Fractum 1

818 7 0
                                    

Broken 1: Mother

Agape. The Meriam Webster’s dictionary says that it is having the mouth open because of wonder, surprise, or shock. Literally.

In Greece, Agape means unconditional love. It is the altruistic, selfless, and unconditional type of love. The Greeks thought that it was quite radical. Agape is, they say, sacrificial love that voluntarily suffers inconvenience, discomfort, and even death for the benefit of another without expecting anything in return.

Agape? Unconditional Love? Talaga? Pangalan ko pa talaga?

Unconditional love. Tingin mo ba paniniwalaan ko iyan kung sa love pa lang, hindi na ako naniniwala? Unconditional! Walang hinihinging kapalit. Kung totoo ang ganiyan, eh ‘di sana kinakayang mabuhay at magpatuloy ng tao kahit buong buhay siyang naghahabol. May mga tao naman na sinasabing mahal nila iyong tao kahit hindi sila mahal pabalik.

I don’t believe that.

Ang attraction, na tinatawag ng mga tao na napagmamahal, ay ang mismong nagsasabing gusto mo lang iyong tao dahil hindi siya interesado sa iyo. Kung mahal mo nga iyang sinsabi mo, bakit kapag sinabi niyang mahal ka na rin niya, inaayawan mo na? Bakit kapag ibinalik na noong tao iyong pagmamahal mo, tumitigil ka na? Kung hindi ka tumigil agad, bakit sa katagalan nagsasawa ka?

Gusto mo lang iyong tao dahil hindi siya interesado sa iyo. People like the thrill. Attracted ka lang doon sa tao dahil hindi ka niya pinapansin. Sa oras na masabi niya sa iyong gusto ka na rin niya, nagsasawa ka na, at nawawalan ka na ng interes. Kasi wala ng thrill, hindi ba? Kasi hindi naman totoo iyong nararamdaman mo. Hindi totoo ang pag-ibig ng isang tao. Hindi totoo ang pag-ibig, overall.

Thrill, attraction, and lust. Inilalagay sa kabuoang salita ng ‘love’. Misunderstood.

There is no such thing as unconditional love. Dahil kapag tumagal, maghahanap ka pa rin ng kapalit. Kapag nagtagal at hindi niya na-meet ang expectations mo, magsasawa ka rin at hihingi ng kapalit. Unconditional. That word may be true in other aspects, but not love.

Kung gaano kahindi totoo ang uncondional love, kagaya na lang yan ng ilusyon na lilipad ang mga baboy.

Nilipat ko ang tingin ko sa TV mula sa notebook na binabasa ko. Nilingon ko si Mama Gena na nakaupo sa sofa sa gilid ko lang. Hawak niya ang cellphone niya pero napatingin siya sa TV dahil sa nangyayari sa scene sa MMK.

Kumibit-balikat ako at ibinalik ang tingin sa notebook. She’ll say something about the scene in the television any moment now.

Sinasaktan na ng tatay ang anak niya sa scene sa MMK. Hindi pinag-aral ng tatay ang anak niya at inuutusan ang anak na ibenta ang katawan para magkapera sila ng tatay niya at noong hindi sinunod ng anak, sinaktan na ng tatay.

“Wala talagang kwenta ang mga tatay kahit kailan. Hindi na nga pinag-aaral ang anak, sinasaktan pa, pinagpo-prostitute, habang siya nag-inom na lang ng nag-inom at nagbisyo,” pagalit na sabi ni Mama.

Nakita ko sa peripheral vision ko ang pag-iling niya at pagbalik ng tingin sa cellphone niya.

Nanatili ang tingin ko sa notebook. I got shaken by what she said but I didn’t budge. She’s always like this, anyway. Kapag nagsalita ako ay ako lang ang mumurahin niyan.

Not all fathers are like that. There may be a lot, but not all. I don’t think that my father is good, too, but I don’t think he’s that bad, either.

“Kapag hiwalay ang magulang at sa ama napunta ang anak, hindi talaga magkakaroon ng magandang buhay ang bata,” dagdag pa niya, hindi napapakali sa usapang tatay.

I wanted to watch MMK peacefully while reviewing that’s why I’m here. I forgot that I can’t have a peaceful watch of MMK with my Mama around watching, too.

The Moon in her Broken Home (Broken Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon