Kabanata 14

11.7K 158 3
                                    

Kabanata 14

Dale's

"Manang, paabot pa nga po ng isang bote ng whiskey."

Nandito ako sa mini bar ng mansion. Hindi ko mapigilang hindi magpakalasing. Ito lang ang paraan ko para kalimutan ang eksena kanina. Ang hirap niya talagang intindihin! Kapag tinatanong, hindi sumasagot ng maayos. Kapag kinakausap, puro pabalang ang sinasabi.

I sighed.

Inilapag ni Manang ang hinihingi ko. "Lenard, hindi nakakawala ang alak ng problema. Nakakalimot lang 'yan. Ang mas mabuti pang gawin mo ay pag-usapan niyo ni Iana ang hindi niyo pagkakaunawaan. Mas mabuting solusyon 'yon, hindi 'yong nagpapakalango ka sa alak," pangaral ni Manang bago umalis sa harapan ko.

Napailing ako. Hindi ito malulutas ng pag-uusap. Never naman kaming nagkaroon nang maayos na usapan, lahat nauuwi sa away.

Hindi ko na nabilang kung nakailang bote na ako ng alak. Pinagpasyahan ko nang umakyat sa kwarto. Medyo may tama na ako ng alak kaya pagewang-gewang na rin akong umakyat sa hagdan. Nakapikit na rin ako habang pinipihit ang doorknob. Nang successful ko itong nabuksan ay dali-dali akong humiga sa kama. Ang amoy ng kama na hindi ko madalas na naamoy ang humila sa 'kin sa pagtulog.

Iana's

Nakatapis akong lumabas ng bathroom at ikinagulat ko nang may makitang lalaking nakadapa sa kama ko.

Dahan-dahan akong naglakad at nakumpirma kung sino ito. Walang iba kundi si Dale Perdigon. Anong ginagawa ng lalaking ito dito sa kwarto ko? Amoy alak pa siya. Kainis naman.

Nagbihis muna ako bago ko binalak na paalisin si Dale sa kwarto. Pagbalik ko ay ganun pa rin ang ayos nito. Mukhang mahihirapan ata akong palayasin siya sa kama ko. Hindi ko naman siya kayang buhatin.

Tinulak ko siya at tinapik-tapik ang pisngi. "Dale! Dale! Tumayo ka na diyan. Hoy! Nagkamali ka ng kwartong pinasok. This is my room."

Hindi talaga siya magising. Sinubukan ko ulit. "Hoy! Wake up, Dale. Kapag hindi ka tumayo diyan, itutulak kita!" Pananakot ko pa, umaasang naririnig niya ako.

Para na akong tanga na kinakausap ang isang tulog na lasing. Ano bang gagawin ko dito. Sa isang malakas na tulak ay nahulog si Dale sa kama ko. Sinilip ko siya at wala naman siyang naging reaksyon. Tulog pa rin ito.

Napakamot ako sa ulo at hindi malaman ang gagawin. Kung tatawagin ko naman ang mga katulong, tiyak magagambala ko ang tulog ng mga ito. Pasado ala una na rin kasi ng madaling araw. No choice!

Sinubukan kong hilahin si Dale paakyat muli ng kama. Nagbilang pa ako ng tatlo at buong lakas kong naipatong ang kalahati ng katawan niya.

Inisa-isa ko naman ang pagbuhat ng mga paa niya hanggang sa maisampa ko na siya nang maayos. Nakahinga ako nang maluwag matapos ang ginawang pagbubuhat.

Ang bigat naman ng mokong na 'to. Kakaligo ko lang pero pinagpawisan na naman ang katawan ko.

Hindi ko napigilang hindi pagmasdan ang katawan niya. Hindi sobrang laki ng katawan niya pero base sa pagbuhat, firm na firm ang muscles ng mokong. May katangkaran din ito. Maputi at may makakapal ng kilay. Natawa naman ako na mukhang anghel pala siya kapag natutulog. Hindi bagay sa attitude niya kapag gising siya. Lagi kasing magkasalubong ang kilay niya at parang laging galit. Nagiging playful lang ang mukha nito kapag may kalandiang babae.

Dahil sa curiousity ay hindi ko napigilan ang sarili kong lapitan ang mukha niya. Hindi ko kasi masyadong nakikita ang mukha niya nang malapitan kapag nagkakausap kami. Hindi ko siya matingnan ng diretso. Masyado kasing malalim kung tumingin si Dale Perdigon at may pagkakataong iisipin mong madadala ka sa lalim at hindi ka na muling makakaahon pa. Kaya't hanggang maaari ay iniiwas ko ang mata ko sa kanya kapag nagkakatinginan kami. Mabuti na 'yong sigurado.

The PlayBoss and his SecreTaray (Arranged Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon