Kabanata 64

2.3K 46 4
                                    

Kabanata 64

Iana's

Magkahawak kamay kami ni Dale nang makababa kami sa mansion nina grandma. Mula sa flight ay mabibilang ko sa daliri ko kung ilang beses niya lang binitawan ang kamay ko. He's that clingy!

"Din-Din!" pagtawag ko nang makitang busy na busy ang anak ko sa paglalaro sa playhouse sa may veranda ng mansion.

Napalingon rin si Ate Sally hindi kalayuan na nagpupunas ng ilang figurines na display sa may estante nang marinig ang boses ko. Sina grandma at grandpa naman ay sabay na lumabas sa kitchen.

"Mommy! Papa!" tuwang-tuwa sabi nito nang makita kami.

Hinalikan ko siya sa pisngi habang nagpabuhat naman ito sa Papa niya.

"Oh, hija, hijo! Nandito na pala kayo. Sakto dahil nag-aayos na kami sa dining for lunch." Nakangiti salubong ni grandma na agad dumako ang tingin sa kamay ko.

Kumislap ang mata niya at napapalakpak pa. Binulungan nito si grandpa kaya napatingin rin ito sa kamay ko na pasimple kong ibinaba para maitago ang singsing. Ngumisi ang matanda.

"Oh, may dapat ba kayong i-aannounce perhaps?" sabi ulit ni grandma.

Nagkatinginan kami at sabay na ngumiti. Hindi na pinatagal ni Dale at in-announce kaagad ang nangyari.

"We're getting married!" masiglang saad ni Dale. Itinaas niya pa ang magkahawak naming kamay para ipakita ang sing-sing.

Napalabas din si Ate Lina at halos silang lahat ay masaya para sa amin.

"Wow! Happy family ka na talaga bebe!" Si Ate Lina kay Din-Din na kunot ang noo ngayon.

Sunod-sunod na nag-congrats sina grandma at grandpa. Niyakap kami ng dalawang matanda. Napaluha pa si grandma sa sobrang tuwa. Ito na lang daw ang inaantay niya at pwede na siyang magpahinga na sinaway naman namin lalo na si grandpa at Dale.

"Grandma, huwag ka naman pong magsalita ng ganyan."

"Pasensiya ka na, Dale, hijo. Masayang-masaya lang talaga ako para sa inyo. Sa wakas, matutuloy na ang kasal niyo after how many years." Hinagkan kong muli si grandma. Hinawakan niya ang daliri ko at tiningnan ang sing-sing.

"Bagay na bagay sa 'yo, hija. Congratulations!"

Si grandpa naman ang hinagkan ko. Maluluha rin ito habang nakatingin sa amin.

"Congratulations, Iana and Lenard! We're really glad that you found each other again. This time, we will be your supportive grandparents. You can always count on us if you have problems."

"Thank you po, grandma and grandpa," malugod kong saad.

Si Ate Sally ay malawak rin ang ngiti nang batiin kami. Tanging si Din-Din lang ang halos hindi nakuha kung ano ang nangyayari. Buhat siya ni Dale at tinanong pa ang ama.

"Papa, you'll marry my mommy?"

"Yes, baby," mabilis na sagot naman ni Dale.

Hindi namin inasahan ang sumunod na nangyari. Nagusot ang mukha ni Din-Din at pasubsob na umiyak sa balikat ni Dale.

"Why are you crying, Din-Din? Hindi ba nag-usap na tayo before? Ayaw mo ba na pakasalan ko ang mommy mo?" sunod-sunod na marahang alo ni Dale sa anak.

Hinagod ko naman ang likod nito. "What's wrong anak?"

"I'm super happy, Papa. Thank you!" sagot nito sa gitna ng hikbi.

Nagkatinginan kami ni Dale at sabay nakahinga ng maluwag. Akala ko pa naman nagbago na ang isip ng anak namin at ito na ang tututol ngayon. Natatawang niyakap ko ang mag-ama ko.

The PlayBoss and his SecreTaray (Arranged Series #1)Where stories live. Discover now