Fractum 42

152 4 0
                                    

Broken 42: Dark blue

Hapon pa lang noong nakatulog ako at tanghali na nang magising ako ngayon. Wala si Xandra sa tabi ko at nakabukas pa ang dim lights kahit mataas na ang tirik ng mapanakit na araw. Napapikit ako nang umupo ako sa kama.

Ang haba ng tulog ko. Kung tutuusin, iyon ang pinakamahaba kong tulog mula noong nagsimula ako sa kolehiyo walong taon na ang nakalipas. It wasn’t the most peaceful but it’s currently the longest. Parang lahat ng puyat at gabi na ginugol ko para sa pag-aaral ay binawi ng mahaba kong tulog na iyon.

Sa banyo na ng master’s bedroom ako dumiretso. Nang matapos mag ayos, saka lang ako lumabas. Naka-pajama pa ako pero maayos naman na ang itsura ko. Nabalik na ako sa huwisyo at halos mapatalon ako nang makita kong nakaupo sa dining table namin si Clarkson at nakahalukipkip si Xandra sa napakalayong harap niya. Sabay silang napatingin sa akin.

“G-good morning,” halos tanong na sabi ko.

“Tanghali na,” sagot ni Xandra.

“Good mor-noon,” Clarkson’s natural deep voice said.

Nginisian ko lang Xandra. Lumapit ako sa kanila pero sa gitna nila ako pumunta para fair.

“Kanina ka pa rito?” tanong ko kay Clarkson nang maupo ako sa malayong tabi niya, sa gitna ng kalayuan nila ni Xandra sa isa’t-isa.

Pinanood ko ang pagtayo ni Clarkson mula sa kinauupuan niya. Hinila niya ang isang upuan sa tabi ko at nang makaupo siya roon ay mas inilapit niya pa sa akin ang upuan niya. Xandra sat on my other side.

May pagkain na sa hapag. This is Xandra’s cooking. Bahagyang may sunog na pieces kaya alam kong siya. Si Clarkson ay hindi kagandahan ang mga niluluto pero sakto naman at walang hilaw at sunog. Xandra keeps on overcooking her food that’s why I’m always the one who cooks for us the past years.

I watched Clarkson part his lips to answer my question but his words were cut halfway because of Xandra’s answer. Mapaglarong napangisi sa akin si Clarkson bago inilipat ang tingin kay Xandra.

“Paalis na ako kanina kasi may pasok ako tapos bigla siyang dumating. I skipped my work to watch his business here,” sagot ni Xandra.

I couldn’t help but laugh at that. Right! Wala si Xandra kapag narito si Clarkson kaya hindi niya alam na madalas na kaming magkasama rito. This is new for her. Napailing na lang ako kahit hindi mapigilan ang marahang pagtawa.

“She didn’t sleep on my bed. Umuwi siya sa iyo kaya pumunta ako rito para sunduin siya,” sagot ni Clarkson para sa akin.

Siniko ko si Clarkson gamit ang nakatukod kong braso sa table. Nakangiti ko siyang tinaasan ng kilay bago bumaling kay Xandra.

“I’m okay with him, J. Hindi ka na ba makakahabol sa trabaho mo?” pabaling tanong ko at sumubo ng kanin.

Umiling siya. She swallowed her food before she answered further, “Hindi na ako makakahabol doon. Baka pumunta na lang ako sa Bacolod,” sagot niya.

“Kina Jainez?” I asked.

Doon tumitigil sina Celeste at Jainez mula noong college nila. Sa bahay ng mother side family nila. Sa pagkakaalam ko, sa Mama ni Tita Georgia.

Tumango lang siya. I washed the dishes after we ate and Xandra already changed her uniform to a casual outfit. She bid goodbye to us before she went out to go to Bacolod.

“You’ll start as an intern now?” Clarkson asked.

Lumingon ako sa kaniya at napatingala ako sa tangkad niya. Nakasandal siya sa lababo sa malapit na gilid ko at nkatukod ang parehond kamay niya sa sinasandalan niyang lababo. Napangiti ako nang maalala ko ang pagtukod niya noon sa tambayan namin sa gilid ng hagdan.

The Moon in her Broken Home (Broken Series #1)Where stories live. Discover now