Kabanata 1

22.1K 305 6
                                    

Kabanata 1

Iana's

"Oh, Iana! Ang aga-aga nakabangayan mo na naman si Boss Dale, 'no? Ano bang lakas ng loob ang meron kang babae ka at kung sumagot-sagot ka kay Sir. Hindi ka ba natatakot na masisante?" sabi ni Georgie na may pag pilantik pa ng daliri niya.

I rolled my eyes. Here we go again... As usual, iintrigahin na naman niya ako for non-sense matters. Eh, ano naman kung sagutin ko ang boss nila? It's my freedom to speak and I'm just exercising it.

Walang buhay ko siyang tiningnan. "So what? As if hindi ka pa sanay," sagot ko na lang.

Ayaw ko nang mag-explain. Sanay naman na si Georgie sa akin. Ilang beses niya na akong naabutang nakikipagsagutan kay Dale. Ewan ko nga dito kung bakit madalas pa rin niya akong sawayin.

Umirap naman ang baklang ito bago umupo sa upuan sa harapan ko. Nandito ako sa sarili kong table sa labas lang ng office ni Mr. Perdigon. May glassdoor ang office namin. Pagpasok na pagpasok ng bisita ay table ko ang makikita. Sa gilid ko naman ang pinto ng office ng President.

"Alam mo nagtataka nga ako kung bakit SecreTARAY ang bansag sa 'yo ng mga officemates natin, e. Hindi ka naman kasi mataray. Wala kang pake sa lahat! 'Yon ang mas bagay na bansag sa 'yo. Miss walang pake! Bakla ka talaga! Kapag ikaw natanggal sa kompanya na'to naku! Sinasabi ko sa 'yo. Saan ka kaya pupulutin!?" Nakapanghalumbaba na ngayon si Georgie o George Quijano sa harapan ko.

Halatang-halata na ang pagiging bakla niya. Mapagpanggap kasi itong bakla na ito. Sa ayos at postura, hindi mo iisiping bakla siya. May itsura kasi siya at katawan na parang pang-modelo. Marami ngang nagkakagusto sa kanya dito sa office, e. Madalas niyang kinekwento ang pandidiri niya sa mga ito.

"Unang-una meron naman akong savings. Pangalawa, hindi ko nga alam kung bakit pa ako nandito sa kompanya na ito, e. Napakaraming mas magandang opportunity sa ibang company 'di ba na mas better sa pamamalakad ng PlayBOSS natin," sabi ko habang nagtitipa ng report sa computer.

Playboss, 'yan ang code name ko kay Dale kapag si Georgie ang kausap ko. Well, bagay na bagay naman sa kanya. Sa ilang beses ko ba namang makitang may kalampungan sa office niya, e. Napakalandi! Hindi manlang marunong i-separate ang work sa personal na buhay.

"Ay grabe siya! Kahit naman may pagkamalandi ang ating bossing, hindi mo naman maitatanggi na napaka-successful ng ating company pati benefits winner na winner! Tapos ikaw, maghahanap ka pa ng ibang company?" Umismid lang ako sa sinabi niya.

Totoo naman ang sinabi ni Georgie. Maganda ang benefits sa company ni Dale Perdigon. Isa rin ito sa tinitingalang company sa Pilipinas. Pero kung mukha niya naman ang laging tatambad sa pagmumukha ko mula sa bahay hanggang sa opisina, e naku 'wag na lang. Mas magandang lumipat na lang ako ng ibang company para gumanda-ganda naman ang araw ko.

"Basta, kapag nagkaroon ako ng way na makaalis dito... Aalis ako Georgie at wala ni isang makakaalam no'n kahit ikaw," saad ko.

Matagal ko na rin naman iniisip na nasasayang lang ang oras ko dito sa Pilipinas. 'Yong dahilan ng pagpunta ko dito, e hindi ko pa rin nakikita hanggang ngayon. Malapit na akong sumuko sa paghahanap sa kanya.

"Ikaw talaga, hindi ka talaga friendly, ako na nga lang ang nag-iisang nakakausap mo dito sa opisina, e hindi ka manlang magpapaalam sa 'kin kung aalis ka man. Nakakatampo ka ah!"

"Syempre joke lang!" Biglang bawi ko.

Kahit sa isip-isip ko ay final na ang desisyon ko. Nagi-guilty nga ako na hindi ko masabi kay Georgie ang sikretong tinatago ko. Siya lang kasi ang naging ka-vibes ko sa opisina, marami kasing chismosa dito sa kompanya. Mahirap nang magtiwala sa panahon ngayon. Hindi mo alam, mamaya may sasaksak na sa 'yo patalikod nang hindi mo nalalaman.

The PlayBoss and his SecreTaray (Arranged Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon