Pagkatapos naming kumain ay sinabi ko sa kanyang ako nalang ang maghuhugas ng pinagkain namin pero hindi siya pumayag. Nang pilitin ko siya ay wala na siyang nagawa kundi payagan akong gawin ito. Hindi siya umalis sa tabi ko habang nag huhugas ako ng pinggan. Sabi niya, dito lang daw siya kaya hinayaan ko na lamang. Siya ang taga punas ng pinggan at nag lalagay sa cabinet.

“Bakit parang nag iba ang trato mo sa akin kanina and I feel that you are avoiding me.” Tanong nito na nag pairita sa akin dahil bumalik na naman sa alaala ko ang nangyari kahapon.

“Tanungin mo ang sarili mo.” Masungit kong sabi sa kanya at dahil tapos naman akong hugasan ang pinagkainan namin ay umalis na ako sa kusina.

“Sariah!” narinig kong tawag nito sa akin pero hindi ko siya pinansin. Nang nasa sala na ako ay napatigil ako ng maabutan niya ako at hinawakan ang aking braso.

“I’m sorry, tungkol ba ito kahapon? Sorry, may emergency lang—” humarap ako sa kanya at matalim ko siyang tinitigan.

“Anong emergency!? Alam mo naman pala tinatanong mo pa ako.” Galit kong sabi sa kanya at Nakita kong napatulala lamang ito sa akin. Hindi ko mapigilan ang sarili kong magalit sa kanya dahil na rin yata sa naramdaman ko kahapon. Umiwas ako ng tingin sa kanya dahil galit na galit ako sa kanya. Kung hindi siya sisipot ay sana sinabihan niya nalang ako para hindi ako nag hintay sa wala. Para akong tangang nag hihintay sa kanya kahapon.

“My friend called me that she’s here in Philippines and she needs me para samahan siya sa bahay nila since, ‘yong family niya ay nasa business trip pa.” paliwanag nito at hindi ko mapigilang masaktan.

“Ah.. kaibigan mo pala ‘yong yumakap sayo?” Sambit ko at Mabuti nalang at hindi ako nautal sa harap niya. Nagulat itong tumingin sa akin.

“Y-you s-saw i-it?” nauutal nitong tanong at umirap lamang ako.

“Oo, bukas nalang tayo mag usap, kailangan ko nang umuwi.” Walang gana kong sabi at tumalikod na ako at ready na sana akong lumabas nang yumakap sa likuran ko si grayson.

“Please.. stay here, mag usap pa tayo.” Malambing nitong sabi kaya napapikit ako dahil parang gusto ko na siyang pag bigyan.

“She’s only my friend so, don’t be jealous.” Sambit nito kaya kumalas ako sa yakap niya at humarap sa kanya.

“W-what d-did y-you s-say? You are wrong, I’m not jealous.” Sambit ko sa kanya pero ngumiti lamang ito at hindi pinansin ang sinabi ko kaya naramdaman kong uminit ang pisngi ko. Nakakahiya, halata bang nag seselos ako kahapon? Ang tanga mo talaga Sariah!

“Yes, masyado kang halata.” Natatawa nitong sabi. Mag-sasalita pa sana ako ng bigla niyang hinawakan ang bewang ko at inilapit sa kanya.

“I don’t want her to be my girlfriend because I already have a woman in my life and its you, Sariah.” Malambing nitong sabi at naramdaman kong bumilis ang tibok ng puso ko sa sinabi niya. Unti-unti akong kumalas sa yakap niya.

“N-no… nagkakamali ka lang.” sabi ko sa kanya pero umiling ito.

“I really like you Sariah.”

“Ano bang kabaliwan yan Grayson! Paano mo ako magugustuhan eh.. ilang araw palang tayong nagkakasama.” Galit kong sabi sa kanya, hindi ko alam pero hindi ko mapigilan ang sarili kong magalit dahil baka niloloko niya lang ako.

“Noon pa man ay gusto na kita Sariah!” sigaw nito na nag pagulat sa akin. Anong sinasabi niya? Wag niyang sabihing matagal na niya akong gusto katulad ng pag kagusto ko sa kanya noon.

“A-anong s-sinasabi m-mo?” nauutal kong tanong sa kanya at parang ginagapos ang puso ko sa sakit sa nararamdaman ngayon.

“Gusto na kita Sariah noon pa, simula ng makita kita sa hacienda ay na bihag mo na ang puso ko.” Sambit nito at hindi ko mapigilang mapaiyak. Nakaramdam rin ako ng saya pero hindi ko pa rin nakalimutan ang sakit na naramdaman ko noon.

“Paano mo maipapaliwanag ‘yong ginawa mo sa akin noon ha! Sinaktan mo ako!” sigaw ko sa kanya at mas lalo lamang bumuhos ang luha ko at hindi ko na ito mapigilan.

“May rason ako kung bakit ko ‘yon ginawa dahil ayokong lumalim ‘yong nararamdaman mo sa akin, bata ka pa at baka dumating ang araw na ma realize mong hindi mo pala ako gusto.” Malungkot nitong sabi at Nakita kong may dumaang sakit sa mukha nito. Napaka selfish niya!

“Napaka selfish mo! Hindi lang ikaw ang nasasaktan dito dahil nasasaktan rin ako, palagi akong umiiyak sa tuwing nakikita kitang umiiwas sa akin na parang may nakakahawa akong sakit. Ang sakit Grayson.” Umiiyak kong sabi.

“I’m sorry..”

“Pagod na ako, next time nalang tayong mag-usap.” Mahina kong sabi.

“S-sariah.. please..”

“Pagod na ako Grayson, mag-usap nalang tayo kapag ready na ako.” Sambit ko at kinuha ko na ang bag ko at lumabas na ako sa condo niya. Nag simulang bumuhos ang luha ko nang nasa loob na ako ng elevator. Ang sakit. Parang doble pa itong sakit na nararamdaman ko kaysa noon. Siguro ititigil ko na munang makipagkita sa kanya at gusto kong mag isip isip muna ngayon.

***
MsGishLin

The Possesive Man (Del Faurico Series#1) COMPLETEDWhere stories live. Discover now