Fractum 32

116 4 0
                                    

Broken 32: Sili

The days came fast. Because of the healthy community here in Batangas and my full time studies, my mind did not bother to think abut my mother and the online riot.

Clarkson did not say anything about it, too. My father did not tell me about it either. Tita Marina kept silent.

I thought about it like it was something that I did not see.

Midterms are such a mess. Halos magsabay ang ilang projects at ang midterm exams.

“Ano ba yan, sabay-sabay na lahat!” reklamo ni Morene sa tabi.

“Wala pa akong project,” reklamo ni Antonio.

“Ako rin!” dagdag ng isa.

“May quiz raw sabi ni Ma’am,” anunsyo ni Felicity.

“Quiz na naman?! Araw-araw na lang quiz!” reklamo sa harap ng classroom namin.

“Parang hindi pa kayo nasanay!” pasinghal na balik ni Felicity.

Nagrereklamo na ang mga kaklase ko sa sabay sabay na gawain. I started my projects immediately after they were announced aand now the only thing that is left for me is to study for the upcoming exams.

Hindi ko na nakita si Clarkson mula pa noong isang linggo bago mag-midterm exams. I did not mind his absence. Madalas rin namang hindi ko alam kung na sa labas ba siya o hindi dahil hindi na ako nagkakaroon ng oras para ipasada ang tingin sa labas ng bintana.

Nananatili akong tahimik habang nag-aaral at hindi na rin ako nakakatanaw sa bintana dahil busy ako sa pag-aaral.

Maraming mahihirap na formulas na hindi ko pwedeng makalimutan at hindi ko pwedeng hindi mapag-aralan. Pinapaulit-ulit ko lahat para tumatak sa isip ko. Kahit ang Filipino ay mahirap din para sa akin. Graduating is such a mess.

The night keeps getting colder and colder. The summer is long gone and I can really feel the breeze of Christmas. Ang lamig lalo ng gabi. But the dark skies are not empty because of the high bright moon and the glittering stars.

This is really a healthy community. Hindi ko maalalang nagkaroon ako ng ganito kakalmadong pakiramdam habang nag-aaral sa Cavite.

The only view I have there is the four corners of my small room. The unhealthy words of my mother even when she knows I’m studying. The fire breathing electric fan in my room.

The province life is so healthy for me. The warmth of my family here with me. The cold calming breeze of the wind while I’m studying. The kind people, opposing to those who name call me back in Cavite.

Kahit mag-isa ako ngayon sa kwarto at bahay, kapag narito naman si Papa ay kalmado niya akong kinakausap at kaunting lakad ko lang palabas, may makakakwentuhan na akong pinsan ko.

This is my home. I found myself here. I found my happiness here.

Pangalawang taon na, pero hindi pa rin ako nagsasawa sa tanawing ito. Hindi ako magsasawa sa tanawing ito.

I smiled unconsciously. Ibinalik ko ang tingin sa mga notes ko at nagpatuloy na sa pagkakabisado at pag-aaral para sa midterm exams ko.

Nag-uunat ako ng leeg nang lumabas ako sa classroom. The three day exams are finally done. May tumalon sa tangkad ng balikat ko kaya napabalikwas ako. Morene laughed at my face and Felicity showed up on my other side.

“Ano sagot sa number three?” tanong agad ni Morene.

“Hindi ako sigurado sa sagot ko roon,” balik ni Felicity.

“Letter C ang sagot ko,” sagot ko kay Morene.

“Yes! Tama ako!” sigaw ni Morene.

Napatawa ako sa kaniya. Felicity laughed at my side, too.

“Hindi naman ako sigurado sa sagot ko,” pag-amin ko.

I’m never going to be sure of my answers here in senior highschool. Lalo na kapag college na ako.

“Sus! Basta sagot mo, tama na iyan!” natatawang sabi ni Morene.

“Sasabihin pa niyan, hindi siya nakapag-review. Pero ang exams, perfect lahat!” dagdag ni Felicity at napatawa rin sa huli.

“Hindi naman lahat perfect, Fel…” natatawa ko pang sagot.

Hindi naman talaga kataasan ang grades ko. I study so much to maintain my average. I study for my college life. Lahat ng ito, makaktulong para Sa akin sa college.

Nakasanayan ko nang mag-aral ng mabuti at maigi kaya sana ganito rin ang gawin ko sa college. I study so much, too, so that I can have a scholarship in my chosen university where I will go to.

Nanatili akong nakatihaya sa malawak na kama ng kwartong ipinahiram sa akin ni Tita Marinita. Nakatingala lang ako sa ngayo’y puting kisame, iniisip ang magiging grades ko. I should stop thinking about that. Nothing will change even if I think about it the whole night.

Tita Marinita gave this house a makeover last year just before Christmas. Hindi siya umuwi habang inaayos ang pero pinapinturan niya ang mga dingding noon. Wala kasing pintura ito noon at tanging gray lang ang kulay.

Now the ancient looking house of Tita Marinita looks more classic but with a splash of color in its walls. I don’t know if Tita Marinita’s favorite color is orange, but her house is full of it, so maybe it is. Hindi naman iyong tipong nakakasilaw na neon orange.

The shade is a pastel light peachy orange color. Kahalati ng pader na pahiga paba ay ganoon ang kulay. Ang kalahating pader na pahiga at pataas ay nakakonekta sa kulay puting kisame na ang gilid ay nabigyang accent ng pastel peach na kulay, kagaya sa kalahating ibaba.

My favorite color is white. I wonder if I’ll make my house in the shade of my favorite color, too? It’ll look like a ghost house.

Napalingon ako sa nakabukas na bintana. It’s a cloudy afternoon. Parehas lang ang schedule ng exams namin sa normal na schedule namin kaya tanghali pa lang. I already ate my lunch. I feel bored and I don’t think studying can ease my boredom. This is another free day for me.

Bumuntong hininga na lang ako at tumayo. I unlocked my door. Kakababa ko lang sa dalawang hagdan, rinig ko na ang boses ni Papa.

“Nak! Nak! Magpaturo ka muna mag-bike bago mag-motor!” rinig kong boses ni papa.

I traced his voice. Sa terrace dapat ang punta ko pero sumegway ako papunta sa kusina. Sa bintanang katabi ng dining table ako sumilip kaysa sa back door. Napakurap ako nang makitang may maputing lalaking nakangiti habang habawak hawak ang isang hindi katangkarang bike.

Anong ginagawa niya rito? Matapos niyang mawala ng dalawang linggo, magpapakita siya ngayon para magturo mag-bike…?

Papa appeared. Hinampas ni Papa ang balikat ni Clarkson at nagtawanan sila.

Close sila?

Inangat ni Papa an tingin niya sa akin mula sa labas.

“Sige na, anak. Doon kayo magsimula sa terrace,” sabi ni Papa at hinampas ulit ang balikat ni Clarkson bago bumalik sa may likuran, sa babuyan.

“Tara na,” salita niya at naglakad papunta sa daan ng terrace.

Napakurap-kurap ako. Gusto ko magpaturo mag-motor pero hindi mula sa kaniya. Tsaka hindi ako marunong mag-bike.

Dahan-dahan akong naglakad papunta sa terrace. I already changed my clothes and I’m back to my conservative pajamas.

Tinukod ko ang kamay ko sa railings nang makarating sa terrace. Nakangiti siya sa akin at maaliwalas ang mukha niya pero expressionless lang akong nakatingin sa kaniya.

“Akala mo magpapaturo ako sa iyo mag-bike? Mamaya, baka ingudngod mo pa ko,” pauna ko sa kaniya.

Tinagilid niya ang bike at inihilig sa kaniya. Iisa na lang ang hawak niya na handle ng bike.

“Bakit naman kita ingungudngod? Baka saluhin pa kita pag nahulog ka,” saad niya, hindi tinatanggal ang mapangasar na ngiti.

Nakangiwi akong napakurap-kurap sa kniya. Ang corny. Nakakairita. Wala na akong mai-describe kundi yun lang.

“Dali na. Para matuto ka na mag-motor,” pamimilit niya pa habang nakangiti.

Paulit-ulit na akong humindi. Pinapanood ko lang siya sa matangkad niyang katawan at maputi niyang kutis na nakasakay at nagpapaikot-ikot sa malawak na harap ng terrace namin. I watch how he smoothly glides the medium sized bicycle in a small to big circle. Malawak ang ngiti niya sa akin habang inaasar ako.

“Dali na, oh. Tamo ako ang galing ko magbike. Mabilis ang ikot. Mabilis ang preno,” pagmamayabang niya at saka siya pumreno sa harap ko.

Kairita lalo. Hindi mawala sa isipan ko ang ka-corny-han ng sinabi niya kanina. Sa salita niya, sasaluhin niya ako. Sa realidad, tatawanan niya lang ako kapag totoong nangudngod ako.

“Kaysa naman masabihan ka ng hindi ka na nga marunong mag-motor, hindi ka pa marunong mag-bike man lang,” pangangasar niya pa.

I am not even pissed by that. Kumukurap lang ako sa kaniya. The only thing that I am thinking about is the fall he mentioned.

Why think about that, anyway? I need a reason.

Because I’m afraid of getting a scratch… the hell?

“Ang maganda, matalino, magaling mag-acting, beauty queen, majorette, at dancer na Sanguine, hindi marunong mag-bike,” deklara niya at nagpaikot-ikot na ulit.

Still not pissed by that! Sa rason ko ako naiirita!

Piece of shit. Iritado na lang akong bumaba sa hagdan ng terrace. He met me halfway with his smile but I only gave him a warning look.

The only thing I thought about as a bigger reason for letting him teach me is Konti’s words. Of course, hindi ako matututo mag-motor! Wala namang nagtuturo sa akin! I only grabbed the chance.

“Excuse me!” halos singhal ko sa kaniya at ikinumpas ang kamay ko para makaalis siya sa upuan at ako ang makapalit.

Napatalon pa siya ng dalawang beses habang tumatawa sa biglaan niyang pag-alis sa bike. Pumalit ako roon at itinukod ko ang isa kong paa sa lupa dahil hindi pa ako marunong bumalanse.

“Paano ba ito?” tanong ko habang hawak na ang dalawang handles.

Nawala na rin ang pagkairita ko kalaunan nang turuan niya akong bumalanse. He did not play any corny tricks. Hindi kagaya ng mga napapanood ko sa TV noon na naghahawakan ng kamay sa bike, sa likod lang ng bike, sa seat sa likod ko, lang siya humawak para makontrol ako.

Pa-gewang-gewang ako habang umuusad. Hindi ko maiangat ng tuluyan ang mga paa ko sa takot na matumba ako kasama ang bike. Panay rin ang baba ko ng isang paa kapag nararamdaman ko ang kahit kaunting pagtagilid ng bike.

Halos mapairit ako tuwing ganoon ang nangyayari pero si Clarkson ay tawa lang nang tawa sa likurang gilid ko!

“Kalma ka lang. Kabado masyado,” natatawang kumento niya.

Gumewang ang pagkahawak ko sa handles. Ibinaba ko ang kanan kong paa sa lupa. Napakunot ang noo ko nang nakitang kakaunti pa rin ang nauusad ko.

“I am not,” depensa ko sa sarili ko.

Tumawa lang siya. Maluwag ang pagkakahawak niya sa seat sa likod pero nang subukan kong iangat ang mga paa ko ay humigpit iyon doon.

Pantay naman ang lupa pero bakit ang hirap ibalanse nito!

Tumigil na kami kahit isa hanggang tatlong ikot pa lang ng pedal ang kaya ko. Nakaupo na ako sa mahabang classic woodcraft na upuan sa terrace samantalang nagpaalam si Clarkson na aalis saglit dala-dala ang bike niya.

Umalis siyang may dalang isang malaking plato at dalawang maliit na bowl. I wondered what he did and my question is answered now.

May lamang kwekwek, fishball, kikiam, at calamares ang platong dinala niya. Ang dalawang maliit na bowl ang isa ay suka ang laman at ang isa ay spicy sauce.

Mangha ko siyang pinanood habang umaakyat sa hagdan palapit sa kinauupuan ko. May nakikita akong kaba sa mukha niya habang inilalapag niya ang mga pinggan sa mahabang upuan na ito. Umupo siya sa kabilang side ng plato kaya napagitnaan kami ng streetfoods.

“Kumakain ka ba… nito?” halos nag-aalinlangan niyang tanong.

Tumango agad ako. Tumusok ako ng fishball at isinawsaw ko iyon sa sukang may sili.

“Oo naman. Hindi ako mayaman para mag-inarte sa pagkain,” balik ko at isinubo ng buo ang flat na pagkain.

“Maanghang yan. Sabagay, marunong ka namang kumain ng maanghang,” wala sa sarili niyang sabi at tumusok ng kwekwek.

“Paano mo alam iyan,” halos statement ko.

Sumulyap siya sa akin gamit ang mata niya. Nangiti siya sa plato ng pagkain at nginuya niya ang kwek-kwek na isinubo niya.

“Mukha lang,” sagot niya nang malunok ang kwek-kwek.

Kumibit-balikat ako. I faced the view in front of us and I saw the changes in the colors of the skies. Hapon na. Tanghali pa siya rito.

Lumingon ako sa kaniya para magtanong, “Wala ka bang klase?” I asked.

Lumingon din siya sa akin. He smiled at me and I saw how high his cheekbones are. Hindi ako ngumiti sa kaniya at bahagya pang nakunot ang noo ko habang pinapanood ang ekspresyon niya.

“Wala pa. Mamaya pang gabi. Absent ang mga professors ko,” sagot niya.

Tumango na kang ako. Hindi ko na sinundan ang mga tanong ko dahil nagmumukha akong weird. Bumuntong hininga ako. Kumurap ako sa puting tiled na sahig bago inangat ang tingin ko sa harap.

I looked up the skies and I suddenly felt miserable. Pero nang bumaling ako sa kaniya, nakatingala rin siya sa iba’t-ibang kulay ng langit at maaliwalas ang mukha niya.

He looks… satisfied, assured… with gentle bliss...

I felt my expression softening. Kumalma ang paghinga ko at nawala ang pagkakunot ng noo ko.

I stared at his paper white face. I am seeing him in his side view and I can see his white jaw and softly pointed nose. His expressive and soulful eyes look hopeful and his thick black brows looks relaxed, without a hint of anger in his soft features.

His absence in my eyes for the past two weeks is a normal thing for me. I did not feel left out or anything. But his soft presence beside me now is an oddly good thing to me.

His absence was a normal thing for me, but his presence now is seemingly a good thing to me.

The moment he turned to glance at me and smile, I genuinely and softly smiled back.

The Moon in her Broken Home (Broken Series #1)Where stories live. Discover now