Fractum 10

190 4 0
                                    

Broken 10: Bantay

“Anong ginagawa mo rito?” tanong ko sa lalaking pasakay na ng motor.

Napaangat ang tingin niya sa akin. tuluyan na siyang sumakay sa motor. Binuksan niya iyon at iginilid para hindi makaharang sa kung sakaling may dadaan.

Umupo ako sa flat surface sa gilid ng hagdan. Na sa baba pa siya kaya nakatungo akong nakatingin sa kaniya. I’m not my usual fashionista self today. Nakapajama lang ako ngayon dahil dito lang naman ako sa may bahay namin.

Nakatingala siyang umakyat ng hagdan. Umupo siya sa malayong tabi ko, tila takot na madikit sa akin.

“Binabantayan ka,” sagot niya, nakatingin sa kawalan na kaharap niya.

Itinagilid ko ang ulo ko sa kaniya. Siya ba ang sinabi ni Papa na pababantayan ako? I didn’t know that they were that close for the request to guard me.

Nilingon niya ako. Madilim pero dahil na sa likod ng ulo niya ang ilaw, naliliwanagan ang buong mukha niya. I see the brightness in his expressive and soulful eyes.

“Hindi ka umiiwas ngayon,” kumento niya.

Umiwas ako ng tingin. Tumango-tango ako sa kaniya. Lumapit sa paa ko ang kuting kaya inangat ko siya at inilagay sa pagitan namin ni Clarkson.

Wala na akong magagawa kung iiwas ako ngayon. Kung siya ang pinabantay sa akin, mapapadalas ang pagpunta niya rito kasi may dahilan siya.

“Parang hangin ako dito,” saad niya.

You got that right.

“Sa iyo to?” tanong niya, tinutukoy ang kuting.

Hinaplos niya ang kuting at umangal agad ang maliit na pusa. Pinigilan ko ang sarili kong mapatawa o mapangiti man lang sa inasal ng maliit na kuting.

Hindi ko siya sinagot at kinibo. Hindi ko rin naman alam kung kami ba ang may-ari ng kuting na ito kaya hindi ko rin alam ang isasagot ko sa kaniya.

“Bahay niyo rin ba ito?” tanong niya habang nakatanaw sa bahay sa likod ko.

Wala kaming bahay dito. Ang tinutuluyan namin ni Papa ay kay Tita Marinita. Ang malaki ring bahay sa likod ko ay pagmamay-ari ng bunsong kapatid nina Papa.

Ranxo Laude is the youngest among their family line. He is married to his long time girlfriend, Aislienne Carani Laude. They have three daughters, two in their home, and one in the Heavens. Their eldest, Lucianne Abyss Laude has a twin but came dead from her mother’s womb. Her twin’s name is Lucienne Alliance Laude. Their youngest is Amity Laude, still in her first year of life, while her Ate is in her ninth.

“Doon ka natutulog, ‘di ba?” tanong niya at isineniyas ang ulo sa bintana sa kaliwa ng bahay.

Yes. But I won’t tell you that. I don’t speak my mind… especially if it’s going to be for you.

Why do you ask where I sleep, anyway? That’s another creepy thing from you, Montealegre.

“Tinanong ko lang. Para alam ko kung aling bintana at pinto ang babantayan,” saad niya, tila sagot sa tanong ko sa utak ko.

Defensive. Why does he need to know those. He can just guard the whole house. Security guard.

“Kaya kitang bantayan kahit hindi ka pinabantayan sa akin ng Papa mo. Pero dahil pinabantayan ka niya sa akin, kukunin ko na lang din ang pagkakataon,” saad pa niyang nakatingin sa akin.

Bumuntong hininga siya. Itinukod niya ang dalawa niyang kamay sa likod niya at umurong siya sa likod para makatingala siya sa dilim ng langit na napalilibutan ng libo-libong mga bituin, at isang kresentong buwan.

“Babantayan kita at poprotektahan sa kung sino mang magtatangka sa iyo,” dagdag niya pa habang nakatanaw sa madilim na langit.

Does he realize that he’s the one who almost killed me? Does he realize that he’s someone more of an offender than a protector? He’s not one to protect me. He creeps me out most of the time.

Itinaas niya ang kamay niya. Itinuro niya ang kawalan sa itaas.

“Ito ang literal na langit,” saad niya sa tinuturo niya.

Ibinaba niya ang kamay niya. Ibinalik niya sa pagkakatukod sa likod niya.

“Ito ang langit na nararamdaman ko habang katabi kita,” masidhi niyang sabi at nilingon ako.

Napakunot ang noo ko roon. He used the Heavens to describe his feeling! What the hell! Ang bastos pakinggan! O ang dumi lang ng utak ko? Pero ang dumi ring pakinggan! Paano kung tanggapin ko ang sinabi niya at may ibang ibig sabihin pala iyon?

Nilingon ko siya at tiningnan ng masama. Napaangat ang dalawang kilay niya sa akin at dahan-dahang umayos ng pagkakaupo.

“Bakit?” tanong niya.

Iniwas ko ang tingin ko sa kaniya. Binuhat ko ang kuting at inilipat sa kabilang tabi ko para matalikuran ko siya.

Narinig ko ang malalim na pagbuntong hininga niya. Sandali siyang nanahimik bago nag-ingay ulit.

“Tinalikuran naman ako,” saad niya.

Natutulog na ang kuting sa gilid ko. Hinaplos ko ang ulo niya kasi hindi ko na maabot ang panga niya. Na sa kuting ang atensyon ko, pero nakikita ko pa rin ang galaw niya sa gilid ko. He’s watching what I’m doing. Nananahimik lang siya ngayon.

Itinaas ko ang mga paa ko sa inuupuan ko para maabot ng tuhod ko ang mukha ko at maharangan ko ang paningin ko mula sa kaniya. Now, I don’t know if he’s looking at me or not. Isinandal ko ang mukha ko sa isang tuhod ko.

Narinig ko na naman ang pagbuntong hininga niya. I took that as a sign that he will speak again, “Dapat ba kitang asarin para makuha ko ang atensyon mo?” tanong niya.

“Ngumingiti ka naman sa iba,” sabi niya.

How does he notice that, anyway. Does he mean sinadya niyang muntik na niya akong sagasaan? O sa iba niya nakitang ganoon ako?

“Kumakaway ka naman sa iba,” sabi niya pa.

Of course I would. I’m a sociable, friendly person.

“Hindi ka naman ganito kalamig sa iba,” dagdag niya.
Yes, I’m not. Dapat ba akong maging mabuti sa kaniya, knowing that he saves my swimming pictures, and that he almost killed me with his motorcycle?

“Paano ko ba makukuha ang atensyon mo? Gaano kahirap pa para matingnan mo ako?” sunod-sunod niyang tanong.

‘Gaano kahirap pa?’ Bakit, pinaghirapan niya na ba? He barely knows me! Huwag niyang sabihing na-inlove na siya sa akin kakatingin sa pictures ko sa Facebook?

Uh-huh. Looks like this piece of shit did. Why would he always chat me when he doesn’t know my personality? Kagaya lang siya noong mga nag-cha-chat sa akin agad matapos ko silang iaccept sa Facebook at sasabihing ‘ang ganda mo po. Nainlove po ako sayo. Pwede po bang manligaw’.

Peke siyang tumawa. Inaantok na ako.

“Baka nakikita ng Papa mo ang mga chat ko sa iyo, ah,” halos babala niyang tono.

Chats niya. Kung takot pala siyang makita ng mga magulang ko ang chat niya, bakit pa siya siya nag-cha-chat?

Mas nakakaasar lang na takot sa mga magulang ko ang mga lalaking nagsasabi sa akin na gusto nila ako. Kung takot sila, umaasa ba silang itatago ko sila o ako mismo ang magpapakilala sa kanila?

Bakit ko sila tatanggapin? Ni wala nga silang lakas ng loob ipakilala ang sarili nila sa mga magulang ko. What’s worthy about them, then?

Hindi ko kailngan ng lalaking takot ipakilala ang sarili niya sa mga magulang ko. How will he court me if he’s scared to face my parents?

Inaantok ko siyang nilingon. Hindi ko ibinaba ang paa ko kaya sa kabilang tuhod ko ako sumandal.

“That’s what you get for bugging a young woman whose account is handled by her parents,” sagot ko sa kaniya, tinutukoy ang sarili ko.

Ibinalik ko ang mukha ko sa kabilang tuhod ko. Nakaangat na ang ulo ng kuting, mukhang nagtataka kung bakit tumigil ako sa paghaplos sa kaniya.

“Alam mo ang hirap mo,” kumento niya.

Hindi naman ako mayaman. I know that.

“Ang hirap mong pakisamahan, oo,” dagdag pa niya.

This piece of shit! I have never been told of that my life! I am sociable and friendly. How dare he say that as if he knows me?

“Pero okay lang,” putol niyang sabi.

Okay lang dapat talaga! He thinks I need him. Sorry, boy. I don’t need a boy nor a man. I am powerful by myself.

“Maghihintay ako hanggang sa kausapin mo ako. Kahit hindi ako sigurado kung gagawin mo,” sabi niya pa.

I would really not. I feel so sleepy. Naipikit ko na lang ang mata ko para magpahinga saglit. I feltt the comfortable wind hugging me. The wind so soft in which I cannot find in Cavite.

Naalimpungatan ako dahil naglalakad ang kama ko. I opened my sleepy eyes and saw a boy’s blurry face. Napapikit na lang ulit ako.

I woke up early in the morning, with sweat in my forehead. Luminga ako at may araw na kaso patay ang aircon. Pinatayan na naman ako ni Papa ng aircon!

Paano ako nakarating sa kama?

Napatagilid ako ng ulo ko. A blurry memory entered my mind. Naitagilid ko ulit ang ulo ko. I think that was a dream. I must’ve walked sleepily to the room.

It was a normal quiet day. Wala si AJ kaya boring pero tinatamad naman akong lumabas para pumunta kina Celeste at Jainez. Tinatamad din akong pumunta sa kabilang bahay. I slept all day with the kitten.

Buong maghapon akong tulog kaya pagdating ng gabi gising na gising ang diwa ko. Pagkakain namin ni Papa umalis na ulit siya ka agad kaya naiwan akong mag-isa. I felt bored so I went out to the front of the other house. Umupo ako roon. I brought my phone but I don’t really know what to do with it.

I opened and chatted Alexandra instead. I’m wondering when she’s coming home. Ang boring kapag wala siya.

Agape Sanguine Laude

Na saan ka na 

I stared at the dark skies as I waited for a reply. My phone beeped at a notification.

Alexandra Jane Laude
Active now.

Sa Cavite kami pumunta ni Kuyaa
-->dinee siya may tugtog

Agape Sanguine Laude

Kailan kayo uuwi 

Alexandra Jane Laude
Active now.

dee ko pa alamm

I played the song Home in my phone. Inangat ko ang paa ko mula sa lupa at humiga ako sa kinauupuan ko. Inangat ko ang kamay ko at ginamit iyong unan.

Times like this… really feels like a vacation. The calmness of the place that is eager to make you calm. The stars that shine so bright that nothing can compare to it. The light of the moon that lights even the darkest nights. Inangat ko ang isa kong kamay, sinusubukang abutin ang madilim na langit.

May humawak bigla ng kamay ko. Nahila ko iyon agad at napaupo ako mula sa pagkakahiga.

Inabot ni Clarkson sa akin ang isang unan at isang kumot na hindi ako ang gumagamit. Sineniyas niya pa sa akin na hunanin ko.

“Kinuha ko sa sala niyo. Pinayagan naman ako ng Papa mo na pumasok sa bahay niyo,” pag-inform niya sa akin.

Napabuntong hininga ako sa kaniya. Akala ko ba alam niya kung saan ako natutulog? Bakit sa sala niya kinuha ang unan at kumot?

“Malamig tsaka masasaktan ang kamay mo sa pagkakaunan mo. amitin mo itong unan at kumot,” saad niya at sineniyas ulit ang hawak niya.

Ibinaba ko ang pagkakaangat niya roon. From the pillow and blanket I lifted my eyes to his.

“Mga lalaking nakikitulog sa amin ang gumagamit niyan. I don’t use those,” sagot ko.

That was a failed effort of his. Ibinalik ko ang tingin ko sa madilim na langit. Umalis din naman siya kaagad at pagbalik may dalang bagong set ng unan at kumot. Mukhang sa kwarto na niya kinuha pero ang mga iyon ay si Alexandra ang gumagamit.

“Kinuha ko sa kwarto mo,” balik niya.

“I don’t need it anymore. Hindi na ako hihiga rito,” sagot ko sa kaniya.

Tumango siya. Bumalik na lang siya sa bahay. Pagkabalik niya wala na siyang dalang unan at kumot.

Ang slim ng figure niya at mukhang walang muscles. Not my type. It opposes to my curvy body. Baka kapag ipinagtabi ang hita namin, mas malaki pa ang akin.

Umupo ulit siya sa malayong tabi ko. Isinuot ko ang tsinelas ko dahil sa naramdamang lamig sa paa.

“I-ilang taon ka na?” tanong niya.

He stuttered. He must be flustered that I talked to him a bit. I think I’ll lose my mind if I won’t talk to anyone while AJ is not here. That’s my reason. I need a reason. If he’ll ask why I’m talking to him, I will need a reason.

Ilang taon na raw ako? Bakit, kapag nalaman ba niya, titigilan niya na ako? I hope so.

“Kaka-fifteen ko lang,” sagot ko.

Tumango-tango siya. Where’s the kitten? I didn’t see her around.

“Tatlong taon lang akong mas matanda sa iyo. Mag-e-eighteen pa lang ako,” pag-share niya.

Did I ask? I want to say it. But if with others, I won’t since I’m someone who values sociability.

“Majorette ka ba?” tanong niya.

Lumingon siya sa akin kaya nilingon ko siya saglit. Umiling ako. Humigpit ang hawak ko sa cellphone ko.

“Hindi malambot ang katawan ko,” sagot ko na lang, cracking a lie.

Napatagilid ang ulo niya. Tumingin siya sa kawalan at mukhang nag-iisip siya.

“Hindi naman yata. Lahi niyo ang malambot ang katawan,” kumento niya at ibinalik ang tingin sa akin.

That’s true. We Laudes are known for that. My Titos are basketball players back in their days. The girls in our family are great in dancing, but didn’t really join majorettes. Malambot din ang katawan ko, reason why I want to try gymnastics.

Kumibit-balikat na lang ako sa kaniya. If I’ll lie, I won’t tell the truth till the end.

“Don’t imagine me being a majorette. That won’t happen soon,” sagot ko na lang.

Gymnasts and majorettes wears both showy clothes. I’m not comfortable with men who fantasizes us women showing our skin. Who would be, anyway.

“Kapag sumali ka, baka ikaw ang maging leader,” kumento pa niya.

“May leader na sila bago pa ako sumali kung sakali. They won’t kick out their leader just for me,” balik ko.

“Dito ka ba nag-aaral?” dagdag tanong niya.

Napalingon ako sa kaniya, naguguluhan. I thought he already know that far? Hindi ba? Halata namang hindi ako dito nag-aaral. I don’t even have their accent. Others are influenced by how I speak, but I’m not influenced by how they do.

Hindi ko siya sinagot. Umiwas na lang ako ng tingin. That’s his to find out.

Maagang umuwi si Papa. He mostly goes home around one or two in the morning but he came home at eleven o clock. Nagpasalamat siya kay Clarkson bago ako iginiya papasok sa bahay. I didn’t bother looking at him before he left.

The Moon in her Broken Home (Broken Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon