matutulog.

"You want to?" Tinitimbang niya ang mukha ko bago siya ngumuso.

Pinagpatuloy ko ang pag-aayos ng damit dito sa couch ng kwarto namin. Nakaupo si Din-Din sa kama at nanonood sa ginagawa ko.

"Only if you want, mommy."

"Halika nga dito..." Inaya ko siyang lumapit sa akin dito sa may couch.

Bumaba siya sa kama. Suot niya ang kulay pink na pantulog na may print na barbie. Terno kaming dalawa ngayon. Dito na kami sa kwarto namin nag-ayos bago sana pumunta sa room ni Dale. Medyo natatagalan lang kasi hindi pa ako tapos magtiklop ng mga damit na nilabhan.

Itinabi ko ang mga damit at iginaya ko siyang paupo sa pagitan ng hita ko. Marahan kong sinuklay ang buhok niya gamit ang aking kamay.

Sa pananahimik niya ay alam kong may gusto siyang sabihin.

"Anak, always remember that you can tell mommy everything, okay? 'Di ba, we promise to each other na no more secrets between us?" paalala ko.

"Yes po," mahina niyang sagot.

"Do you have something to say?" Naghari sa amin ang katahimikan. Akala ko 'di na siya magsasalita pa.

"Mommy, can we stay like this? You, Papa and me in one house like a family?" Hindi ko inasahan na ito ang lalabas sa bibig niya.

Bata man si Din-Din pero alam kong sa mura niyang isip alam niyang hindi pangkaraniwan ang sitwasyon namin noon. Minsan nang nabanggit ng teacher niya sa school na nagtatanong ang bata kung bakit hindi kami magkakasama ni Leon sa iisang bahay. Ang picture niya ng isang pamilya ay kapag magkakasama ang magulang at anak.

"We are family, baby. Kahit naman noon 'di ba? Kahit ikaw lang ang meron ako, pamilya pa rin tayo," paliwanag ko sa kanya.

"Pero wala akong Papa? Only Daddy Leon but daddy has Zion now. I only have Papa. Please don't make him leave us again. He will be alone and he will be sad." Inilagay ko ang ilang takas niyang buhok sa kanyang tainga.

"We won't leave him, okay? We'll stay in this house or wherever your Papa is. Do you love him? Because I love your Papa. I love the both of you." Nanlalaki ang mata ni Din-Din na bumaba at humarap sa akin.

"Really, you love my papa?" Nakangiti akong tumango sa kanya.

"Yehey!" Tumalon pa siya sa harap ko bago nagpabuhat sa akin. "Thank you, mommy. You also love my Papa just like I do. Does it mean we won't leave him alone?" Tumango akong muli habang nakayakap pa rin siya sa akin.

"That's not gonna happen. Not anymore. This time, we will stay."

"Does it also mean na you two will get married? And I will be the flower girl?"

The PlayBoss and his SecreTaray (Arranged Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon